Chapter 37

5.7K 148 4
                                    

Para akong nanlumo sa sagot nya. Why do this have to happen? Why of all people, si Calix pa talaga? Pinaglalaruan ba talaga ako ng pagkakataon

"Ohh. Okay?" Tumawa ako, nerbyos na tawa.

Naya, be professional!

"Nice to meet y-you, mr. de Real." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para makipagshakehands na kinuha nya naman.

Para akong nakuryente nang maglapat ang mga palad namin. Ang init ng kamay nya. The last time I held his hand was seven years ago. It was warm and familiar, just like before.

Hoy, Naya! Gaga ka ano pinagsasabi mo dyan?

Mabilis kong binawi ang kamay ko at pinilit na ngumiti. "Let's have a sit?"

Good luck to you, Naya. Good luck na lang talaga. Why did I even said yes to mom and tito Greg? If I only know na si Calix pala ang makakatrabaho ko, nagpalusot nalang sana ako.

Bakit ba naman kasi si Calix pa talaga? He's now in the corporate world? Hindi na ba sya nagtuturo? Kailan pa ba sila nakabalik ng pinas? Wala na ba syang bumalik sa pagtuturo?

Teka. Bakit ba ako nag iisip ng ganito? Kailan pa ako nacurious sa kanya? Wala na akong pake. Naya, snap out of it!

Nagsimula kaming mag usap na dalawa. So far so good, kahit paano ay nasuprass ko ang panginginig ng boses ko at kabang nararamdaman ko. Tahimik lang syang nakikinig sa akin. Malapit ng matapos ang lahat. Hindi sya nagsalita ng iba tungkol sa aming dalawa at tungkol lang talaga sa negosyo ang pinagusapan namin.

Napatigil ako nang marinig ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Pati si Calix ay napahinto. Parehas kaming napatingin sa phone ko na nakapatong sa table. Nakaflash ang pangalan ni Paolo, tumatawag siya.

There was an awkward silence nang mapagpasyahan kong kunin ang phone ko. I cleared my throat. "May I excuse myself for a while."

"Sure." Calix answered in monotone. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha nya. Pinagkibit balikat ko nalamang iyon at sinagot ang tawag ni Paolo.

[Angel.] Masiglang boses ang narinig ko mula sa kabilang linya. Napangiti naman agad ako. "Yes, speaking."

[How are you? Are you done yet? Did it go well?] Sunod sunod na tanong nya.

I chuckled. "No, Pao. Hindi pa tapos."

[Oh, sorry. I'm just excited for you, you know. This is your first time.]

"You're just worried I might fail this one. Bad, Paolo."

Napatawa sya. [Of course no, angel. I'm just worried baka matypan ka ng kameeting mo. I won't be happy about that.]

Sandali akong napahinto na mapadapo ang tingin ko sa lalaking kaharap ko. Calix is staring at me. Nakatingin sa akin sa blankong ekspresyon. Bakit ganyan ka makatingin?

Muli kong binalik ang atensyon ko kay Paolo. "Baliw. Mamaya ka na nga lang tumawag." Natatawa kong sabi at pinatay ang tawag. Binalik ko ang tingin ko sa kaharap ko na nakatingin sa akin.

"So back to the topic." Pinilit kong ituon ulit ang atensyon sa papel na binabasa ko ng marinig ko naman ang pagtawag nya sa pangalan ko.

That sent shiver to my spine. Hinanap ng buong sistema ko ang kahit simpleng pagtawag nya sa pangalan ko. Ano ba, Naya?!

Pinilit kong hwag mahalata ang awkward kong ngiti. "Y-yes, Mr. De real."

Hindi ko naman sya magawang lingunin. Ewan ko, basta hindi ko magawa.

"Who is that Paolo to you? Is he your boyfriend?" Seryosong tono ng boses nyang tanong dahilan para tapunan ko sya ng tingin.

As usual, hindi ko talaga sya kayang basahin pag ganyan ang expression ng mukha nya.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon