Childhood 10- Aegyo

93 7 1
                                    

Amber

MONDAY

"Bessy~  Nagsolo ka daw sa mall kahapon ah? HAHA! Isang Amber Lee? Nagiisa lang na gumagala? Haha! Loner ba friend?"

"Urghh! Shut up!" Bwiset! Kanina pa tong babaeng to! Kanina pa ako inaasar!

" OMO! At ito pa! May sumabunot sakanya! I cant believe it! Sa tanang buhay mo walang niisa ang nagtangkang saktan ka then this bitch came and  boom!  Sabog ang hair! Haha! Look! May kumiha sayo ng litrato sa mall! Haha!" Awatin niyo ako, baka di na ako makapagtimpi sa babaeng to! Kinuha niya naman yung phone niya at pinakita saakin yung picture na nakapost pa sa FB.

I smirked at her. "I still look beautiful" nagpout naman siya

"Ang yabang mo talaga! Oo na! Ikaw na ang maganda! Tsk!" todo simangot pa siya.

"Sus, simangot-simangot ka pa diyan, di naman bagay!"

"Tss. Ang bad mo! Pero... HAHA! Nakipagaway si Amber~" Paulit-ulit siya sa pagsabi nun. Tss. She is sooo Childish! Pasalamat siya at mahal ko siya. Tsk.

"Pahiram nga ng phone mo!" kinuha ko yung phone niya sa table habang siya ay patuloy pa rin sa pagiging baliw niya. Nandito kami ngayon sa Canteen.

Tinignan ko yung mga comments... Hmm, ang daming likes, infairness.


Jomaine Bendapoops: Kyaah~ Bakit ganun? She still looks beautiful T.T

Maria Doty: Nakipagsabunutan siya? Ang tapang naman nung kalaban niya.

Ice Ivan: Hot ;)

Leanne Artucilla: Ang panget niya naman eh :P

Magaganda naman yung mga comments sa photo except sa Bruhang Linta? Lita? Llana? Lea? Urgh! I don't care what her name is basta bruha siya! Then something caught my attention...

Pearly Loriat: Nakita ko sila ni KevinBabes na nagkikiss! Huhu! Kawawa ang heart ko T.T

Omo! Saan niya nakuha yung 'kiss thingy' na yun? Huhu! May nakakita ng kahihiyan ko? Hala, wag naman sana kumalat ang balitang iyun.

Patuloy lang ako sa pag-scroll sa phone ni bessy ng may biglang sumulpot na mga bulate

"What's up?" Bigla na lang umupo sa tabi ko si Jasper. Sa tapat ko naman umupo ang crush ko. Tumingin siya saakin at alam kong magpapacute na yan mamaya maya lang. Haha, ito ang gusto ko kapag nagtatampo ako eh. Feeling ko sobrang pinahahalagahan ako

"Who you?" pataray na tanong ni Amethyst.

"Oh? Miss me?"

"Kapal. Never have and never will!"

"Never have and never will" gaya ni Jasper kay Amethyst. Haha, nagboses babae pa siya. "Para din namang mamimiss kita no! Echuserang frog!" tinignan naman siya ni Kevin na parang nandidiri

"Yucks, ang bakla mo pre!" tumayo bigla si Jasper

"Nakakalalaki ka na ah!" buong boses na sabi niya. Pfft!

"Tsk, attention seeker." Amethyst na naka-crossed arm. Bipolar ba tong BFF ko? Kanina lang parang baliw na bata kakaasar saakin, tapos ngayon sobrang sungit!Napatingin naman sakanya si Jasper tsaka umupo habang hindi inaalis ang mata niya kay Amethyst.

"Itong bruhang 'to. Tsk, tsk." mahinang bulong niya

"Hey! I heard you! You--"

"You guys are so noisy! Maawa kayo saamin! Basag na eardrums ko!"

"Tss." sabay irap nilang dalawa sa isa't isa.

Napatingin naman ako kay Kevin. Nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya, bigla siyang nagbeautiful eyes. Pfft, ang epic ng itsura niya. Para siyang bakla na ewan! HAHA! Inirapan ko lang siya.

Hanggang sa tumunog yung bell at patuloy lang sa pagbabangayan yung dalawa at saway lang ako ng saway. Nakakaasar pa yung lalaking pabebe dito, pacute ng pacute! Bwiset ka, Kevin!

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

"Ihh! Mianhae, Amber! jebal nal yongseohae jwo." (Sorry, Amber! Please forgive me.) sabi niya habang nakakapit sa braso ko using his baby voice! Ano ginagawa niya? Well, nagaaegyo lang naman siya. Urgh! I never imagined Kevin doing this things for me. Para siyang abno!

[Aegyo- in Korean  refers to a cute display of affection often expressed through a cute/baby voice, facial expressions, and gestures]

Naglalakad kami ngayon sa hallway at maraming estudyante ang nagkalat kaya naman kitang kita nila ang kabaliwan netong pabebe na to.

"OMY! Ang cute cute niya *Q*"

"Sinabi mo pa! Hihi!"

"Ang sweet naman niya"

Napangisi naman ako sa mga naririnig kong reaksyon ng mga estudyante dito. Cute daw siya? Well, pwede na. Haha!

"Narinig mo yun? Ang cute at ang sweet ko daw." bulong niya saakin. Napahinto naman ako at napalingon sakanya dahil parang kinuryente ako sa ginawa niyang yun pero wrong move pala yun dahil sobrang lapit na ng mga mukha namin. Unting-unti na lang ang distansya ng mga labi namin sa isa't isa. Maging siya ay nagulat din. Pareho kaming natulala. Yung mga mata niyang parang nanghihipnotismo at ang labi niyang parang nangaakit... Napalunok naman ako ng matinde. Ohmyghad, malala na to. Hindi pa sana kami matatauhan kung hindi pa sumigaw ang mga estudyante.

"Kyaaah! Oh My God! Totoo nga ang balita! Sila na!"

"What?! Infairness, bagay sila!"

"Huhu! Ang dream boy ko! Kung hindi bakla, Taken na!"

"Tama ka gurl! Magdiwang tayong mga sawi!"

"Walang FOREVER!!"

What the heck are they talking about? Anong 'kami'?

"Bagay daw tayo, rinig mo yun?" sinikmuraan ko naman siya at iniwan na.

"Amber! Sorry na kasi!!"

"Tse! Bahala ka sa buhay mo! Wag mo akong susundan!"


Kevin

Tss. Galit pa rin siya. Nagmukha na akong tanga pero hindi niya pa rin matanggap ang sorry ko. Siraulong Jasper yun! Sabi niya hindi makakatanggi saakin si Amber kung mag-aaegyo ako.

Sinundan ko lang siya hanggang makarating kami sa garden dito sa school. Mas binilisan niya pa ang paglalakad.

Bigla siyang humarap saakin habang dire-diretso pa rin sa paglalakad.

"Sabi ko diba wag mo akong susun-- Aahh!"

"Amber!" napatakbo ako papalapit sakanya.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------

OMO! Anong nangyari kay Amber?

Kevin at the multimedia :)

Ang cute ni Kyungsoo~

Childhood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon