Excited akong naglalakad ngayon sa hall.
Waahh! Gusto ko ng makita si bessy para makwento ko na sakanya ang nangyari kahapon. Im sure matutuwa yun kapag nalaman niya na bumalik na si Kevin
Hayy, kapag naaalala ko yung mga moments namin dati parang gusto kong bumalik. Yung mga laro namin, mga kulitan, mga kwentuhan. Aish! Nakakamiss eh!
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Sakto naman at nakita ko si Amethyst na inaayos ang locker niya.
"BESSY!" tawag ko sakanya. Napatingin naman siya saakin sabay ngiti.
"Oh? Bakit parang excited ka? May chika ka sakin no?" tss. Kilala talaga ako ng bruhang to.
"Oo! Amethyst he's back!" sabi ko sakanya habang patalon talon.
"Ha? Who's back?" nagtatakang tanong niya.
"Si--" *Kring!!!* Hayy, ano ba yan. Panira itong bell na 'to!
"Ay bessy, mamaya na lang ah? Mukhang mahaba-haba pa yang ichichika mo e. See you sa canteen!" sabi niya sabay takbo papunta sa room niya. Tignan mo 'tong babaeng 'to, di man lang hinintay ang sagot ko. Hmp! Mamaya na nga lang!
Tumakbo na rin ako papunta sa room ko. Baka ma-late ako.
Pumasok na ako sa room, buti na lang wala pa si maam. Nakakatakot pa naman yun kapag nagalit.
Umupo na ako sa upuan ko. Teka, wala pa si Vin? hay nako yung lalaking yun! Malelate nanaman yun hula ko. Ganyan kasi yan dati eh.
"Good morning maam Casianan!" bati namin kay maam. "Good morning"
Aish! Nasaan na ang ugok na yun?!
*BLAAGG!*
"Maam Sorry Im Late!" hayy, sabi na e. Late pa rin talaga siya. Walang pinagbago. *iling* *iling*
"Your late mr. Santos but next time na maulit ito uli, may punishment na. Undrestand?"
"Yes ma'am" Pa-good boy pa niyang sabi. Sus! lagi namang ganyan yan tapos malelate uli.
Umupo na siya sa tabi ko. "Grabe, nakakatakot naman si maam." sabi niya saakin.
"Haha! Ang sabihin mo hindi tumalab ang pacute mo kay maam!"
"Tsk"
Nakinig na lang ako sa lesson ni maam. Takot ko lang na mapalabas. Kahit na anak ako ng mayari ng school, walang special treatment saakin ang mga teacher dito. Ayaw kasi ng ganun ni daddy kasi student din naman daw ako dito.
"Ok class, open your books on page 117"
-
-
-
*Kring!* *kring!*
Yes! Break na!!
Paalis na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko. "Uy, sama ako sayo... Nakakatakot mga babae dito sa room, parang kakainin ako ng buhay!" sabi niya na parang nagsusumbong sa mama niya. Tinignan ko naman yung mga babae na tinuturo niya. Haha! Oo nga! Naglalaway na yung mga babae! haha! Laughtrip 'to a! Bakit ba kasi ang gwapo ng bestfriend ko e!
"Haha! Halika na nga!"
Habang naglalakad kami papunta sa canteen, lahat nakatingin saamin at nagbubulungan.
BINABASA MO ANG
Childhood Love
Fiksi RemajaMaganda? check. Sexy? check. Talented? check. Mayaman? check. Oh? Almost perfect na noh? Siya lang naman ang oh-so-famous and oh-so-fabulous na si Amber Lee. Sabi nga nila, what she wants, she gets. Pero may isang lalaki na kailan man ay hindi niya...