Amber's POV
"Syempre, 'Bestfriend' ata kita."
Paulit-ulit akong gumulong-gulong sa kama ko. Di kasi ako mapakali eh.
Ewan ko ba kung bakit parang hindi ako sangayon sa sinabi kong yun. Parang ako kasi mismo ang nasaktan sa sinabi kong yun... Siguro normal lang yun dahil crush ko siya, pero... Sana hindi na lumala pa dun. Ok na ako sa pagiging 'bestfriend' lang niya.
'Sinungaling'
"Argh! Shut up!" para na akong baliw dito. Kinakausap ko na ang sarili ko.
Patuloy lang ako sa paggulong-gulong hanggang sa napakod na ako at nakatulog.
~ K I N A B U K A S A N ~
Saturday ngayon at bored na bored ako! Wala akong matinong magawa dito sa loob ng bahay! Tinawagan ko si Bessy at yinaya siyang mag-mall pero sabi niya ay bibisitahin daw nila yung lolo niyang may sakit sa hospital. Tinawagan ko si Jasper but kasama daw niya yung kapatid niya. Nagbobonding daw sila. At ngayon, tinatawagan ko si Kevin pero busy ang line niya! Sino naman kausap nun?
Tss. Nakakabaliw na talaga dito sa bahay kaya napagdesisyonan ko ng pumunta sa mall magisa.
*Mall*
Pagpasok na pagpasok ko palang sa mall ay agad na sumalubong saakin ang mga mata na makikitaan ng paghanga at ang mga mata ng mga ingeterang palaka. Tss. Di ko naman sila masisisi.
Pumasok ako sa isang store, kuha lang ako ng kuha ng mga natitipuhan kong mga damit. Hanggang sa may nakita akong dress. Kukunin ko na sana ng may isa pang kamay ang nakahawak sa dress. Agad naman akong napatingin sa babaeng nakahawak din sa dress na natipuhan ko. Sa unang tingin ko palang, nararamdaman ko na ang 'bitch aura' niya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya ng kilay.
"Excuse me, pero ako ang unang nakakita sa dress na 'to." sabi ko sabay higit ng dress sakanya.
"Pero ako ang unang nakakuha, so get your dirty hands off this dress, bitch." hinigit niya din papunta sakanya ang dress. abaaaa! Maldita talaga ang bruha! Nginitian ko naman siya.
"Ako ang nauna so back off!" sabi ko sabay higit uli sa dress. Naghigitan lang kami dun sa dress ng bigla kaming inawat ng sales lady.
"Uhmm, mga maam.. Meron pa naman pong-" bago pa niya matapos yung words niya ay sabay naming tinignan ng masama yung babae sabay sabi ng "Shut up!"
"You bitch! Hindi mo ba ako kilala? Baka lumuhod ka sa mismong harapan ko kapag nalaman mo!" Sabi ko at agad naman siyang sumugod para sabunutan ako at syempre lumaban na din ako. Grr! Nakakaasar na talaga tong babaeng to! Pinapalabas niya ang bitchy side ko!
"I don't care who you are and I'm not interested! Bitawan mo na lang yung dress!" Sabi ni Bitch
BINABASA MO ANG
Childhood Love
Teen FictionMaganda? check. Sexy? check. Talented? check. Mayaman? check. Oh? Almost perfect na noh? Siya lang naman ang oh-so-famous and oh-so-fabulous na si Amber Lee. Sabi nga nila, what she wants, she gets. Pero may isang lalaki na kailan man ay hindi niya...