"Amber!"
Lumingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa mala-dyosa kong pangalan galing sa best friend kong manhid. Syempre, lingon agad ako. Agad namang sumalubong saakin ang medyo haggard niyang pagmumukha but still, gwapo pa rin.
"Bakit pumasok ka na ngayon? Dapat nagpahinga ka pa!" ay, pinapagalitan ba ako nito?
"Nagpahinga na ako kahapon, ah? Hindi pa ba sapat yun?" nakataas kilay kong sabi. Napabuntong hininga na lang siya at wala ng nagawa
"Okay ka na ba? Walang masakit sayo?" lumapit pa siya lalo at chineck niya pa ako para lang makasigurado. Enebe, kinikilig ako! Kahit nag-eenjoy pa ako sa eksena na to ay itinulak ko na siya ng mahina
"Ano ba, okay nga lang ako. Ako pa?" napangiti naman siya at parang napanatag na rin. Ito talagang lalaking to eh sagad magalala saakin. Ang swerte ko rin at naging kaibigan ko tong isang to eh. Mabait, matalino, maaalahanin, maalaga at... Nakakainlove
Leche, ayan na naman ako.
Bago pa ako matulala dito mismo sa harap niya, yinaya ko na siyang pumasok sa room.
Habang nasa klase, walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang plano kung paano ko mapapa-inlove si Kevin. Siguro dapat maging mas mabait ako sakanya. Hmm, paano naman kaya?
"Ahh, Kevin. Ipinagluto kita ng pagkain" nahihiyang sabi ko with matching mahinhin effect
"Wow, talaga?" tinanguan ko siya at saka ilinabas ang pagkaing linuto ko
"Mukhang masarap ah!" sabi niya sabay sunggab ng niluto kong 'Adobo de dyosa'. Lihim akong napangiti ng makitang ganadong-ganado siya sa pagkain. Ika nga nila, the way to a man's heart is through his stomach. So dapat, dumaan muna ako sa tsan niya bago ako makapasok sa puso niya.
Hmm? Dapat ko na bang simulan ang paghiwa ng tsan niya? Pero di joke lang HAHAHA baka mamaya malipat pa sa horror ang genre ng story eh
Pero ayan na, kinakain niya na yung gawa ko para sakanya. Ayan na, inlove na siya sakin! Pag-nakadaan na yung pagkain sa tsan niya, didiretso na yun sa puso niya BWAHAHAHA-- leche me is so korni
Napatingin saakin si Kevin habang nginunguya yung pagkain sa bibig niya. Tumango-tango pa siya habang naka-thumbs up saakin. Parang nag-wala tuloy yung mga dyosang mga madam butterfly sa tummy ko.
"Masarap ba?"
"SUPER!"
"Gusto mo bang lutuan pa kita sa susunod?"
"SYUR!"
"Inlove ka na ba sakin?" tanong ko with dreamy eyes
"SY--"
Napakunot ang noo niya kaya kumunot din ang noo ko. Tumagilid ang ulo niya ng bahagya kaya tinagilid ko rin ng unti ang ulo ko. Pinanlakihan niya ako ng mata kaya pinanlakihan ko rin siya ng mata.
"Huh?"
"Hu--" napatigil ako nang marealize ko ang kagagahang sinabi ko. Wait, sinabi ko ba talaga yun? Weh? "Hori sheet" pabulong kong sabi
Nakatingin pa rin siya sakin hanggang ngayon kaya mahina akong napatawa at napahawak sa batok
"Wala, sabi ko nakakainlove talaga ang kagandahan ko. Tignan mo yung boy dun oh, kanina pa nagpapacute saakin hehe" napatingin naman siya sa direksyon ng lalaking itinuro ko. Nahuli naman niya itong kumikindat saakin. Sinamaan niya bigla yung boy ng tingin. Grabe, parang luluwa na yung eyeballs niya katakot.
"Parang nakahithit ang gago langya." pabulong niyang sabi sabay tingin saakin
"Ikaw Amber 'pag may ganyang lalaki na parang ulol na nang-lalandi sayo, wag mong papansinin. Kahit tingin wag!" kunot noo niyang sabi kaya napangisi naman ako at inilapit ng unti ang ulo ko sakanya
Hmm eto na ba yun? In love na ba siya saakin? Hihi
"Bakit? Nagseselos ka? Kaya ayaw mong may makitang ibang lalaki ang pretty eyes ko? Ayaw mong may ibang makakita sa magandang ako?" Taas-baba pa ang kilay ko habang nakangising tanong sakanya
Nakita ko naman ang paglunok niya. Ayieee aamin na ba siya? Eto na ba talaga 'to? Tumalab ba talaga ang adobo de dyosa ko? Humayghad umamin ka na para tayo na agad! Hihi--
"Selos? Ha! Ba't naman ako magseselos? Huh? Di naman kita gusto" sabi niya bigla na siyang nagwasak sa beautiful imagination ko. Yung kilay kong taas-baba kanina ay nahulog na sa sahig. Natuyo ang mga bulaklak sa tummy ko kaya't nagsibagsakan ang mga butterflies ko't namatay
Di naman kita gusto
Alam ko naman yun. Kaya nga ako gumagawa ng paraan para magustuhan mo rin ako, di mo na kailangan ulit-ulitin. Naku! Parang feel ko tuloy dukutin 'yang mga eyeballs niya!
"Ah talaga? O sige, sabi mo eh" sabi ko sabay tayo at kinuha na ang mga gamit ko
"Saan ka pupunta?" tanong niya. Tumingin naman ako sakanya at umirap
Nag-lakad na ako paalis sa cafeteria ng biglang humarang saakin yung boy na kumindat sakin kanina.
"Hi" bati niya saakin kaya napataas ang isang kilay ko. Bakit niya hinarangan ang pretty way ko?
Napakamot naman siya sa batok niya ng makita ang expression ko
"Uhmm ano kasi eh--"
"AMBER!" napalingon ako sa kunot noong si Kevin na nasa may likuran ko na agad. Naguusok ang ilong niya't masama ang tingin sa lalaki. Inirapan ko naman siya't hindi na pinansin. Bumalik ang tingin ko sa lalaking nakatayo pa rin sa harap ko
"May sasabihin ka ba?"
"Huh?" Sabi ng lalaki habang medyo tulala sakin. Tinaasan ko siya ng kilay, bingi lang?
Akmang aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko. Agad namang hinawi ni Kevin yung kamay niya sa braso ko
"Don't touch her!" Kung hindi lang ako nagtatampo sakanya, nakurot ko na ang pisngi niya. Ang kyoooot! Para siyang batang ipinagdadamot ang laruan niya. Pero wait, laruan? Sino? Ako? Eww di hamak na mas maganda ako kay barbie. Pero wait uli, bakit barbie? Naglalaro ba si Kevin ng barbie? Ay ano ba yan!
"Calm down bro! I'll just ask her out!" rinig kong sabi ng lalaki. Ano daw? Sa sobrang lutang ko di ko na namalayan ang nagyayari sa paligid ko
Tinignan ko muna yung lalaki from head to toe. Not bad. Cute naman siya pero hindi ako sasama sakanya--
Di naman kita gusto
"Umalis ka na! Hindi siya sasama sayo! Ba't mo siya palalabasin sa sarili niyang eskwelahan? Are you kidding--"
"Date? Why not?" nakangiti kong sabi sa lalaki na siyang ikinatuwa ng lalaki at ikinalaki ng butas ng ilong ni Kevin
"What? You're going out with that bastard?!" I just rolled my eyes on him like duh!
"So... Can I get your number?" Nakangiti ng bongga si boy
"Sure but wait, what's your name nga pala?"
"Charles, Charles Lim" sabi niya at ilinahad ang kanyang kamay sakin. Tinanggap ko naman iyon at nakipagkamay sakanya
"Wait Amber, are you serious? You're really going with him? You don't even know him!" Sabi ni Kevin nang makaalis kami sa cafeteria. Hinarap ko naman siya
"Yes, you have any problem with that?" mataray kong tanong sakanya
"Of course! Bakit ka sasama sakanya? Paano kung may gawin siyang masama sayo? Huh?"
Mukhang nageenjoy ako sa ginagawa ko. Nakakakilig kasi para din siyang nagseselos
"Chill ka lang, wala namang mangyayaring masama" talagang wala dahil di ko naman sisiputin yun
"How can you be so sure? Kakakilala mo pa lang sakanya kanina?"
"Ah basta alam ko lang"
Napahilamos naman niya ang kamay niya sa kaniyang mukha sa sobrang pagka-frustrate
"Bahala ka nga! Just inform me kung kailan ba 'yang date na yan" napangisi naman ako
"Yeah yeah whatever" sabi ko't nagpatuloy na sa paglalakad
BINABASA MO ANG
Childhood Love
Teen FictionMaganda? check. Sexy? check. Talented? check. Mayaman? check. Oh? Almost perfect na noh? Siya lang naman ang oh-so-famous and oh-so-fabulous na si Amber Lee. Sabi nga nila, what she wants, she gets. Pero may isang lalaki na kailan man ay hindi niya...