Chapter 19

9.7K 184 21
                                    


"Ano pang ginagawa mo dyan, bruha? Wala ka bang balak na gumayak?" Bungad sa akin ni Sandy na naka pamewang.

Umaga na ng linggo. Mamaya ng hapon ang family gathering ng mga de Real. Later I will meet his whole family. I'll meet his dad and again, will see his mom.

Tinalikuran ko sya at nagtalukbong ng unan sa mukha. "Hindi ko ata kayang pumunta doon."

Narinig ko ang yabag ng mga lakad nya papalapit sa akin. Naramdaman ko ang paghampas ng unan sa akin. "Tamad ka! Tamad!" Singhal nya sa akin.

Hindi ako tinatamad. Alam nya yan.

Natatakot ako. Kinakabahan. Nag aalala.

"I just don't want to be there. I don't want to see his mom." Sabi ko.

Naramadaman ko ang pagupo nya sa tabi ko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya. "Wag kang matakot. Magpakita ka."

Umupo ako mula sa pagkakahiga at ginulo ang buhok ko. Malakas akong sumigaw. "Ahhhhhh! Ayoko na!!!"

Nakaka-frustrate! Ayoko na!

"Edi, break na pala kayo? Sige, tawagan ko lang si sir Axel, ako na magsasabi para masaya." Sabi ni Sandy. Kinuha nya yung phone ko at dinial ang number ni Calix.

Nanlaki ang mga mata ko at kinukuha ko yung cellphone ko sa kanya pero agad nyang nalayo sa akin. "Diba, sabi mo ayaw mo na? Edi sasabihin ko na sa kanya." Nakangiting sabi nya.

Lumayo pa sya sa akin, sinusundan ko sya at pilit na inaagaw sa kanya ang phone ko pero mas matangkad sya kaya hindi ko mabawi.

"That's not what I meant!" Angal ko sa kanya.

"Anong hindi yun yon?" Tanong nya. Ni-loud speaker nya yung cellphone ko at mula dito ay rinig na rinig ko ang pag ring non.

Nakita ko ang pagngiti ng nakakaloko ni Sandy ng marinig naming dalawa ang pagsagot ni Calix.

[Hello, love?]

Lalong lumawak ang ngiti ni Sandy. "Hello, it's me, Sandy! I have a big news for you, sir!" Nilingon ako ni Sandy. Tinakpan nya ang cellphone ko para hindi marinig ni Calix ang pinaguusapan namin.

"Ano?" Naka ngisi nyang tanong. "Break na kayo? O pupunta ka?"

Hindi ako makasagot. Ayoko ngang magbreak kami ni Calix, baliw na ata itong si Sandy.

"Hindi ako pupunta." Sagot ko.

Natawa sya sa sinabi ko at tinanggal ang takip nya sa cellphone ko. "So, ito na nga... Naya just said—."

"---Sandy! Takpan mo, okay na. Oo na, pupunta ako, patayin mo na yan please." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Ano na? Hindi ka pa gagayak?"

"Gagayak na." Mahina kong sabi para hindi marinig ni Calix.

"Good." Napatango sya at hinarap ulit ang cellphone ko. "Naya just said that she's excited for later."

Nakarinig ako ng pagtawa mula sa kabilang linya. [I'm excited to see her later too.]

Napakamot si Sandy sa likod nya kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para naman maagaw ang cellphone ko sa kanya.

"Hello, Calix si Naya to. Sorry for interrupting you. Pagpasensyahan mo tong si Sandy." Lumayo ako kay Sandy at umupo sa kama ko.

[It's alright love, I just finished a conference call. I'm on a break, you're not interrupting.]

"So, a-ano palang oras ako pupunta dyan?"

[No- no. I'll go there and fetch you later at three.]

Napatango ako. "Okay.. bye Calix. I love you." Nilingon ko si Sandy na nakahiga na sa tabi ko.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon