FINALE

1.9K 61 4
                                    

Felicia's POV



Kanina pa ako naghihintay kay Skyler pero hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi.

Nag-prepare pa naman ako ng dinner naming dalawa. Hmp! Tapos hindi niya man lang ako uuwian ng maaga?

Hindi ko mapigilan ang hindi magtampo at sumama ang loob.

Alam naman niyang special ang araw na ito para sa amin tapos iyon pa talaga ang nakalimutan niya. Panay na lang siya trabaho. Panay na lang business travel. Wala na siyang oras sa akin.

Sa amin.

Sabay hawak ko sa tiyan ko ngayon na medyo lumulubo na.

Muli akong napabuntong hininga bago tinignan ang oras sa aking wrist watch. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na akong nag-check ng oras.

'Pag 'yun talaga umuwi ng disoras ng gabi, sa labas talaga siya matutulog ngayong gabi.

Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa marinig ko ang boses ni Autumn na hinahanap ako sa isang guwardya.

Simula kasi noong maikasal kami ni Skyler at maging isang tunay na Misis Ross na rin ako eh bumalik na ako rito sa mansyon at dito na muling tumira. Hindi na kami kumuha ng sarili naming bahay dahil, sino pa ba ang ibang titira rito kung aalis pa kami?

Wala na.

Sa laki ng mansyon na ito baka literal na kwago na lang talaga ang tumira rito kapag nagkataon. Lalo at palaging umaalis din sina Mimi Aerin at Dada Billy.

Naks! Hindi ko mapigilan ang kiligin sa tuwing tinatawag ko sila katulad kung paano sila i-address ni Sky.

And yes, naikasal na ako kay Skyler two years ago. Isang tunay na asawa na niya ako. Wala na akong kawala pa sa kanya dahil agad na pinakasalan na niya ako ilang buwan lamang pagkatapos niyang mag-propose sa akin.

Panay travel lamang kami unang taon ng marriage life namin. Pero sa bawat lugar na napupuntahan namin, hindi nawawala ang pag-aaway. Hayyy. Ang hirap pala 'no? Ang hirap magkaroon ng partner in life na magkaiba kayo ng hilig sa buhay.

Pero masarap sa feeling dahil meron kang taong makakasama sa hirap man o ginawa. Iyong feeling na magkaiba man kami ng personality, eh nagkakasundo naman kami pagdating sa kung papaano namin iwo-work out at palaguin ang relasyon namin.

Masarap sa feeling na iisa kayo ng thoughts, goals and dreams lalo na sa pamilya na gusto ninyong buuin. Meron kang kakampi sa lahat ng bagay. Ang sarap sa feeling na meron kang matatawag na 'Home' na alam mong sa'yo talaga. Isang tao na kahit na magtalo pa kayo o mag-away palagi alam mong mhinding-hindi ka iiwanan at susukuan.

Wala na akong mahihiling pa, alam kong hindi madali ang buhay may asawa, there's also struggles and challenges na kailangan ninyong harapin nang magkahawak-kaway but I believe na makakayanan naming lahat iyon ni Skyler.

Lalong lalo na ngayon na magiging mommy na kami pareho. I couldn't wait to hold the hand of our little angel. Sinisigurado kong bubusugin namin siya ng pagmamahal at alaga.

Napakasarap tawaging Mrs. Ross dahil bukod sa alaga ako ni Skyler eh welcome na welcome rin talaga ako sa family niya na akala ko noon ay kinamuhian ako dahil sobrang nagalit at sinisi ko sila sa pagkawala ng pamilya nina Beauty.

But it turns out na naiintindihan naman nila ako to the fact na halos same situation sa nangyari sa love story nina Dada Billy At Mimi Aerin.

Isa pa, tanggap at mahal din ako ng mga kaibigan ni Skyler. Napatawad na rin ako ni Kezia sa nagawa kong pang-iiwan noon kay Sky. Somehow, naiintindihan naman daw niya ako at napagbuntunan lang daw talaga niya ako ng galit noon dahil sa nangyayari rin sa personal na buhay niya.

HBS 2: New Generation - The Player (Gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon