Amber
"GOOD MORNING!!!" masiglang bati ko sa mga maid namin,
"Good morning din po mam" sagot naman nila
Nginitian ko sila at tumuloy na sa kusina .Nakita ko naman dun si Dad na nagkakape. Linapitan ko siya at hinalikan sa cheeks.
"Good morning Dad!"
"Maganda ata gising ng prinsesa ko ah" sabi ni Dad.
"Syempre maganda kasi ako eh" sabay na kami ni Dad kumain ng breakfast. Good mood ako ngayon sa di malamang dahilan. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kay Dad na papasok na ako.
SCHOOL
"Good morning ms. Amber" bati saakin ng isang estudyante. Nginitian ko siya at halata sa mukha niya ang pagkagulat.
"Good morning din!" bati ko din sakanya. Nginitian ko ang bawat tao na makakasalubong ko. Yung ibang lalaki nga ay iba na ang intrepasyon pero wala akong pake. Masyado akong masaya para pakealaman pa sila.
Pagpasok ko sa classroom bumati din ako sa kanila ng good morning at tsaka umupo. Sakto naman at dumating na din ang teacher namin.
May pinapakopya siya saaming notes nang biglang may kumatok. Binuksan ni ma'am ang pinto pero hindi ko matignan dahil busy ako sa pagsusulat.
"Oh? So you're the transferee? Ok, come in." sabi ni maam sa kumatok. Pero wait, transferee? Baka ito na yung sinasabi saakin ni Bessy. Tinignan ko siya at OMY! Siya yung lalaki kahapon!
Tingnan mo nga naman o!! Destiny <3
Gosh! Ang gwapo niya talaga!!
"Mind to introduce your self?" tanong sakanya ni ma'am
Pumwesto naman siya sa gitna. Yung mga babae naman parang mga bulate, ang lilikot nila!! Ang sakit sa mata! Sarap pagbubuhulin e! FYI! Akin lang siya!
Wow ha? Akin?
May nalalaman na akong ganyan ngayon? Di joke lang yun. Good mood lang talaga ako ngayon so pagbigyan na!
"Hello everyone. Im Kevin Santos" sabay kindat sa mga girls. Yung mga girls naman, ayun, tili ng tili!
Kaso, parang playboy si Kevin eh. Wow, Kevin pala name niya? Kapangalan niya pa si Vin. Lintek
"You may now sit beside ms. Lee, Mr. Santos" Tae, magkapareho pa ng apelyido! Wait, What? Paraho ng first name, and then now... Surname? The eff'?
Napatingin na lang ako sakanya, Kevin Santos? Really..
Ayan na! Eto na talaga 'to! I'll ask him.
Nakita ko naman siya na tatayo na sana para umalis pero pinigilan ko siya. Napatingin naman siya saakin.
"Oh? Classmate tayo? Di ko napansin" sabi niya. Eh? Ngayon niya lang ako napansin samantalang ako yung katabi niya. Bulag ba 'to? Lutang na lutang kaya ang beauty ko!
"Uhmm, can I talk to you?"
"Hmm, sure" sabi niya at ready to listen na
"I mean.. Can we talk privately?" nagdemand pa ako.
"Ahh, ok! Saan ba?"
"Sa G-garden"
"Ok, soo tara na?" sabi niya saakin. Tumango na lang ako at naglakad na papunta sa garden.
GARDEN
"Kevin Santos. Ayun pangalan mo, diba?" tumango naman siya.
"Galing ka ba sa Korea?" Tango
"Sa bahay ka ipinanganak no?" tango pero natigilan. "Paano mo nalaman?" Lumaki bigla ang mga mata niya at biglang kumunot ang noo niya.
"Ikaw nga yan, VinVin" sabi ko ng nakangiti. Tae, 'wag kang iiyak.
"A-anong tinawag mo saakin?" sabi niya at sooooobrang laki na ng mga mata niya. Tsk, ang laki na nga ng mata niya mas pinapaluwa niya pa. Tsk tsk tsk
"VinVin ko.." paguulit ko. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"Hindi na pala kita kailangang hanapin dahil andito ka na pala mismo sa harap ko" Tae, naiiyak na ako. Wag ka namang ganyan. Huhu!
Nang mahimasmasan kami pareho, agad ko siyang hinampas-hampas sa dibdib.
"Tae ka! Bakit di ka sumasagot sa mga letters ko?! Grabe, nangako-ngako ka pa, di mo naman pala tutuparin! L--" yinakap niya uli ako at isiniksik ang leeg niya sa leeg ko.
"Sorry na, Pinag-focus kasi muna ako ng parents ko sa studies ko eh. Bawal muna ang distraction. Alam mo naman diba, bagsaking bata ako dati. Sorry na, kaya nga inayos ko ang pagaaral ko para makabalik agad ako dito at hanapin ka."
"Oo na, oo na!"
"Haayy, salamat naman at nagkita na uli tayo... Guminhawa na uli yung pakiramdam ko and I guess makakatulog na ako ng maayos starting today kasi I can't sleep because of thinking about you like Do you still remember me? Are you still alive? Are you still breathing?" sabi ko sakanya and guess what? nakatanggap lang naman ako ng batok from him
"Ouch! what was that for?!" pagmamaang-maangan ko. Di niya ako pinansin at tinawanan lang ako. Ang lakas talaga ng trip ng lalaking ito
HOME
Pagpasok ko, nakasalubong ko si daddy. Kakauwi pa lang niya.
Binati ko na siya at nagkiss sa cheeks niya. Mukhang good mood din si Dad ngayon kaya chikahan muna kami about sa nangyari kanina and nung kahapon.
Siguro nagtataka kayo kung bakit di ko nababanggit ang mommy ko. Well, namatay siya nung pinanganak niya ako. Sabi ni daddy, nagmana daw ako kay mommy. Pareho daw kaming maganda (syempre!).
Close kami ni Daddy. Nagsasabi din ako ng mga secrets ko sakanya pero hindi lahat ay sinasabi ko.
Pagkatapos kong makipagkwentuhan kay dad, nagpaalam na ako na matutulog na ako kasi inaantok na ako e.
Pumasok na ako sa room ko and dun nag pagulong-gulong. Ang saya ng araw ko ngayon.
I'm happy that I found you, Vin.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Si Kevin po ^^
BINABASA MO ANG
Childhood Love
Teen FictionMaganda? check. Sexy? check. Talented? check. Mayaman? check. Oh? Almost perfect na noh? Siya lang naman ang oh-so-famous and oh-so-fabulous na si Amber Lee. Sabi nga nila, what she wants, she gets. Pero may isang lalaki na kailan man ay hindi niya...