Childhood 2

237 16 1
                                    


Amber

Dumeretso na agad ako sa classroom pagkatapos namin kumain ni bessy. Magkaiba kami ng classroom dahil magkaiba naman kami ng section, syempre matik na yun. Umupo na ako sa pinaka-huling hilera. Magisa lang ako dito nakaupo. Ang tanging katabi ko lang ay ang bintana. Baket wala akong katabi? Kasi ayoko. Ang papanget nila. Nakakasuka

Ilang minuto lang din ay pumasok na ang teacher namin, si Ma'am Taverner. Ayun, nag-assign lang ng magrereport bawat lesson para 'daw' matuto kami. Sus, if I know tamad lang talaga siyang magturo. Mabuti na lang at mabait ako kung hindi natanggal na 'to.



Uwian na at namiss ko na agad ng sobra ang bahay namin. Katulad ng dating gawi, hinintay ko si bessy dito sa lagi naming tinatambayan na Garden. Ganun talaga kami, kailangan makita muna namin ang isa't isa bago umuwi.

Sampung minuto na ang lumipas pero wala pa rin si bessy. Bakit wala pa rin ang bruha.

Ilang minuto din ang lumipas pero naghintay pa rin ako. Baka kasi may emergency siya at kapag iniwan ko ay magtampo. Pero naisipan ko na ding umuwi nung mahigit kalahating oras na ako naghihintay. Baka naman kasi nakalimutan niya na na naghihintay ako dito. Nakakatampo naman,

"BESSY!! HALA, SORRY!" napalingon ako nang marinig ko ang boses maingay at nakakairitang boses niya. Akala ko nakalimutan na niya ako eh.

"Bakit mo ako pinaghintay ng matagal? Akala ko tuloy nakalimutan mo na ako" pagdradrama ko

"Bessy, im sorry talaga. May pinagkakaguluhan kasi duon sa may canteen akala ko artista kaya nakisiksik ako pero hindi naman pala. Pero worth it pa rin kasi ang gwafuuu nung lalaki!!" ang landi talaga nitong babaeng 'to kahit kailan. Kinikilig kilig pa siya, para tuloy siyang uod na inasinan

"Pero alam mo may kamukha siya, di ko lang matandaan kung sino," sabi niya

"Hayy nako! 'Wag mo na nga yun alalahanin! Tara na't saakin ka na lang sumabay at may ikwekwento ka pa saakin"

"Sige. Text ko lang si manong na wag na siyang pumunta dito"

"Geh"



"Bye bessy!! Salamat sa paghatid!!! Ingat ka sa pagddrive ha?!" 

"Ok! Babuuuush!" sabi ko then nagdrive na ko papunta sa park. Ewan ko ba pero feel ko lang na pumunta sa park


PARK

Bakit ba ako pumunta dito? Ayan tuloy, naaalala ko na naman siya. Dito kasi kami laging tumatambay dati eh. 

FLASHBACK

"Weeeeeehh! Isa pa! Lakasan mo, daliii!"

Sinunod naman niya ang sinabi ko at mas linakasan ang tulak niya kaso dahil sa sobrang lakas, napatalsik din ako.

"Uwaaah! Huhu! Anshakeet!" agad na lumapit saakin si Kevin at tinignan yung sugat ko sa may tuhod at mga gasgas. Ang hapdi hapdiii!

"Uwaaah! Wala na! May Thudat na ako! Huhu! Ni-papanget na ako! Di na ako pretty like daddy told me! Uwaah! Wala ng magpapakathal thaakin! Wala na! Ayoto na!" patuloy lang ako sa pagiyak ng biglang halikan ni Kevin isa-isa yung mga sugat ko. Nakatingin lang ako sakanya at nagtataka. Tumigil na din ako sa pag-iyak. Ano ba ni-gagawa niya? Nang matapos siya ay tinignan niya ako sa mga mata ko at ngumiti. Nyeek? Ang gwapo niya talaga! Kaya ni-crush ko siya eh! Hihi!

"Ayan, gagaling na yan kasi ni-give na kita ng magic kiss ko. Kahit may sugat ka, maganda ka pa rin sa eyes ko. Wag ka mag-worry dahil ni-kakasal tayo when we're grown ups na! Promise mo na ako lang ang groom mo ah? Ikaw lang kasi ang nakikita kong bride ko 'pag laki ko" pinunasan niya ang natitirang luha sa eyes ko. Inilahad niya si Pinky niya kaya agad ko din kinapit si Pinky ko.

"Plamis, ni-kakasal kita" at binigyan ko din siya ng ngiti

END


Di ko napansin na umiiyak na pala ako, namimiss ko na talaga siya. Siya lang ang pinaka-close ko noon dahil binubully ako lagi ng mga bata. Inggit kasi dahil sa mala-dyosa kong ganda.

Patuloy lang ako sa pagaalala ng mga childhood memories ko ng biglang may mag-abot saakin ng panyo. Tumingala ako para tignan kung sino yun. In fairness ah, gwapo ito! Pero teka, siya yung nakabangga saakin kanina, diba?

Nang mapansin niya na hindi ko pa kinukuha yung panyo, siya na mismo ang nagpunas.

"Wag ka ngang umiyak diyan, para kang baliw eh" sabi niya saakin at umupo duon sa tabi kong swing.

"Ano bang problema mo? Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Wow ah, ang FC lang niya. Tinignan ko lang siya. Ano siya, chiks?

"You can trust me" sabi niya,

Pwede nga ba? Eh kakakilala ko palang sakanya

Tumikhim muna ako bago magsimula

"Problema ko? Wala naman. Masyado akong maganda para mamroblema pero alam mo yung nakakabwiset? Yung may mangangako sayo tapos hindi naman nila kayang tuparin? Mukhang tae lang, diba? Padala ako ng padala ng mga letters pero hindi naman siya sumasagot. Siguro nga ganun na lang siya kaimportante saakin para umasa ako hanggang ngayon na babalik siya. Wala eh, namimiss ko kasi talaga siya. Biruin mo, sa ganda kong 'to umaasa ako taong yun" gulong-gulo ang itsura niya pagtingin ko.

"Oh? Wala kang naintindihan no? Sabi na eh, dapat hindi ko na lang sinabi sayo." tinawanan niya lang ako. Ewan ko ba pero ang gaan ng loob ko sakanya


-------------------------------------------------------------------------

Amethyst Park ^^

Childhood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon