Chapter 3

21.1K 537 3
                                    


Flashback
Two years ago...

"You are Naya Nicdao, if I'm not mistaken."

Napahinto ako sa pagstrum ng gitara ko nang marinig kong may magsalita. Agad kong nilingon kung sino iyon.

"Uhhh, o-opo? Sino po sila?"  binaba ko ang hawak kong gitara at tumayo mula sa pagkakaindian sit.

Nakita kong sinuri ako ng babae mula ulo hanggang paa, matapos non ay napatawa ito ng pagak na para bang nilalait ako. Napangiwi ako sa ginawa nya.

Hindi ko kasi sya kilala kaya bakit nya yun ginawa?

"I'm sorry, sino po si—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla-biglaan nya akong sampalin ng sobrang lakas.

Hala, ano yun? Ba't sya nananampal?

Napahawak agad ako sa pisngi ko. Nakakainis, these passing days nawiwili na ang mga taong sampalin ako. Nung una si Krisa tapos ngayon, ito namang babaeng to. Seriously?

"Ngayon palang sinasabi ko na sayo, back off Naya." tinuro nya ako. "Pinaglalaruan ka lang ni Axel dahil madali kang makuha pero sinasabi ko sayo, iiwan ka rin non."

Napalunok ako ng ilang ulit. "Bakit? S-sino po ba k-kayo?"

"I'm her fiance, malapit na kaming magpakasal." Irap nya bago tumalikod at iwan akong mag-isa at nakatulala sa school garden.

End of flashback

Napailing nalang ako at kinuha ang cellphone kong katutunog lang. A text message from an unknown number.

Please see me at the quadrangle, Naya. I have something to show you.

Napakunot ang noo ko habang binabasa ang message na yun. Hindi ko alam kung sino sya. I just shrugged as I grabbed my things. Sinunod ko naman ang sinabi sa text, pumunta sa quadrangle.

Nag-umpisa agad akong lumakad patungong quadrangle. Nagpalinga linga ako at napahinto nang makita ang pamilyar na taong nakatingin sa akin.

Sya ba yung nagtext?

Napalunok ako nang mapansing lahat pala ng tao sa quadrangle ay nakatingin sa gawi ko.

Nakangiti sila pati ang lalakeng yun na may hawak na bulaklak.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman napalingon ako sa likuran ko, wala namang ibang tao don.

Napabalik ang tingin ko sa kanya na papalapit na lumalakad patungo sa kinatatayuan ko.

"Hala, Neeon. Ano to?" kinakabahan na tanong ko. First of all, nakakakaba talaga dahil nasa harapan ko si Neeon, ibig sabihin nasa harapan ko ang atensyon ng lahat. At nakakakaba talaga yun, kung alam nyo lang.

"Here, this is for you." nakangiting sabi ni Neeon at inabot sa akin ang bulaklak. Nginitian nya ako at kinuha ang kamay ko at inakay ako pabalik dun sa kinatatayuan nya kanina kasama ang buong banda nya.

Sinukbit nya ang gitara nya sa balikat. Nakangiti parin at nakatingin sa akin.

"Everyone, please let me sing a song for this lovely girl."

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mas lalo pang dumami ang mga taong nanonood. I just feel so uneasy with all the attention.

Neeon gave me his brightest smile before starting to strum his guitar.

"Please don't see, just a boy caught up in dreams and fantasy
Please see me, reaching out for someone I can't see
Take my hand, let's see where we wake up tomorrow
Best laid plan, sometimes it's just a one night stand
I'll be damned Cupid's demanding back his arrow
So let's get dancing in our tears..."

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon