Chapter 39

7.5K 159 12
                                    


We just kissed. Calix and I kissed.

Ano bang ginawa ko? Why did I let that happen? Why did I let my defenses down? Hindi ko makalimutan ang nangyari kagabi. I can still feel his lips against mine. It was delicate, it was ecstatic. The feeling that I've been addicted to back then. The feeling that's familiar.

Napapikit ako at frustrated na nagpaikot ikot sa kama. Hinalikan ko si Calix!

Naya, ano bang ginagawa mo?! Bakit mo hinayaang halikan ka ng ex mo? Nababaliw ka na ba?

Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. I'm sure it's Calix. Should I answer his knock? Pagbubuksan ko ba sya ng pinto? Paano ako haharap sa kanya matapos ang nangyari kagabi? Huminga ako ng malalim at lumapit sa pintuan. Mabilis kong inayos ang buhok ko na bahagyang nakatakip sa aking mukha bago alangang binuksan ang pinto. Tama ako, it's him.

Napalunok ako ng bumungad sa akin ang gwapo nyang mukha. Ang fresh ng awra ng isang to. Suot suot nya ang paborito nyang polo, ito ang suot nya kagabi. Nakabukas ang tatlong butones nito sa taas dahilan upang bahagya kong makita ang makisig nyang dibdib. Mukhang nakatulog sya nang mahimbing, samantalang ako ay napuyat kakaisip sa nangyari sa aming dalawa. We kissed!

"Good morning, Naya." Narinig kong sabi nya dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. Ang gwapo ng mukha. Bahagyang nakagulo ang buhok nya, bagay sa kanya ang messy hair. Ang sexy.

Napailing ako sa sarili ko. Ano ba tong pinag iisip ko? Gustong gusto kong kurutin ang maharot kong konsensya.

I cleared my throat. "Good morning." Hindi mapigilan ng mata ko ang dumapo sa mga labi nya. Ang mga labing iyan, kagabi nahalikan ko ang mga labing yan. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. We kissed. Calix and I just kissed last night. It felt right. Wala akong naramdamang kahit anong mal isa nangyari kagabi. I did not regret it one bit.

Huminga ako ng malalim. "Aalis ka na ba?" I asked.

Nakita ko ang pagtango nya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng bahagyang pagkalungkot ng malamang aalis na pala sya.

I bit my lower lip. "Would you like to have a breakfast first?" Hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi. Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi.Napangiti ng malawak si Calix sa tanong ko at agad na tumango. "Sure, I'd love to."

"Sige, wait for me in the kitchen." Mabilis kong sabi at agad na isinara ang pinto ng kwarto. Agad akong napasandal sa pintuan. Why am I smiling? Why am I smiling?! Ano bang nangyayari sa akin? Epekto ba to ng halik ni Calix?

Huminga ako ng malalim at mabilis na nagtungo sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Mabilis lang din naman ako natapos na mag ayos. Agad akong bumbaba patungo sa kitchen naabutan ko doon si Calix na nakatayo sa harapan ng fridge at nakatingin sa mga pictures na nakamagnet sa pintuan nito. Napabaling sya ng tingin sa akin nang mapansin ako. He smiled at me but didn't say a word. Hindi ko malaman kung dapat bang ngitian ko sya pabalik.

Huminga ako ng malalim. "What would you like for breakfast?" I asked as if I can cook whatever he would like. Totoo ngang sanay na ako magluto pero hindi naman ako kagalingan.

"You'll cook?" He asked. I nod my head. Tinignan ako ni Calix na parang namamangha sa naging sagot ko. "Kahit ano, basta luto mo." Calix smiled.

Tinanguan ko sya at agad na binuksan ang pinto ng fridge. Kinuha ko ang chicken nuggets at itlog sa loob at napagpasyahang iyon na lamang lutuin kapares ng fried rice at kape. Sabi ko nga sanay ako magluto, but I never said I'm good at it.

Tahimik lang akong pinagmasdan ni Calix habang abala ako sa ginagawa ko. Nang matapos ko iyon ay tinulungan nya ako sa paghanda ng gagamiting utensils. Kagabi ay magkayakap at magkahalikan kami, ngayon naman ay sabay kaming kumakain ng almusal.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon