A week later.
Dahan-dahang kinilala ni Ashley ang sampung magkakapatid. Sinigurado niyang walang isa na hindi niya makakausap.
Si Zas ang pinakamatanda, si Vier ang kasunod, si Autumn at Winter ay kambal, si Neon ang ikalima, Arkin ika-anim, Del ika-pito, si Craig, Peter, at Kisshen ay triplets at pinakahuli.
Pare-pareho lamang halos ang kanilang hitsura, dahil nga magkakapatid ang mga ito. Either brown or black ang buhok, ngunit isa-isa sa kanila ay may unique feature sa mukha kaya naman malalaman at malalaman mo kung sino at sino ang mga tao dito.
"Ayos ka lang ba talaga dito?" Nag-aalalang tanong ni Vier at hinigpitan ang suot-suot niyang cloak.
"Oo, ayos nga lang," maikling sagot ni Ashley. Nakita niyang may usok na lumalabas sa kaniyang bibig dahil sa lamig.
Nagkatinginan ang sampung magkakapatid, lalong-lalo na si Zas. Seryoso ang mukha nito.
Ayaw nila iwan ang dalaga pero wala silang magagawa. Pupunta sila sa capital ng Eulysis dahil pinatawag ang mga ito ng hari - para saan? Hindi din nila alam, ngunit may kutob sila na konektado ito kay Ashley.
"Sige, may mga maid naman dya'n. Call for them if you need anything okay?" Vier smiled. Sa tingin ni Ashley ay siya ang pinakamahilig ngumiti sa lahat nang magkakapatid.
"Okay." Ngimiti nang bahagya si Ashley.
Zas on the other hand, sighed and went in the car without goodbye. Something is bothering him ever since that morning where they made a deal and plano niyang lumayo-layo muna kay Ashley, timing naman na tinawag sila ng Eulysis kaya may oras siya para malaman kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman sa kaniyang dibdib.
It's unsettling. Something inside him is not right. Even right now, habang tinitingnan niya si Ashley na walang eksprisyon sa mukha at hindi siya hinahanap he feels... Helpless for some reason. Why? Parang sasabog ang utak niya dahil sa tanong.
Everyone went in after saying goodbye to the only girl that stayed in the mansion - the first ever guest that is a girl.
If word comes out, na ang Saviero siblings ay nagpapa-stay ng isang babae sa kanilang mansion - worst, si Ashley pa 'to. Wanted kriminal ito sa halos lahat ng lugar - everyone would go wild.
The first human and the first girl they ever let in. It's weird. Hindi nila maramdaman ang pandidiri na sa kadalasan ay umaangat sa kanilang lalamunan kapag nakikisalamuha sila ng normal na tao.
Ano ba ang pinagkaiba ni Ashley sa lahat? Bakit parang nagdadalawang-isip ang mga binata na balatan ito ng buhay?
Is it because their older brother, Zas, is obviously attached to her? Even though he doesn't know it.
Dumungaw si Winter, ang isa sa naging ka-close ni Ashley sa magkakapatid. "Babalik din kami bukas ng gabi," aniya.
Tumango tango ang dalaga. Nagsimulang umandar ang sasakyan. Inangat nito ang kamay at kumaway sa kanila.
When the car finally disappeared, she immediately went back inside. Hindi para magpahinga o matulog. Ito ang araw na pinakahihintay niya.
"Madam, ano po ang kailangan niyo?" Tanong ng butler nang makita si Ashley na naglalakad sa hallway. Nakapangdamit malamig ito dahil sa panahon.
Kahit naman kasi katabi lamang ang territoryo ng Eulysis at Salviero, parang ibang mundo na ata dito.
Halos hindi ito nasisikatan ng araw. Kahit hapon o umaga ay halos hindi mo malalaman.
Ngayon naman ay tag-lamig na dito kaya medyo nahihirapan si Ashley na mag-adjust.
"Sa library," tugon ni Ashley at agad na nilagpasan ang binata.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ending [COMPLETED]
Adventure[BOOK 1] A Villain's Ending [BOOK 2] A Villain's Beginning (ONGOING) The clichè part of some reincarnation stories is that they "get in" before the disaster or before the story started. While me? I got reincarnated in a book where it's near a happy...