TP: 17

1.3K 48 2
                                    

Skyler POV


Ilang buwan na muli ang nakalipas magmula noong halos ayaw na akong lapitan pa ni Kulot. Ngunit sa araw-araw na iyon ay sobrang sinikap ko talaga na makuha muli ang loob niya at maging kampante siyang muli sa akin.

Paunti-unti ay nangyari naman ang inaasam ko. Hanggang sa muling naging komportable na siya sa akin. Kaya naman mas lalong napalapit muli ang loob namin sa isa't isa.

Hindi ko nga alam kung paghanga pa ba itong nararamdaman ko para sa kanya o higit na roon. Basta ang tanging alam ko lang she made me a better person. Palagi niyang pinakakalma ang kalooban ko. At totally, natigil ko na talaga ang lahat ng kalokohan na meron ako.

Pansin ko na mas naging seryoso na rin ako ngayon sa buhay. Hindi nga maintindihan ni Dada Billy kung bakit paunti-unti ay nakikita niya ang malaking pagbabago sa akin. Bagay na ikina-proud ko naman sa aking sarili.

Hindi gaya noong wala pa sa buhay ko si Felicia at hindi ko pa siya nakikilala, sobrang napakawalang direksyon ng buhay ko. Siya talaga ang dahilan kung bakit unti-unti ay nabago ko ang aking sarili.

Ang buong akala ko rin dati, hanggang doon na lang ako. Sa Skyler na walang ibang alam gawin sa buhay kundi ang mag-party at ang mambabae.

Iyong tipong araw-araw may kinikilalang bago. At may tinatawag pang flavor of the day. Kahit na alam ko naman talaga na bukod sa galing ko sa kama...ahem! Ay yaman lamang ng pamilya namin ang habol nila sa akin. Pagmamayabang ko sa aking sarili.

Felicia is truly my angel in disguise.

At ang Skyler na unti-unting nagbabago ngayon, ay hindi na gugustuhin pang muling balikan ang Skyler sa nakaraan.

Pakiramdam ko rin mas nagkaroon ngayon ng saysay ang buhay ko. Felicia makes me feel complete.

Hindi ko man alam kung anong matatawag talaga sa relasyon namin dahil sa maraming beses ko na siyang nadala sa langit.

Yes! Tama kayo ng nadinig. Maraming beses na at hindi ko na rin mabilang pa. I love making love with her. At ginagawa namin iyon sa kahit na anong oras naming dalawa gustuhin. Morning, in the middle of the day, sa hapon, sa gabi at kahit na anong oras pa yan. Madalas sa kwarto niya, minsan sa kwarto ko, sa kotse ko, sa shower room at ang pinakapaborito niya ay sa parking lot. Gustong-gustio niya lalo rin kapag nasa loob ng sasakyan.

Gosh! Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili sabay kagat labi habang nagda-drive patungo sa bahay nina Nicole.

Muli ko na naman kasing naalala kung gaano ka-hot si Felicia sa tuwing nasa ibabaw niya ako at nakikita ang mga namumungay niyang mga mata.

Very satisfying.

Siguro kung ibang babae lamang siya, I will just call it a mistake or just sex. At isa lamang sa sa mga sex slave ko. But with Kulot? No. Hinding-hindi ko iko-consider na sex lamang iyon o pagkakamali. Dahil para sa akin, ginagawa ko palagi iyon out of love.

Bigla akong napapreno noong sandaling sumagi sa aking isipan ang katagang iyon.

Love?

Napalunok ako ng mariin.

Wait... don't tell me. Napatawa ako na parang siraulo.

Don't tell me, I'm in love with her. I'm in love with Kulot.

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng buong pisngi ko noong ma-realize ko ang mga pinagsasabi ko sa aking sarili bago parang kinikilig na gago sa loob ng aking sasakyan with matching hampas pa sa manobela.

HBS 2: New Generation - The Player (Gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon