TP: 9

1.3K 53 2
                                    

Skyler POV


At gano'n lamang kabilis lumipas ang mga araw. Dalawang araw na lamang muli ay babalik na ako sa school. But I don't think 'yung Skyler na kilala ko noong wala pa si Felicia ay magiging same pa rin ng Skyler ngayon.

Because lately, napapansin ko na para bang nag-iiba na ang takbo ng mindset ko. Sa sandaling panahon na nakasama ko pa lamang si Felicia, para bang may kung ano akong hindi maipaliwanag na unti-unting nagbabago sa sarili ko.

I hate it! Kapag merong bagay na nagbabago sa sarili ko dahil sa ibang tao. Pakiramdam ko kasi hindi ako nagiging totoo na sa sarili ko. Pero ngayon para bang... it feels so good?

Napailing na lamang ako sa aking sarili nang maisip iyon.

Kasabay ng pagbabalik ko sa Goldin Hills ay magsisimula na rin ang private tutor kay Felicia. Hindi ko tuloy mapigilan ang ma-excite para sa kanya. Alam ko kasing maraming bagay pa siyang matututunan at ito ay simula pa lamang ng tuluyang pagbabago sa buhay niya.

Lalong-lalo na ang pagsasalita ng english na gustong-gusto niya nang matutunan. Kung saan siya pinakamahina. At marami pang bagay na alam ko rin na ika-i-improve ng kanyang sarili.

I can't wait for the day when someone like Felicia will suddenly become a full-fledged fine lady.

Gosh! Hindi lamang siguro siya magiging hot lalo kundi magiging isa sa pinakamatalino rin. Nakikita ko kasi na marami siyang kakayanan na hindi pa niya nadi-discover mula sa kanyang sarili.

Bagay na hindi na ako makapaghintay pa para sa kanya. And I wanna witness that day. There's no impossible, right?

But I know in myself na sa pagbabalik eskwela ko dahil natapos na ang isang linggong pagsuspende sakin, ay sobrang mamimiss ko si Felicia.

Hindi ko na kasi ito makakasama madalas dahil sigurado akong magiging abala na ako ngayon sa pag-aaral.

At biglang naging interesado ka na ngayon sa pag-aaral? Tanong ko sa aking sarili bago napangisi.

Of course, I wanna be a good example and role model para kay Felicia. Gusto ko kasing magkaroong ng magandang impact sa kanya at hindi niya makilala ang isang Skyler na panay kalokohan lang ang alam.

Since I met Felicia, I suddenly had the inspiration and motivation to be a good person. I don't know what exactly is happening to me but I want to embrace whatever change is happening to me.

I know the fact that I will miss her lalong-lalo na kapag nasa eskwela ako at siya ay maiiwan lamang dito sa mansyon, kaya naman, ako na mismo ang bumili at nagbigay ng cellphone sa kanya kahit na mahigpit na ipinagbabawal sa akin ni Dada na huwag ko muna siyang bibilhan ng kahit na anong gamit na pwede niyang kaadikan.

I mean, what should I do? Kaysa naman hindi ko mamonitor ang mga ganap sa kanya. I also put a tracker on her cellphone before I gave it to her. Para kahit na hindi kami magkasama, alam ko kung nasaan siya at mabilis ko siyang mapupuntahan kapag may nangyaring hindi maganda.

And the moment I gave her that thing, the happiness and joy in her face and eyes are so priceless! Grabe! Nagtatalon talaga siya sa saya at paulit-ulit akong niyayakap dahil matagal na pangarap na raw niya ang magkaroon ng cellphone.

Hindi ko naman mapigilan ang hindi maging proud sa sarili ko. Lalong-lalo na at naibigay ko sa kanya ang isa sa mga bagay na alam kong labis na nakapagpasaya sa kanya.

Mabilis matuto si Felicia, sandali lamang niyang natutunan paano gumamit ng smart phone at isang araw pa lamang ang nakalilipas para bang kabisado na nito ang lahat ng application kung paano gamitin.

HBS 2: New Generation - The Player (Gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon