001

3.7K 116 15
                                    

"Sigurado ka bang ayos ka na?" Nag-aalalang tanong ni mama - err, awkward man ay kailangan ko na ding masanay na may ina na ako.

Sa pagkakaalam ko ay si Ashley lamang ang anak nito, and weird enough, I don't recall Ashley having blood relatives. Bakit kaya? Hindi kasi ito nag-appear or minention man lang sa libro. Though it is understandable kasi first person's point of view iyon ng bidang babae.

"Oo nga ma, ayos lang." Awkward man ay hindi ko rin maiwasan mapangiti sa pag-aalala nito sa akin. Naaalala ko din naman noon nung bata palang ako, bilang si Almira, palagi akong humihiling na sana ay magka-ina din ako o magkapamilya.

Ngayon ay meron na, pero sakit parin isipin na isa akong kontrabida.

"Sige, ha? Call me if you need anything." She kissed my cheeks and pressed something on her hands then the door of her car opened. Damn, so rich.

"Okay ma."

Humarurot ito nang takbo at naiwan ako sa labas ng gate ng school kung saan ang main setting ng novel na ito.

Larenheit academy. It's an ordinary school, just like those schools I see in the modern world.

Kinakabahan man ay pumasok ako. Kita ko ang pagkagulat nang iba noong makita nila akong naglalakad.

Sino bang hindi magugulat? I heard from my mom that Ashley jumped out of the building. Mismo sa school nangyari iyon.

That information confuses me. Hindi iyon nangyari sa libro. Hindi nag-suicide si Ashley. Kaya bakit ito nangyayare? Or... Did I forget about it?

Honestly, marami akong nabasang libro kaya hindi na ako sure sa plot na'to basta ang alam ko lang ay happy ending ito para sa bida sa kamay ng pitong lalake.

Argh it hurts. All I know is that I'm the hated villainess in this story. Sucks right?

"Naka-survive siya doon?"

"Mukhang wala lang nangyari sa kaniya."

"Baka kasi fake lang 'yun, alam mo naman kung gaano 'yan ka-attention seeker."

Damn right, Ashley. Though it is real that she jumped and the real Ashley died. Kaya nga ako ang nandito di'ba? Pero sana naman kung plano nilang magbulungan pakihinaan pa! Rinig na rinig ko ang mga kumag eh.

Sinundan ako nang mga titig hanggang makapasok ako sa building. Matatalas ang mga ito at kung nakakamatay lang ang titig ay baka kanina pa ako nilibing.

Kahit na ganoon ay taas noo parin akong pumasok sa room ko. Walang college or highschool dito, depende sa kung ano ang makukuha mo sa entrance exam at doon ka i-a-assign sa isang subject. Ang nakuha ni Ashley ay arts, at sakto namang may talent talaga siya doon.

Ewan ko lang kung kaya ko.

"Ashley!" Five girls flock over me with their teary eyes. "Ayos ka lang?"

Yeah... Ashley, just like any other kontrabida, meron ding alipores.

"Nag-aalala talaga ako sa iyo!"

Most of them are commoners threatened by her. Siyempre anong magagawa nang mga mahihirap sa isang arroganteng mayaman? Pero hindi na ako ang Ashley na nakilala nila, dahil gusto ko na rin magbagong-buhay.

"I'm fine." Nginitian ko ang mga ito.

Kung nag-aalala talaga kayo, kahit isang message o bisita man lang ay bakit hindi niyo nagawa?

Sigh. Can't blame them. Ashley is scary, childish, immature, and feeling superior sa mga taong hindi niya 'daw' ka-level, just like the female lead.

Faith Buenivista, ang bida sa librong ito. Galing sa isang pamilya ng mahirap, pero masipag ang dalaga kay she got successful in the end. While studying in the academy, she catches the seven bad boys' heart. Love sick ang pito sa babaeng ito. Love at first sight kadalasan ang nangyayari.

A Villain's Ending [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon