Chapter 26

5.5K 119 4
                                    

Tahimik akong bumaba sa sasakyan ni Calix. Mas pinili kong ipahinto nalang ang sasakyan hindi kalayuan ng bahay kaysa sa harap nito pa mismo.

Mas mabuti ito upang hindi kami makita ni mommy.

Ayokong makita muna sya ni mommy. Ayokong sabihan sya ni mommy ng kung anong makakasakit lang sa kanya.

Tahimik lang ako sa pagpasok ng bahay, wala naman si mommy. Hindi ko naman sya nakita kaya naman dumiretso muna ako sa kwarto ko.

Naglinis lang muna ako ng katawan at dumiretso sa kama ko.

Nasaan kaya si mommy?

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto niya. Marahan kong kinatok ang pintuan non. Walang sumagot sa loob.

Marahil ay hindi ako nadinig, kaya naman dumiretso na ako sa loob.

Iniikot ko ang buong tingin ko sa kwarto nya.

Namiss ko dito.

Ang daming memories.

Dati nung buhay pa si daddy, mas madalas na dito ako matulog. Magkakatabi kami sa malaking kama na to. Minsan ay nagagawa pa akong kantahan ng daddy.

Kainis. Namimiss ko na ng sobra ang daddy ko.

Lumapit ako sa isang maliit na table at kinuha doon ang picture frame, nakalagay doon ang picture naming tatlo. Magkakasama kami dito. Masaya kami.

Kung hindi lang sana naaksidente ang daddy ko. Magiging ganito kaya kami ng mommy ko?

Kung nandito lang sana si Daddy, magugustuhan nya kaya si Calix para sa akin?

Napapahid ako ng luha ko at ibinalik ang picture frame sa table nito.

Lalabas na sana ako ng kwarto ni mommy ng may makita akong brown envelope sa tabi non.

May nakasulat sa labas nito na Nuptial.

Napakunot ang noo ko ng mabasa iyon. Ano naman ito?

Kukunin ko sana yung folder ng bigla namang bumukas ang pinto ng cr nitong kwarto ni mommy.

"What's that?" Tanong ni mommy.

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Napakamot ako ng likod ng ulo ko at napalunok. "Tungkol saan yung envelope na to, ma?" Tanong ko habang itinuturo yun.

Curiosity's killing me.

Mabilis na lumapit sa akin si mommy at agad na inilagay ang envelope na iyon sa isa sa mga drawer nya.

"That's nothing." Sagot nya lang.

Hindi ko alam, pero bat parang hindi ako naniniwala.Kung talagang wala lang iyon, sana hindi nya nagmamadaling itinago iyon sa akin.

"Mom---"

"--- About earlier, I thought you're with kairo, why on earth you're with Axel? Hindi ba't sinabi kong lumayo ka na sa kanya?" Biglang tanong nya dahilan para mabaligtad na ngayon ang sitwasyon.

Biglang ako naman ang tinatanong. Tinatanong at pinapaalalahanan.

Bakit kasi kailangan pang maging ganon ang gusto nyang mangyari? Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan.

"You stay away from him or I'll make him stay away from you?" Tanong ni mommy.

Umiling ako at mabilis na hinawakan ang braso nya. "Why?"

Nakita ko ang pagiwas ng tingin nya sa akin. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa braso nya.

Ayokong mangyari yon. Hindi ko ata kaya.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon