TP: 7

1K 47 6
                                    

Skyler POV



Hindi pa rin ako maka-get over. Nahalikan ako ni Felicia nang gano'n lang. I just can't believe na sa ganong paraan lang niya makukuha ang first kiss namin.

The fuck! Hindi man lang ako nakaganti? Hindi yun pwede. Hindi talaga!

Para akong tuod na basta na lang natulala kanina at hindi alam ang gagawin dahil sobrang nabigla sa ginawa niya.

Pero shit men! Ang sarap ng labi niya.

'Yun na yata ang pinakamalambot na labi na dumampi sa labi ko. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa rin ito kaya hindi ko mapigilan ang hindi maya't maya na mapahawak sa labi ko at pagkatapos ay mapapangiti ng parang tanga habang bumubuntot sa kanya at kay Autumn papasok ngayon ng mall.

Yes, kagagaling lamang namin kay Tita Catherine. Ipapa-deliver na lang niya lahat ng kailangan ni Felicia sa bahay.

Nakapagpalit na nga rin pala si Felicia ng suot. Iyong mas magiging komportable siya at kahit na tumambling pa siya ay hindi siya mapapaano.

She's now wearing a fitted high waist blue jeans, fitted white shirt sa itaas kaya sobrang bumabakat ang hugis ng katawan niya. And a pair of white sneakers naman sa ibaba.

Hindi ko alam pero gustong-gusto at tuwang-tuwa si Tita Catherine sa hugis ng katawan niya. She can be a next Sarah Rodriguez daw. Which is ang mama ni Kezia na si Tita Sarah. The Supermodel.

Panay ang paglingon ng mga tao sa kanya sa tuwing makakaslaubong siya. Iyong iba naman ay ang sarap dukutin ng mga mata at gawing jolens. May iba pa na napapasipol pa habang tinitignan siya pataas pababa na animo'y pinagpapantasyahan siya.

Agad naman na inakbayan siya ni Autumn noong mapansin niya rin na pinagtitinginan na ng sobra si Kulot.

Habang ako naman ay nagtitimpi lamang ng aking bwisit sa mga matang kulang na lang halos lumuwa na.

Mabilis ang mga hakbang na hinabol ko silang dalawa.

"Ang sarap pala umakbay kay Felicia. Nakakaganda lalo." Wika ni Autumn. Napapailing na lamang ako bago siya binigyan ng ngiti.

"Hey, you want ice cream?" Tanong ko kay Felicia na hindi mapakali ang mga mata sa kakatingin sa buong paligid.

"Waaaaahhhhh! Grabe! Ang laki naman ng bahay na'to, Skyler." Nagpapaikot-ikot pa ito na parang batang tuwang-tuwa.

Agad naman na hinawakan siya ni Autumn sa braso.

"Kulot, hindi ito bahay. Mall ito. Mall." Paliwanag ko sa kanya bago tinapik ang kamay ni Autumn na nakahawak sa kanya at hinolding-hands si Felicia.

Isang nakakalokong ngiti at tingin naman ang ibinalin nito sa akin.

"Kunwari ka pa." Bulong nito sa akin. Pero pasimpleng inapakan ko lamang siya sa kanyang paa.

Agad na hinila ko na si Felicia patungo sa pinakamalapit na ice cream parlor sa amin. Bumili ako ng tatlo para sa amin. Pero iyong kay Felicia nakalagay sa cone, habang iyong sa amin naman ni Autumn ay nasa plastic cup.

Para namang bata na lalong natuwa si Felicia noong matikman niya ang ice cream at agad niya itong dinilaan. May pasayaw-sayaw pa siyang nalalaman pero kahit na ganun, hindi siya nagmumukhang baliw dahil ang ganda-ganda niya pa ring tignan.

Tuwang-tuwa pa nga sa kanya iyong mga nakakakita eh.

But damn! The way she licks the ice cream. Nakakapang-init ng mukha at katawan.

Napapa-ugh na lang ako sa aking isipan. Habang napapairap sa aking sarili dahil hindi ko mapigilan ang mapatulala sa kanyang ginagawa. Lalo na sa kanyang dila.

HBS 2: New Generation - The Player (Gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon