Chapter 20

4.8K 95 3
                                    

Lian Race

Halos nakakailang beses na akong pabalik balik sa labas ng gymnasium.

Kailangan kong gumawa ng portfolio patungkol sa varsity team ng university.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng gymnasium. Dala dala ang handy notebook ko pati narin ang DSLR cam na kakailanganin ko para icover ang practice nila at ang laban nila mamaya sa ibang university.

Naabutan kong naka-water break ang team kaya naman ang atensyon ng lahat ay natuon sa akin nang pumasok ako.

Una akong inapproach ni sir Theo ang coach ng team.

"Good morning, sir Theo. Ako po si Lian. I was tasked to cover the team for the portfolio."

"Oh yes, I was told about this. Wait. Let me introduce you to the team."

Tinawag nya ang lahat. Doon ko nakita ang lalakeng nanghalik sa akin, ang lalakeng nagpakalasing nung nakaraang linggo, ang lalakeng binuhat ko.

Ilang araw ang lumipas nang huling nakita ko sya. Kahit na tumutuloy ako sa bahay nila, hindi ko sya nakikita doon. Nitong mga nakaraang araw kasi ay naging busy ako dahil sa pagiging exchange student ko, tapos kapag may free time ako, sya naman ang busy kaya hindi ako nakakakuha ng pagkakataon para makasama sya.

"This is Lian. She will be with us to cover the game later and also our practices for three days long. Be nice to her, okay?" Nakangiting sabi nito.

Ngumiti ako sa kanilang lahat at kumaway. "Hello po sa inyong lahat!"

Lumapit sila isa isa sa akin at nakipagkamay. Nagpakilala rin sila. Agad naman ako napatingin kay Ronald na nakaupo sa isang bench hindi kalayuan sa akin. Ni hindi manlang lumapit! Suplado talaga!

Pinagkibit balikat ko nalang iyon at lumapit sa kanya. Abala sya sa pag aayos ng suot ng rubber shoes.

Kinawayan ko pa sya at nginitian ng pagkalawak lawak. Kinunutan nya lang ako ng noo at iniwasan ng tingin.

"Hello." I smiled as I sat beside him. "Kamusta na ang honey ko? We've been both busy, sobrang dalang kita makita ah."

Hindi nya ako pinansin.

"Honey naman! Hindi mo ba ako namiss? Pasalamat nga ako at dito ako na-assign. I get to my finish my task and be with you at the same time."

"Tss. So loud, annoying." Asar na sabi nya.

Nasimangot naman ako sa sinabi nya.

Kung dati nang suplado sa akin si Ronald mas lalo pang lumala ngayon. Do I really annoy him?

Nagulat ako nang bigla nyang itap ang suot suot kong cap dahilan para matakip sa mukha ko. "Wag kang sumimangot, di bagay sayo."

Napangiti ako sa sinabi nya at agad na inayos ang cap na suot ko. "Bakit? Gusto mo lang bang nakangiti ako? Okay po! Ngingiti lang ako palagi para lalo mo akong magustuhan."

Para akong naestatwa nang makita ko ang bahagyang pag ngiti ni Ronald. It was a subtle smile but it was there! Bastein Ronaldo just smiled at me!

Umalis sya sa harap ko at nagpunta na sa mga teammates nya at nagumpisa ng magpractice. Narinig ko pa ang pangangantyaw sa kanya ng mga kateam nya.

Umupo ako sa isang bleacher at nagumpisa ng magjot down ng mga bagay bagay tungkol sa varsity team. I even took a photo of them.

At eleven o'clock the practice ended. Coach Theo told us to take our lunch with the whole team. At sinama naman ako dahil kateam narin daw naman na ako.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon