"Anong nangyari?" Seryosong tanong ni Zas sa mga maids, pati na ring ang head chief at ang ibang cook ay damay dito.
Tahimik lamang ako sa gilid. Ayaw kong sagutin mismo ang tanong ni Zas. Natatakot ako. Paano na kapag nalaman niya ang totoo, at sabihin niya kay mama? Baka mas manganib lamang ang buhay ng aking ina dahil hindi ordinaryong tao ang gumawa nito. Ayaw ko nang gulo.
"Sagot!" Dumagundong ulit ang malalim na boses ni Zas pero ang kaniyang ekspresiyon ay kalmado parin. Ramdam ko ang nakakatakot na tensyon sa kwartong ito.
Nakita kong pasimple akong tinitingnan nang mga tao. Ang mga mata nito ay may takot at galit para sa dalawang tao na nasa kanilang harapan. Alam ko naman kung anong emosyon ang nararamdaman nila sa akin tuwing nakikita ako.
"Bigla nalang po siyang natumba sa sahig." Ang head chief ang unang sumagot. "H-hindi ko po nakita dahil nakatalikod at nag-aayos ng gamit. Noong nakita ko siya ay umiiyak na ito-" Natigil ito sa pagsasalita nang bigla siyang kwelyuhan ni Zas.
Agad akong napatayo galing sa upuan kung saan ako pinaupo kanina para mapakalma. Hinawakan ko ang kaniyang braso. Kinakabahan ako dahil mukhang papatay ito ng tao.
"Zas!" Pigil ko sa kaniya. Agad niyang binitiwan ang chief at binalingan ako nang tingin.
Kumalma ito. Tinalikuran ang mga maids at inayos ang aking buhok.
"Magbihis ka na, nakapagpaalam na ako kay madam." Tinaas niya ang aking pink na buhok, may kung anong ginawa siya dito at ilang segundo lang ay binitiwan niya ito. I touched my hair and realized that he tied it in a pony tail. "I'm sorry I'm late," ani nito.
Babalik na naman sana siya sa pag-i-interrogate sa mga maid pero hinila ko muli ang kaniyang braso. Ramdam ko ang malambot na tela ng kaniyang itim na coat. Halatadong mamahalin.
"Tara na," I begged.
I don't want to make things more bigger. Alam kong hindi ako gusto nang mga tao dito, kaya naman alam ko na hinding-hindi nila ako tutulungan.
This novel is ending... That means people realized how evil Ashley is and most of them are taking revenge. Titiisin ko lang hanggang kaya ko, dahil alam kong may mali ding ginawa si Ashley.
Zas sighed. "Fine, let's go."
I pursed my lips. When we completely turned our back around to leave, I felt the sharp stares on my back again. The stares that haunts me even in my dreams.
Ayoko namang magreklamo dahil mas malala ang ginawa ni Ashley noon. Minsan ay binubuhusan niya ng asido ang mukha nang kaniyang maid, meron ding nangyari noon kung saan halos ipakain niya sa aso ang anak ng isang maid dahil natapak nito ang kaniyang favorite shoes.
So I'll accept this. They can pour out their frustrations in me, para naman gumaan ang mga damdamin nito kahit kaunti.
Kaya ko tinitiis ang lahat ng 'to, dahil alam kong may rason ang kanilang pagmaltrato kay Ashley - sa akin.
"Miss Ashley?" Tawag sa akin ni Zas. Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan. Nagbihis lang ako ng simpleng loose white shirt at short na halos abot na rin ang aking tuhod.
Binalingan ko siya. Pag-aalala ang titig na pinukol niya sa akin.
"Bakit?" Tanong ko dito.
Hindi siya sumagot. Ilang minuto na pags-staring contest namin ay agad naman itong sumuko. Yumuko siya at guminhawa ng malalim.
Binalik ko ang aking tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. I can see the street lights, and the decorations getting fancier as we drove by. Meaning, we're almost at the plaza. Unti-unti na ring dumarami ang tao sa kalsada at mas lumalakas na ang tunog ng kantahan.
It was a good thing to get away at that house. I think I might go crazy if I stayed there with Edmond.
Tumigil ang sasakyan. Mabilis na lumabas si Zas. Bubuksan ko na sa ang aking pintuan pero naunahan ako ng lalakeng nakangiti. Noong makalabas ako ay inayos niya ang kaniyang eyeglasses.
Sa totoo lang, sobrang gwapo nito. Minsan natatanong ko rin kung hindi ba siya male lead? Kasi perfect na perfect ang kaniyang mukha.
Napansin nito na nakatingin ako sa kaniya. Ngumiti ito ng malapad. Ngumiwi ako at umiwas.
Naglibot kami sa paligid. Nawala ang bigat ng aking dibdib dahil sa kapaligiran. People are smiling, dancing, and celebrating the festival.
May mga pagkain din na sinubukan ko. Syempre binigyan ko rin si Zas. Bumili kami ng balloon, ng laruan, at iba pang bagay na mukhang maganda.
People are joyous on this day. Nakita ko na may ibang naka-dress at ang iba ay nakabihis lang ng jeans at shirt. It looks like medieval and modern theme in this world fits perfectly.
I'm enjoying every minute of it. Zas' eyes were following me everytime and he's always behind me, kaya magaan ang aking pakiramdam.
Feeling ko, walang masamang mangyayari kapag nandito siya sa aking tabi.
Iyon ang nasa isip ko, pero mukhang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana.
"Ashley!" Masaya akong tinawag ni Faith.
Agad siyang naglakad patungo sa akin. Ako naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa kaniyang mala-anghel na mukha.
"You're here!" Her smile grew wider. Hinawakan niya ang aking braso. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo simula noong araw na iyon." Naramdaman kong diniinan niya ang kaniyang hawak sa akin.
Bigla siyang napatingin sa aking likod. Kita ko ang pagningning ng kaniyang mata kay Zas.
"Hi!" She cheered at binitawan ako. "I'm Ashley's friend!" Tinis ang kaniyang boses. Inabot niya ang kaniyang kamay kay Zas na walang eksprisyon sa mukha.
"Hello, Miss," walang gana nitong sabi. Kinamayan niya ito pero agad din naman niyang hinila.
He tore off his gaze at Faith and looks at me. "Gusto mo na bang umuwi, Miss Ashley?" His smiled appeared again.
Bago paman ako makasagot ay inunahan na ako ni Faith. "No! Kakarating lang niya dito." She grabs my hands. "I miss you, Ashley! Let's celebrate the festival together!" She happily said.
"I-I-"
"Faith? Bakit mo hawak ang walang kwentang babaeng 'yan?"
Ang puso kong kanina pa hindi kumakalma simula noong magkita kami ni Faith; mas lalong kumabog sa kaba nang marinig ko ang pamilyar na boses. Tiningnan ko ang mga bagong dating.
Kompleto silang pito at masama na naman ang titig nito sa akin. Hinila nila agad si Faith palayo.
"K-Klent! Ano bang pinagsasasabi mo? Ashley's my friend!" Faith exclaimed.
"Friend? Since when? She literally hates you, Faith," ani ni Reynold sa kalmadong tono habang nakatitig sa kaniya.
"Plus I won't allow you to have a friend like her. She's a fucking trash. A piece of shit, to be exact," remarked Helion and gave Faith a cotton candy. "Akala ko kung saan ka na napadpad, dito lang pala."
"L-lets go." Nanginginig kong hinawakan ang damit ni Zas. Ayoko nang gulo dito.
I couldn't look at Zas eyes. Nakayuko lang ako dahil sa hiya. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking likod pero hindi naman siya kumikilos para makaalis kami.
"Zas?" I whispered his name. Kailan niya balak gumalaw? Ang titig ng walong tao ay bumabaon na naman sa aking likod!
Hindi pa ako maka-move on sa nangyari sa amin ni Edmond, tapos nandito na naman sila!?
"Watch your mouth and the way you speak," Zas growled in a warning tone. Tumalikod kaming dalawa. Akala ko ay tuluyan na kaming aalis pero may pahabilin pa ulit si Zas.
"H'wag kampante sa nangyayari. Isang matalas na salita pa mula sa inyong bibig, baka magising lang kayo bukas na wala ng dila."
BINABASA MO ANG
A Villain's Ending [COMPLETED]
Przygodowe[BOOK 1] A Villain's Ending [BOOK 2] A Villain's Beginning (ONGOING) The clichè part of some reincarnation stories is that they "get in" before the disaster or before the story started. While me? I got reincarnated in a book where it's near a happy...