Chapter 18

1K 26 4
                                    

Ang buhay di pwedeng gamitan ng remote control. Kahit gustong-gusto mo nang i-pause, or i-past forward, i-resume o higit sa lahat i-off, pero hindi e, you have no control over this world. Yes, you make your choices and decisions in life but have no power over its consequence— whether you make good or bad, the result will always determine whether you made a better or worse choice.

Gaya nalang ngayon hindi ako makapili ng damit na isusuot mamaya. I am too anxious for tonight's event, my mind is on haywire. I don't know what will happen later and I am not ready for anything. Napahinga ako ng malalim at napabuga ng hangin.

"Ma, I need suggestions!" Sigaw ko. Nasa loob ako ng kwarto habang nakalatag sa kama ang iba't ibang klase ng damit na meron ako. Maganda naman ang lahat ng damit ko pero bakit ngayon kahit anong sukat at bagay ko nito sa sarili ko ay pakiramdam ko pangit tignan sa akin.

Pumasok si mama sa loob ng kwarto ko. "Maganda naman lahat ng 'yan, believe me anak bagay sa'yo lahat." Tinignan ko si mama at pinanliitan ng mata. Ngumiwi ako at napahiyaw. "Ma, kinakabahan ako para mamaya." Napaupo ako sa kama. "Wag nalang kaya tayong tumuloy?"

Umiling si mama. "Your son feels the other way, kung ikaw kinakabahan siya excited na makita ang papa niya— ang tito pogi niya. He keeps on mentioning about it and Aidan will surely be disappointed if hindi tayo pupunta mamaya."

Nangilid ang luha sa mga mata ko, I bit my lower lip. Tadhana nga naman, kahit anong iwas ko sa mga bagay na gusto kong burahin sa buhay ko pero ang end point  pinagkrus niyang muli ang mga landas namin. Ang dami nang nangyari, ang hirap nang magsimula ulit at i-reset ang lahat. Hindi ako nagsalita, nagsimulang yumugyog ang aking balikat. Umiiyak na pala ako. Linapitan ako ni mama at pinatahan.

"Alam mo naman na kahit bumaliktad pa ang mundo, kahit pumuti na lahat ng buhok ko nandito lang ako para sa inyo ng apo ko. Anak, you may not feel it or I may not be able to make your life the best at hindi ko man nagawa na magstay ang papa mo para sa atin— para sa'yo pero gagawin ko sa abot ng makakaya ko ang makakabuti sa'yo at para sa apo ko. Lagi kong dasal sa maykapal na kahit sa iyo nalang, maging buo kayo at maging masaya."

Umiiyak narin si mama kaya mas lalo pa akong napaluha. Nawalan man ako ng ama pero pinunan naman ni mama lahat ng puwang sa buhay ko. She stayed by my side and never gave up on me. Lagi ko siyang binibiro na mag-asawa siyang muli at piliin naman niyang maging masaya para sa sarili niya ngunit ang sagot niya lagi ay bakit pa raw siya maghahanap ng kasiyahan kung nandito naman daw kami ni Aidan na naging lakas niya.

"Ma... I don't know what will happen to me kung wala ka. Thank you." Inabot ko ang pisngi ni mama at pinahid ang mga luha niya.

"Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ng apo ko."

Tumango ako at natawa. "Ang drama na pala natin, pagpili at pagsukat ng damit lang sana eh." Natawa narin si mama.

"Sige na, ihanda mo na ang sarili mo. Your son is more than ready kaya dapat ganon ka rin."

Tumango-tango ako at pinahid ang pisngi kong basa ng luha. Lumabas na si mama ng kwarto at naiwan na ulit ako. Hinarap ko ang kama at nameywang.

"Don't be afraid, Val. Maganda ka!" Napatango-tango ako sa aking sinabi. Bumuga ako ng isang malalim na paghinga. I am strong, more than anything else I'm a mother.

Napatingala ako sa wall clock ng kwarto ko, may sapat na oras pa ako para maghanda.

Mga banda alas una y media iyon ng makarinig ako ng doorbell mula sa labas ng bahay. Napkunot ako ng noo.

"Ma, are you expecting any delivery?" Tanong ko. Nasa living area kami ni Aidan, we're watching a cartoon show on the TV.  Mama shrugged her shoulders, also clueless about it. Tumayo ako para pagbuksan ang kung sino mang tao sa labas. Pagkabukas ko ng gate isang babae ang tumambad sa akin.

"Hi, ano pong kailangan nila?" I asked politely. Ngumiti sa akin ang babae.

"Mr. Altamonte send us here to bring your wardrobes, ito daw ang susuotin niyo mamaya." Pumalakpak ito at mula sa isang sasakyan ay lumabas ang dalawa pang babae. Nagkaroon na ako ng idea sa nangyayari, they are from a cothing line send here by Sandriel to give us our wardrobes. May dala silang mga paper bags. Tinanggap ko lahat ng iyon.

"He also asked us to do the make-up and hair, babalik kami dito by three so that by six ready na kayo."

I'm so speechless, tango lang ang naisagot ko. Nagpaalam sila kaya nagpasalamat ako. Napangiti ako, may kung anong saya na namutawi sa kalooban ko. Bumalik ako sa loob at itinaas ang dala kong paperbags.

"Ano 'yan?" Tanong ni mama, pati si Aidan ay napatingin na sa akin.

"Padala ni Sandriel para mamaya."

"Iyon naman pala, hindi naman pala kayo pinabayaan sa isusuot niyo mamaya." Ngiti ni mama. Napasimangot ako sa tono niya.

"Ano ka ba, mayroong sayo dito oh." Itinaas ko ang paper bags. "Magsukat na tayo?"

Excited kong saad. Kanina nangangapa ako sa isusuot ko, buti naman at nagprovide si Sandriel.

Una kong sinukatan si Aidan, sakto at bagay sa kanya. Sunod si mama, she looks good on her black dress. Hapit iyon sa katawan niya, in fairness sa mudrakels  ko di halatang almost fifty na dahil maganda parin ang body shape niya, may pinagmanahan talaga ako.

"And of course, for the queen of the king." Inilabas ni mama ang isang black dress, ang ganda niyon ang kulay ay charcoal black, backless iyon at may slit sa gilid.

"You will definitely look good in this."  Iwinagayway ni mama ang damit at excited na lumapit sa akin. "Go ahead, isukat mo."

Mas excited pa yata siya kesa sa akin, napahalakhak ako. Isinukat ko ang dress at humarap kay mama pagkatapos. "Okay ba ma?" I asked her, umikot ako.

"Perfect, anak. For sure maiinlove na niyan ang ama ng anak mo sa'yo."  Namula ako sa sinabi ni mama.

Dumating ang make-up at hairstylist sa bahay gaya ng sinabi nilang oras. Magiliw silang pinapasok ni mama.  Si Aidan ang inaayusan ngayon, I took a boomerang video of us while preparing. I posted it as a story in my Instagram.

Sandriel Altamonte replied to your story

Busy. Can't wait to see you here tonight.

---

Author's Note:

Siyempre, bibitinin ko na naman kayo, haha. Snadriel's POV will be written on the Epilogue, we're so near to its end. See you on the Epilogue, mahal ko kayo mga sibillians!

Hiding the Professor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon