Chapter 5

21.9K 473 27
                                    

Maaga akong nagising kahit halos hindi ako nakatulog ng buong gabi. Sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko. I felt so troubled last night.

Adding the fact that it'll be a month again before mom could come home. Minsan naiisip ko kung bakit ba hindi pa ako nasanay sanay. Normal nang nangyayari ang mga ganitong bagay pero parang laging bago sa akin.

Napabuntong hininga ako at tahimik nalang na naglakad sa corridor ng building kung saan ang assigned room namin. Hindi ako nakatulog ng maayos pero mabuti nalang at hindi lumaki ang eyebags ko.

"Naya!" Rinig kong may tumawag sa pangalan ko, kasunod ay pag akbay sa akin. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

"Snob?" Natatawang tanong nya at ginulo ang buhok ko. Huminto ako sa paglalakad at hinarap sya, tinignan ko ng masama. "May klase ako Baste."

"That's why I'm walking the hallway with you. Ihahatid kita sa class mo." Aniya.

Hindi na ako pumrotesta pa dahil alam kong hahaba lang naman ang usapan, pero ang akin lang, hindi talaga ako makakalakad sa university na ito ng tahimik kung kasabay ko sya.

I have to welcome the stares. Lalo na't may kasikatan itong kasama ko, well he's famous to girls lalo na't varsity player.

I think it's one of the consequences ng pagiging kaibigang malapit ni Baste, ang matapunan ng masasama nilang tingin at husga mula sa kanila. If they only know, kaibigan na at magkapatid ang turingan naming dalawa ni Baste.

Sa paglalakad naming dalawa ay nanatiling nakaakbay sa akin si Baste. Malapit na kaming makarating ng room ko ng mapahinto ako sa paglalakad.

Napahinto dahil hindi ko alam. Dahil nakita ko ang professor ko na makakasalubong namin habang may kausap na ibang babae.

They're having a good time, I must say. Nakangiti si Calix na ngayon ko lang ulit nakita. His smile's real and genuine. Habang ang babae namang kasama nya ay mukhang tuwang tuwa dahil tumatawa ito at may pahampas hampas pa kay Calixto.

Che! Itong Calix na to ang harot harot!

Hindi ko namalayang napahinto ako sa paglalakad at napatitig nalang sa dalawa.

Nagsiselos ka lang, Naya! My subconscious.

Hindi. Bakit naman ako magseselos?! Hindi ako nagseselos!

"Tch."

Napalingon ako kay Baste na nakataas ang gilid ng labi at nakatingin sa dalawa rin. Umiling sya at hinarap ako, humawak sya sa magkabilaan kong balikat at pinaharap ako sa kanya.

Tatanungin ko sana sya kung bakit ng hawakan nya ang magkabilaan kong pisngi. But before I could even react, naramdaman ko na labi niya sa gilid ng pisngi ko malapit sa labi ko.

Biglang umingay ng mas lalo sa paligid. Narinig ako ng ibat ibang reaksyon. Nakakita pa ako ng flash ng cellphone.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Hindi ako nakapagreact hanggang sa lumayo sya, ngumisi at tinaasan ako ng kilay.

"Baste!" Inis kong sigaw sa kanya nang matauhan ako. Tumawa ito, "yes, baby?"

Sinamaan ko sya ng tingin at sinuntok sa tiyan bago maglakad ng mabilis. Ang lapit sa labi non!

"Naya, babe!" Rinig kong tawag nya na hindi ko pinansin. Napahinto ako ng malapit na sa harap ni Calix na sigurado akong nakita ang lahat ng nangyari. He looked at me the way I can't even read. Hindi ko maintindihan.

"Naya, I'm sorry. Naglalambing lang eh." I heard Baste said. Nilingon ko sya at sinimangutan at diretsong lumakad ng mabilis.

I headed to my assigned room and as soon as I got in, hinanap agad ng mata ko ang babaeng gustong gusto kong makita.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon