"I'd better be going." Paalam ko kay Sandy at agad na naglakad papalabas ng school. Nagpaalam ako ng maaga at napagdesisyunang umuwi narin upang makapagpahinga.
Back to normal. Tahimik, hassle free, at walang inaalalang problema. Yun ang pilit kong sinasabi sa sarili ko. It's been a week since I last saw Calix. I begged him to never show himself to me ever again. I think I made the right decision for the both of us. Unti unti ko nang tinatanggap na hindi talaga kami ang para sa isat isa at mas mainam kung sumuko na kami. We'll just keep on hurting each other.
I heaved a deep sigh.
Tama lang naman ang nagawa kong desisyon.
"I'm sorry if I treated you wrong the last time we met. Alam mo na, medyo nag-inarte lang ako nun." Sabi ko kay Kairo na nakasalubong ko nang mapagdesisyunang mamili sa isang bookshop.
"It's alright. I missed you, Naya." Nakangiting sabi nya habang inilalapag sa counter ang mga pinamili nya. Hindi ko mapigilang mapansin ang mga iyon, iba't ibang story books at coloring materials na pambata. Para kanino kaya ang mga pinamili nya? Pinagkibit balikat ko nalamang iyon.
Napagpasyahan naming dalawa na kumain sa isang sikat na restaurant na nagsiserve ng filipino dishes. "You know, I've missed this. There's no food like this in states."
Napangiti ako habang pinapanood syang kumain. Halata ngang namiss nya ang pagkaing pinoy.
"Kamusta ka na, Kairo?" I asked as I took a bite of my food.
"Well, I'm fine, thanks for asking." Umayos sya ng upo at sandaling napahawak sa batok nya. "I'm a father now."
Napatigil ako sa sinabi nya. I look at him shocked. "Weh?"
He bit his lower lip, na parang pinipigilan ang mapangiti ng malawak. "Well, yeah. Tatay na ako." Pag uulit nya.
"Wow. Congrats! That explains the story books! Ang galing naman, akalain mong may sarili ka ng pamilya? Parang kailan lang ha, natatandaan kong wala kang balak pang magpakasal." Nakangisi kong sabi.
Napailing sya ng nakangiti parin. "People change."
"Tama." pagsangayon ko.
"And how about you, Naya? How's life?"
I half a smile. "Okay lang naman. Okay naman, nagbago ang lahat, pero okay lang naman."
"I could believe you kung hindi mo binanggit ng tatlong beses ang okay lang naman." Natatawang sabi nya. "Really, Naya how are you?"
Napahinto ako sandali at napaisip. Kamusta nga ba ako? Okay lang naman ako, ayos lang, I think. Hindi ako masaya, totoo. Pero ayos lang naman ako. Sobrang daming pangyayari nitong mga nakaraang linggo. I'm just thankful that I still exist after everything.
"How is it going with you and kuya?" Pag uusyosong tanong nya.
I cleared my throat before holding a glass. Uminom ako ng tubig at pinilit na ngumiti sa kanya. "I don't think we'll ever work out."
Nakaramdaman ako ng sakit sa dibdib ko nang maalala ko ang huling pag uusap namin ni Calix isang linggo na ang nakakaraan. "I think we just ended the moment he left me seven years ago. Nahihirapan lang kami tanggapin, the more we force ourselves, mas lalo lang kaming nasasaktan."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kairo. "If that's your decision, Naya. But..." umayos sya ng upo at marahang inabot ang kamay ko. "I don't know if this will change anything but, still I think you should know what really happened. Why kuya had to leave you and why it took him seven years to come back."
BINABASA MO ANG
Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]
Teen FictionNaya never imagined that she will be meeting her ex ever again. Akala nya nang maghiwalay sila ay maayos na ang lahat. She did what she thought is right. Tinanggap nya though it's hard at first, nakabangon din naman kalaunan mula sa heart break. Sh...