Skyler POV
Wala pa akong tulog galing Baylight. Inumaga na kami natapos dahil sa weekend ngayon kaya mas maraming guests ang pumunta.
Pagkatapos ko ay sandaling umuwi muna ako sa mansyon, para maligo at makapagbihis na rin at syempre upang ma-check si Felicia. Ngunit tulog pa ito nang dumating ako.
Hindi ko na ito inabalang gisingin pa para naman makapagpahinga siya ng maayos.
Ngayong araw kasi ang araw para pormal na ipakilala ni Nicole si Violet sa kanyang pamilya at sa aming mga kaibigan niya. Syempre, pati na rin sa parents ng mga kaibigan namin as part of their family.
Hindi ko alam na nag-propose na pala kaagad si Violet sa kanya pagdating na pagdating pa lamang niya galing ng New York.
Ang lupet talaga ng babaeng 'yun! Sunggab agad basta may pagkakataon. Hahaha. Natatawa na sabi ko sa aking sarili habang napapailing. Well, they deserve each other naman at walang sino man ang pwedeng tumutol pa sa kanilang dalawa.
Lalo na ngayon na nasa kulungan na si Chase at ganoon din si Aisha. Isa pa, bilang kaibigan nilang dalawa, hinding-hindi ko hahayaan na may isa sa kanila ang mapahamak, 'no? Kapatid ko na si Nicole so there's no way na papayagan kong may humadlang pa sa kanila katulad ni Chase at Aisha.
Kaya naman, magkasunuran lang ang sasakyan namin nina Dada Billy sa biyahe patungo kina Nicole. Nauuna ang mga ito sa akin habang nakasunod naman ako sa kanila.
Pagdating na pagdating pa lamang sa bahay nina Nicole ay panay na ang pang-aasar sa akin ni Autumn at Kezia dahil sa kauna-unahang ipinost ko kahapon sa instagram. Na sa tingin ko ay agad na ipinagsabi na ng mga ito sa iba pa naming kaibigan kaya pati sina Gabby, Tabitha at Sydney ay nakikisali na rin sa kanila.
Ganoon din si Violet na kanina ko pa tinitignan ng masama.
Mga walangya!
"Breakfast with my Kulot." Patuloy na panunukso ni Autumn sa akin. Kaya nagkunwari na lamang ako na abala sa aking cellphone.
Bahala sila mag-isip kung anong gusto nilang isipin. Masyado silang ma-issue sa buhay. Tss!
"So, sino naman kaya ang susunod na magkakajowa sa inyo?" Pabirong tanong ko ni Nicole sa aming lahat.
"Pakigalaw na ang baso kung sino man kayo." Makahulugang dagdag pa nito na hindi ko alam kung pati ba siya eh nasabihan na rin nina Autumn or what.
Nagtawanan ang lahat except sa akin at awtomatikong nagbaling ang mga ito ng tingin sa akin ngunit hindi ko sila pinansin at patuloy lamang sa pag-i-scroll kunwari sa aking cellphone.
Awtomatiko naman na napakunot ang noo ni Nicole.
"Isang taon at kalahati lang akong nawala. Anong chika?" Tanong nito hindi sa akin kundi sa mga kaibigan namin na masyadong maraming issue sa buhay.
Bigla namang natawa 'yung fiancee nitong si Violet. Na halatang may ideya sa kaganapan sa buhay ko habang wala si Nicole dito sa Pilipinas.
Dahil doon ay makahulugan na tinignan ako ni Nicole.
"Oh, may girlfriend ka na? As in, seryosohan na ba? OH. MY. GOSH!" Hindi makapaniwala na tanong nito sa akin. Hindi rin maitago ang excitement sa kanyang mga mata.
Napahinga lamang ako ng malalim.
"Hindi ko siya girlfriend!" Mariin na pagtatanggi ko ngunit agad ding napamura at nadismaya sa aking sarili. Parang ang defensive kasi masyado ng isinagot ko sa kanya. Wala naman siyang tinutukoy kung sino.
![](https://img.wattpad.com/cover/319383083-288-k501356.jpg)
BINABASA MO ANG
HBS 2: New Generation - The Player (Gxg) COMPLETED
RomanceSiya ay isa sa mga kinatatakutan, iniingatan na makabangga ng nakararami. Walang sinuman ang pwedeng lumapit at makahawak sa kanya kung ito ay walang pahintulot niya. Siya ay walang iba kundi si Skyler Jenn Ross, the daughter of a former assassin sl...