Chapter 27

4.8K 123 3
                                    

Narating ko ang bahay ng ilang minuto pa ang lumipas, agad akong dumiretso sa loob. Agad na hinanap sya ng mga mata ko pero wala akong makitang ibang tao maliban kay Manang Lyn at sa ibang kasambahay pa.

"Manang, nakita nyo po ba ito si Calix. Nagpunta po ba sya dito? Nagkausap po ba sila ni mommy? Asan po sila?" Sunod sunod kong tanong pawis na pawis na ang noo ko.

"Naku, ang alam ko kakaalis lang ng nobyo mo hija. Pero ang mommy mo nasa garden." Sabi nito at nagbaling ng tingin sa nililigpit nya.

Nagmadali agad akong pumunta sa garden at doon nga nakita ang mommy ko na abalang nakaharap sa laptop nya.

Nakita ko sa tabi niya ang basket ng prutas na maayos na nakalagay doon at ang boquet ng bulaklak.

Kahit hindi nya iyon sabihin ay alam kong kay Calix iyon galing dahil sa maliit na card na nakita ko.

Nanggaling nga talaga siya dito.

"Mommy, si Calix?" Tanong ko kaagad. Ibinaling nya ang tingin nya sa akin mula sa laptop nya.

Nakataas ang kilay nya at ipinakita ang walang ka emoemosyon na mukha.

"I told him to go."

"Ano pang sinabi nyo?"

Hindi ako tanga para hindi maisip ang iba nyang sinabi kay Calix.

Hinintay ko ang sagot nya, nakailang lunok ako. Ibinalik nya lang ang tingin nya sa ginagawa nya at nagsalita ulit. "I told him what I want to happen. He's asking for my permission about the two of you, I can't give him that, you know that."

Napiyok ang boses ko ng tawagin ko ang pangalan nya. Napakuyom ang kamao ko.

Mommy, why are you like this? You're my mom. Ikaw ang mabait kong mommy, ikaw ang nagsasabi sa akin kung ano ang tama, ikaw ang palaging nagpapaalala sa akin kung paano makisama.

You're my mother and I admire you for that. Pero ba't biglang naging ganito?

"I love Calix. I love him, ma. He came here to meet you, to show you respect, because you're my mother. He came to ask for your blessing. He-- he just wants this to work."

Hindi ko na napigil ang pagtaas ng tono ng boses ko.

"He loves me." Bulong ko. "Pero hindi mo matanggap. I understand, you just want the best for me, pero ma, I can't see anyone who's better than him. He's the best for me."

Marahas kong pinahidan ang mga luha ko at napahikbi na ng malakas.

"Just please ma, please, tanggapin mo naman kami. He's working hard for our relationship. Hindi ko lang kayang intindihin kung bakit ayaw mo sa kanya, hindi ko maintidihan kung bakit hindi mo ako maintindihan."

"Because, I don't want him for you! Iyan lang ang tanging paliwanag ko!"

"No, ma!"

Isinara nya ang laptop nya at tumayo. "Yes, Naya. I'll never like Axel for you. Si Kairo, sya ang gusto ko para sayo. Kairo's perfect for you. He's kind, charming, rich, gentleman, what's not to like about him? Why don't you pick him and leave his brother? Hindi kayo bagay."

"Hindi sya tulad ng sa tingin mo. Si Kairo, he's my friend. Hindi ko sya magugustuhan sa paraan na gusto mo! Hindi ko iiwan si Calix para masunod ka! Why would I? Mommy, hindi ko alam kung paano ka naging ganito."

I still respect her, pero hindi ko na napigil ang sarili ko. Tuluyan ko na siyang nasigawan.

"Hindi, just from the start, kayong dalawa na talaga ang para sa isat isa, your dad wanted this. You two are destined for each other at hindi na iyon mababago, Naya."

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon