Epilogue

1.4K 42 32
                                    

Epilogue:

Hindi ako masamang tao, hindi ako irresponsable. Nagkamali ako kaya tinatama ko.

Three years ago nakagawa ako ng isang bagay na hindi ko pinagsisihan.

Sir Sandriel, don't be late.

Basa ko sa text message na galing sa katrabaho ko. Part time professor ako sa isang school na magkakaroon ng alumni mamaya. Gaganapin ang nasabing alumni sa isang malaking bar.

Bilang isang baguhan sa eskwelahan na'yon required parin akong sumali sa alumni nila. Hindi na ako tumanggi sa request ng school principal.

Simple lang ang suot ko pero sapat na iyon para makaaakit ng atensyon sa madla. Pumasok ako sa venue at hinanap ang desk ng faculty. Kinawayan ako ng kasamahan ko kaya lumapit na ako sa kanila.

Maingay na ang bar at marami narin ang nandito. Iba't iba ang suot nilang t-shirt na may printed numbers para irepresent ang batch nila, ang iba naman naka casual attire.

Nagsimula din ang program kinalaunan, isa-isang tinawag ang batches para sa exposure nila. After that kumain na ang lahat at kanina ko pa napapansin ang isang babaeng tingin ng tingin sa akin mula sa kabilang table.

"If ever edi magpapabuntis nalang ako sa gwapong lalaki then hindi ko na poproblemahin pa ang pag-aasawa. At least may anak na ako kahit walang lalaki sa buhay ko."

Natawa ako sa sinabi niya. Talaga lang ha? Nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya mabilis siyang nag iwas ng tingin. Mukhang type ako ng isang 'to, di na masama maganda naman siya.

Nagpunta akong restroom para umihi. Paglabas ko may nakasalubong akong babae na pasuray-suray, umaalon ang nakalugay niyang buhok. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko siya.

"Yes pogi?" Tumawa siya.

"I'm sorry, miss. Akala ko ikaw ang hinahanap ko." Palusot ko ngunit nagulat ako ng halikan niya ako bigla. Mabilis ang mga pangyayari, nasa hotel room na kami at naghahalikan. Isang mainit na gabi na pinagsaluhan namin. She's a stranger but her presence feels something to me. Marami na akong naka-hook pero nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam habang nagniniig kaming dalawa.

Kinabukasan nagising ako sa tabi ng estranghera. Nagbihis ako at lumabas para magtungo sa front desk para magpadala ng pagkain sa taas. Bumalik din ako kaagad ngunit wala na akong nadatnan sa kwarto kundi ang pulang mantsa sa puting kumot ng kama. Napasabunot ako sa aking buhok, I'm sure hindi ko na withdraw.

"Loko ka talaga, Irish. Bat mo naman sinet ang relationship status natin sa facebook." Natatawa kong saad.

"Hayaan mo na para tigilan ka na ng mga stalker mo."

Hinayaan ko nalang ang trip ng pinsan ko. She's my cousin in my mother's side. Loka loka talaga si Irish. Marami din kasi yang stalker at manliligaw, nauumay na siguro siya sa mga ito. Mabuti narin iyon para parehas kaming makaahon sa mga humahabol samin. Tsk, habulin talaga ang lahi namin.

"Daddy... Daddy... Help!"

Pawis na pawis akong napaahon sa kama dahil sa panaginip ko. Bakit lagi nalang may batang nagpapakita sa panaginip ko? Sino siya? Natulala ako sa ere ng maalala ko ang gabing iyon. Hindi kaya nagbunga ang pagniniig naming dalawa? Nagkaroon kaya ako ng anak sa babaeng 'yon?

"Sir, I think I have a kid... Nagbunga yata ang isang gabi ng kapusukan ko–" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin, napaupo na lamang ako sa sahig dahil sa lakas ng suntok na tumama sa mukha ko. Galit na galit siyang nakatingin sa akin.

"Kahit kailan talaga, Sandriel... Wala kang kwenta!" Napahimas ako sa aking mukha na tinamaan ng kamao niya.

Simula ng mamatay si mama wala na akong kakampi. My dad never liked me as his son, malaki ang pagdududa niya na baka iba ang ama ko at hindi siya. Ngunit alam niya na siya lang ang babaeng minahal ng mama ko kahit sa huling sandali ng buhay niya. Siguro ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni mom. Kung wala ako sa tiyan niya baka buhay pa siya ngayon.

Hiding the Professor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon