Chapter 24

7.2K 154 10
                                    

Naya

Tumayo ako at inayos lahat ng gamit ko. Kanina pa nasa labas si Sandy dahil kanina pa sya tapos dito sa quiz namin sa subject ni Calix. Habang ako ngayon palang.

Lumapit ako kay Calix na nakatingin sa akin at inabot sa kanya ang papel ko.

Hindi sya nagsalita. Walang imikan sa pagitan naming dalawa.

Nagpaalam lang ako sandali kay Sandy at nagmadali na sa paglalakad. Last subject narin naman na namin yon kaya pwede na kong umuwi.

Nasa corridor lang ako napahinto na agad ako sa paglalakad. Hindi ko alam, parang hinahatak ako ng palubog ng araw.

Pasalamat na rin at hindi na sobra ang pagkirot ng puson ko. Medyo okay narin ako.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko iyon, agad kong nakita ang pangalan ni Kairo.

Akala ko si Calix ang tumatawag. Sandali akong nadismaya. Pinahidan ko ang takas na mga luha sa pisngi ko at huminga ng malalim bago sagutin ang tawag ni Kairo.

[Hello, Naya!]

"Hello."

Huminga ulit ako ng malalim at umupo sa stand ng mga payong malapit sa mga locker.

Mula dito ay nakikita ko ang papalubog nang araw. "Bakit ka napatawag?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. [Bakit ang lungkot ng boses mo? May problema ka ba?]

Napasinghot ako ng hangin ng maramdaman ko nanaman ang pagsikip ng dibdib ko. Patuloy narin ang pagbagsak ng mga luha ko. Isinandal ko ang ulo ko sa isang locker sa tabi ko at pinikit ang mata ko. "Kai."

[Nasaan ka ba? Nasaan si kuya? Bakit umiiyak ka? Magkasama ba kayo?] Himig ko ang pagaalalang tono sa boses nya.

Lalo naman ako naiiyak.

"Wag mo na hanapin ang kuya mong cheater."

[What do you mean? Why are you crying? Nasaan ka ba? Pupuntahan kita.]

Sinabi ko kay Kairo na nandito pa ako sa school dumating sya, sumama ako sa kanya.

"San tayo pupunta?" Tanong nya sa akin, habang ako ay pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Inabutan nya ako ng panyo.

"Kahit saan. Basta kahit saan." Sagot ko. Pumunta kami sa sarili nyang condominium kung saan daw sya tumutuloy.

Parang katulad lang din ng kay Calix. Kaso mas simple lang ang interior ng kanya at may kaunting mga muebles na halata mo namang mamahalin.

"Kumain ka na ba? Want do you want?" Nag aalalang tanong nya sa akin. Pasalamat ako at may kaibigan akong katulad nya. Mabait talaga sya at laging ready makinig ng mga hinaing ko.

"Busog pa naman ako. Wala akong ganang kumain. Gusto ko lang makalimot." Mahinang sabi ko. Inayos ko ang mga buhok kong tumatakip sa mukha ko at nagpahid ng luha.

Kanina pa ako iyak ng iyak at panigurado ako malapit ng mamaga ang mga mata ko, kaya ayaw ko munang umuwi dahil ayaw kong makita ako ni mommmy na nagkakaganito.

"Wait for me here." Sabi nya lang at pumasok sa kung saang parte nitong unit nya.

Nakita ko nanaman na ang pagflash ng name ni Calix sa phone ko.

Ayan na.

Yung hinihintay kong tawag nya. Ayan na pero hindi ko naman magawang sagutin iyon.

Inilalim ko ang phone ko sa isang throw pillow sa inuupuan kong couch.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon