Matthew's POV
Dinala ko si Natalie sa isang restaurant kung saan makikita mo talaga ang syudad.. Kami lang ang nandoon dahil ni-reserve ko talaga iyon para sa amin..
"Sobrang ganda naman dito. Matthew..."-sabi niya na kumi,kislap pa ang kanyang mga mata galing sa mga ilaw dito..
"Oo nga sobrang ganda.. Parang ikaw.."-napatingin naman kaagad siya sa akin..
"Ikaw talaga.. Ang bolero mo.."-sabay hampas niya sa braso ko..
"Hindi ako nagbibiro ah.. Maganda ka naman talaga.."-hindi na siya nakasagot sa mga sinabi ko.. Wala ni isang nagsasalita sa amin. Minuto na ang lumipas pagkatapos ay dumating na ang aming pagkain..
Kumain na kami pagkatapos nila i-serve yung mga in-order ko para sa date na 'to.. Aaminin ko,unang kita ko palang sa kanya ay may crush na ako sa kanya.. Hindi ko rin hahayaang maging tanga nalang si Natalie sa Alex na iyon..
Kahit na gagawin niya akong panakip butas,ayos lang iyon basta mapasa-akin lang si Natalie.. Pagkatapos naming kumain ay sininyasan ko ang operator para itugtog ang kantang sinabi ko sa kanya kanina..
Hindi mo ba alam
Damdamin ko'y pinagtakpan
Makasama ka'y suntok sa buwan
'Di mo nga alam
Mundo mo nga'y iyong tignan
Kung ganyan, walang pupuntahan
Hindi ko 'to gusto
Pero 'wag kang lalayo
Itanong mo sa akin
At tatanungin ko rin
Kung ika'y aamin
Lahat ay gagawin
(A/N: Tingnan niyo lang sa gilid,nandoon ang kantang sinayaw nila Natalie..)
"Alam mo, ang korny mo.. Iyang kantang iyan pa ang pinili mo.."-Natalie..
"Bayaan mo na,nasa lyrics na iyang ang gusto kong sabihin sayo..."-ako..
Wala nang nagsalita sa amin ng sandali na iyon..
'Di mo napapansin
Kailangan mo akong dinggin
'Di habang buhay ika'y aantayin
Ito'y aking hiling
At sana naman ay tanggapin
Ng puso ko'y 'di nabibitin
"Layuan mo na siya.. Ako nalang"-mahinang bulong ko sa kanya..
"Ha??"-Natalie..
"Wala.."-Niyakap ko nalang siya ng mahigpit..
Hindi ko 'to gusto
Pero 'wag kang lalayo
Pagkatapos ng kantang yon,hinatid ko na si Natalie sa kanilang bahay..
"Salamat sa paghatid sa akin hah.. Pati narin sa 'date' na 'to.. Nag-enjoy ako."-Natalie. Sabay ngiti sa akin..
"Sige, alis na ako.."-ninakawan ko siya ng halik sa pisngi.. Pagkatapos ay umalis na ako agad.. At doon naiwan ko siyang nakatulala sa harap ng kanilang bahay..
-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-
Sweet ba?? O nakakakilig??
Huwag kayo mahiyang mag-comment para mas masaya.. ☺ VOTE narin.. Thank you so much... ♥
BINABASA MO ANG
Mr. President (Completed)
Jugendliteratur"Destiny is not a matter of chance; It is a matter of choice. It is not a thing to be waited for; it is a thing to be achieved..." -Bunnyflower055 ---- My first ever story. ☺