TP: 4

1.3K 61 8
                                    

Skyler POV



Noong makarating kami sa mansyon ay walang ibang bukang bibig si Felicia kundi ang 'wow' o kung hindi naman ay 'ang gandaaaaa' habang manghang-mangha na inililibot ang buong paningin sa paligid.

May kasama pang palakpak at pantalon. Grabe! Mukha siyang inosenteng bata na naligaw lamang dito o nadampot ko kanina mula sa may parke.

Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang hindi matulala palagi sa taglay nitong kagandahan. Lalo siyang nagiging maganda pa dahil sa malawak na mga ngiti niya at nagkikislapan niyang mga mata dahil sa sobrang na-a-amaze ito sa kanyang nakikita.

Napaka inosente niyang tignan, pero hindi ko maikakailang nakaka-turn on din dahil hindi lang siya mala-dyosa kundi sobrang ganda rin ng hubog ng kanyang katawan. Hayst!

Bakit naman kasi wala siyang bra?! Hindi ba uso sa kanila ang nagba-bra?! Umaalog-alog kaya 'yung dibdib niya tapos bumabakat pa 'yung nipples, sinong hindi mapapatitig at mang-iinit sa makakakita sa kanya?

Mabilis akong napailing noong sumagi iyon sa aking isipan. Sa lahat yata ng babae, siya 'yung flavor na malabo kong matikman. Dahil kay Dada Billy ako mananagot kapag nakataon.

Kailangan ko na lang bang tanggapin na hanggang tingin na lang ako sa kanya? Tanong ko sa aking sarili.

Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng malalim na paghinga bago muling ibinalik kay Felicia ang aking mga mata. Napansin ko na wala pa rin siyang tsinelas gaya noong unang beses naming pagkikita noon.

Napasulyap ako sa suot kong relo. Mag-aalas dose na ng gabi. Panahon na para makapagpahinga siya dahil bukas na bukas ay ihaharap ko siya sa mga magulang ko para ipakilala.

Lumapit ako sa tatlong guard na nasa likuran ko na halos kulang na lamang din ay lumuwa ang mga mata sa kakatitig kay Felicia. Agad ko naman silang binatukan isa-isa.

"Sa susunod na makikita kong ganyan pa rin kalagkit ang tingin ninyo sa kanya, isa-isa kong dudukutin yang mga mata ninyo at ipapakain ko sa aso." May pagbabanta na sabi ko sa mga ito.

Agad naman silang napayuko.

"S-Sorry boss, Sky."

"Sorry, bosss!" Paghingi ng tawad ng mga ito.

Napailing lamang ako bago muling lumapit kay Felicia. Sandali ko ring hinubad ang suot kong jacket at ipinatong sa magkabilang balikat niya. Sumakto naman na nasakop at napaktan nito ang dalawang hinaharap niya.

Pero wala sa ginagawa ko ang atensyon niya, kundi sa paligid pa rin dahil hindi pa rin siya tapos sa kanyang pagmangha.

"Waaaaah! Grabe!" Hindi pa rin makapaniwalang komento nito habang nagkikislapan ang mga mata.

"Ang ganda ng bahay niyo, ma'am!" Dagdag pa niya. Awtomatiko naman na napahawak ako sa sintido ko.

"Ma'am ampotek!" Bulong ko sa aking sarili.

Mukha na ba akong matanda? Isa pa, hindi bagay sakin ang ma'am. Nawawala ang astig ko! Tss!

"Just call me, Skyler. Please!" Pakiusap ko sa kanya. Pero napatitig lang ito sa aking mukha.

Oo nga pala. Naalala ko. Simple english lang 'yun pero hindi pa rin niya maintindihan? Hays. Okay. Ako na mag-a-adjust.

"Ang sabi ko, tawagin mo na lang ako sa pangalang Skyler or Sky." Hays! Kung alam ko lang na ganito, mas nilaliman ko pa sana ang pag-aaral ng mga makatang salita noon.

HBS 2: New Generation - The Player (Gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon