Childhood 6:Crush <3

154 11 1
                                    

After class ay napagdesisyunan namin na mag mall para naman makapagbonding kami.

Habang naglalakad kami, all eyes on us! Syempre, sino ba naman ang hindi mapapalingon at mapapatingin sa amin? Sa ganda at gwapo ba naman namin. Head turners kami e! charot.

So, ayun nga naglalakad kami sa mall. Di nga namin alam kung ano uunahin namin e kasi biglaan.

"Ano na? Saan tayo?" -Amethyst

"Sa earth." -Jasper

"hahaha, dami kong tawa, mga tatlo. *sabay irap kay Jasper* I mean, anong una nating pupuntahan. Kasi kanina pa tayo naglalakad dito e. Hellooo? Nakakapagod din po maglakad."

"Uhhmm, nood tayo movie?"-ang napakagandang dyosa on earth, ME.

"Oo nga! ng may magawa naman tayo dito hindi yung puro lakad tayo. Naeexpose yung kagwapuhan ko dito e." psh. Expose expose pang nalalaman si Kevin e. Yabang din. Pero may ipagmamayabang din naman. Gwapo naman siya.

Naglakad na kami papunta sa sinehan at bumili ng ticket and syempre, di mawawala ang pinakamamahal kong.... FOOD :)

Pumasok na kami sa sinehan. And ang napili naming movie ay.... 'The Gifted'!

--fast forward--

Hayy, tapos na yung movie. Maganda naman siya pero nakakaasar lang. Bakit naman ganun si Zoe kay Aica? Paano niya nasisikmurang gawin yun sa kaibigan niya? Para namang wala silang pinagsamahan :( Aish! Tama na nga! Tapos na e!

"Guys, I'm hungry na :'(" nakapout na sabi ng cute kong bff,

"Me too, I want to eat." sabi ko.

"Sige, kain na muna tayo. Gutom na rin ako e. Saan tayo kakain?" -Jasper.

"KFC!"-Kevin

"Shakey's!"-Jasper

"Jollibee!!" sabay na sabi namin ni bessy.

Tumingin naman sila saamin. "bakit??" tanong namin.

"Seryoso?"-Jasper.

"uhmm, oo? Bakit? Ano bang masama?"-bessy

"Hindi bagay sa kagwapuhan ko ang Jollibee."-Kevin

"So ayaw niyo? Kung ayaw niyo edi wag! Parang di kayo nakain sa Jollibee dati. Lumaki lang kayo ayaw niyo na dun... Bahala kayo! Basta dun kami kakain ni bessy." kunwaring galit na sabi ko sabay hila kay bessy papunta sa Jollibee.

Naramdaman ko naman na sumusunod sila saamin ni bessy. Pagpasok namin sa Jollibee my loves, hinarap namin sila. "O? Bakit kayo andito? Akala ko ba hindi bagay ang kagwapuhan niyo dito?" mataray na sabi ni bessy.

"Hehe, ok din naman dito e. Tsaka ang gwapo, kahit saan mo dalhin, GWAPO pa rin ^_^V" sabi nila. tsk. sabi na e, di nila kami matitiis.

Umupo na kami sa table namin. Nagorder naman na ng pagkaen sila bessy at Jasper.

Ilang segundo lang din at bumalik na sila. "CHIBUGAN NAAA!!" masiglang sabi ni Jasper pagkaupo niya. Kumain lang kami habang nagkwekwentuhan.

Nang matapos na kaming kumain, nagpahinga muna kami bago umalis.

"Guys, laro tayo. Truth or Dare. Imbis na bote gamitin natin, tinidor na lang." natawa naman ako sa suggestion ni Kevin pero pumayag naman din kami. Mukhang masaya e.

Pinaikot na ni Kevin yung tinidor at sa kamalasmalasan pa, saakin tumapat...

"So ano? Truth or Dare??" tanong ni Jasper.

"Truth." confident na sagot ko. Bigla naman siyang ngumusi.

"Sinong crush mo?" SERIOUSLY? Ayun ang tanong niya? Pero lahat sila ay titig na titig saakin. Napalunok na lang ako.

"H-ha?"

"Again, sinong crush mo?"

"W-wala." gosh! bakit ba ako nauutal? wala naman talaga e. 'Wala nga ba?' 

"O sige, eto na lang. Sino mas gwapo, Ako ba? o si Kevin?" Aish ! Ano ba namang tanong yan?

"hmm, p-pantay lang naman a?" bigla namang lumaki ang malalaking mata ni Kevin. Parang sinasabi niya na 'Ako piliin mo!' Pero baka isipin kasi nila na crush ko si Kevin pag siya pinili ko e...

"Hindi pwede, dapat isa lang." Sabi ni Jasper.

"Uhm, S-si K-kevin." totoo naman e. Para sa akin, mas maappeal si Kevin kaysa kay Jasper. PERO WALA AKONG CRUSH SAKANYA!

"Ayiiee!" Waahh! Sabi na e! Aasarin ako neto ni bessy!

"PERO WALA AKONG CRUSH SAKANYA!" depensa ko.

"Bakit? May sinabi ba akong crush mo si Kevin?"

"E-e ganun din yun! Pero, sa totoo lang, wala talaga akong crush sakanya. Promise." sabi ko pa with matching taas pa ng kanang kamay.

"Psh, defensive much?" Ay, oo nga no? bakit ba ako nageexplain ng bonggang bongga? Basta, alam ko sa sarili ko na hindi ko siya crush. Bestfriend ko lang yun.

"Next na! Alam ko namang ako ang pipiliin ni Baby Ber e. Kahit sino naman ang tanungin niyo e ganun din ang sagot." mayabang na sabi ni Kevin.

"Tsk. Yabang." bulong ni Jasper pero rinig naman namin. Bulong ba yun?

Di na lang namin siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalaro. Kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao, Go lang ng Go!

Pagkatapos naming maglaro ng kabaliwan, dumeretso na kami sa Tom's World. Request nila Kevin e.

Laro lang sila ng laro habang kami, Cheer lang kami ng cheer sakanila.

 Habang nag checheer kami, hindi ko maiwasang mapatitig kay Kevin. Ang gwapo gwapo niya talaga. Yung ilong niya, ang tangos. Yung mga mata niya na kahit ang laki, ang sarap titigan. Parang sa oras na tumingin ka sa mga mata niya, parang naglue na yung mga mata mo sa kanya. And his lips... his lips are so kissable. Ang pula-pula. Parang nangaakit. Kaya siguro ang daming nagkakandarapang babae sakanya. Lahat ata ng babae ay gusto siya-- PERO HINDI KO SIYA CRUSH NO!!

"Uy! Amber! Are you alright? Tulaley ka kasi e." sabi ni bessy with a worried face.

"H-huh? Ano, Ok lang ako. hehe"

"Are you sure?"

"hehe, yup! hehe, lika na! Go Kevin! Go Jasper! Whooo!!"

Pagkatapos naman nilang maglaro, napagpasyahan na naming umuwi.

Pagkadating ko sa bahay, binati ko lang si daddy atsaka dumeretso sa room ko. Humiga na ako sa kama ko. Nalala ko yung mga pinag-gagawa namin kanina sa mall. It's so fun!

Bigla namang pumasok sa isip ko ang mukha ni Kevin. Kanina pa ako sabi ng sabi na hindi ko crush si Kevin e. Wala nga ba talaga? Pero kung meron man, hindi naman siguro masama diba? Pero nakakatakot lang kapag lumalim yung nararamdaman mo. Sa huli, baka ikaw lang din ang masaktan. Pero... Hayaan na, crush lang naman 'to e. PAGHANGA lang. Tama, hindi naman siguro lalala 'to.

Ok, inuulit ko. INUULIT KO. PAGHANGA LANG ITO, PAGHANGA. P-A-G-H-A-N-G-A!

-

-

-

I Have a Crush on my bestfriend. KEVIN <3

----------------------------------

Ang Crush po ni Amber ----------->

KEVIN <3

Childhood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon