7pm. Let's meet at the park near the school ;)
Napabuntong hininga ako at di na lang pinansin ang text ni Charles saakin. Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa ceiling sa kwarto ko habang nakahiga
Medyo nakokonsensya ako dahil pumayag na akong sumama sakanya pero heto ako't hindi pinapansin ang mga text niya. Pero kasi wala naman talaga akong balak na siputin siya, naka-oo lang naman ako dahil nagtampo ako kay Kevin
Napatingin ako sa cellphone ko nang muli itong nag-vibrate
Hey, are you still going?
Sa huli, napag-desisyunan ko ding mag-reply na lang sakanya,
Sorry, Charles. I think I can't go with you tonight
Sent!
Ngayong nakapag-send na ako g message sakanya, yung project ko naman ang iisipin ko. The Make-Him-Fall Project
Hmm. Ano kaya kung hindi ko na lang siya pansinin ng isang linggo? Para mamiss niya ako?
Dumating ang lunes at may pasok na naman. Ngayong araw na rin na ito ko sisimulan ang plano ko
Pag-pasok ko pa lang sa entrance ng school ay siya na agad ang bumungad sakin
"Amber!"
Jusko... Bakit ang gwapo ba nitong kwagong ito? Mukhang mahihirapan ata ako ah
"Uy!" Tawag niyang muli sakin nang hindi ko siya kibuin
Hindi ko siya pinansin at nilampasan ko lamang siya. Nakita ko sa peripheral vision ko na napabuntong hininga siya at napakamot na lang sa batok
"Ano kaya ang problema nito?" rinig kong bulong niya habang ngumunguso. How can I survive this? He's just so cute that I want to pinch his cheeks and kiss him to death-- pero sadly, kailangan ko munang magtiis dahil para samin din naman ito. Kapag itong lalaking talaga na ito'y na-in love sa beauty ko, pahihirapan ko siya para naman makabawi ako sa hirap ng pagpapa-fall sakanya!
Lihim akong napangiti habang nakasunod lang siya saakin. Nakarating kami sa room ng hindi ko siya kinikibo. Panay pa rin ang pagpapapansin niya pero iniiwasan kong mapatingin sakanya
Hanggang sa natapos ang isang buong araw na hindi ko siya kinakausap. Sa buong araw na rin na yun ay sinubukan niya akong daldalin. Lihim naman akong kinikilig dahil na saakin lang ang buong atensyon niya
Kinabukasan ay ganun pa rin ang nangyari. Nahihirapan na nga ako dahil panay na ang pagpapacute niya saakin pero nagpakatatag lang ako hanggang sa dumating ang ikatlong araw na hindi niya na rin ako kinikibo
Napagod na ba siya sakin? Nagalit ba siya? Ayaw niya na rin ba akong kausapin? Ayaw niya na saakin?
Napakagat na lang ako ng labi habang iniisip ang mga posibilidad na rason kung bakit hindi niya na rin ako pinapansin
"Lalim ng iniisip natin ah" napatingin na lang ako nang may biglang magsalita sa tabi ko. Nandito ako ngayon nakaupo sa isang bench sa school park
"Oh? Why do look disappointed?" nakangisi niyang tanong sakin, "May iba ka bang hinihintay?"
Napailing na lang ako sa tanong ni Jasper
"Me? Disappointed? Why would I? Sa ganda kong ito sino naman ang hihintayin kong kumausap sakin? Kung hindi niya ako papansinin, edi wag!"
"Chill, Amber. I'm just asking" narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya. Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay niyang inuunat ang nakakunot kong noo
"Ayan, ba't ka ba kasi bad trip?" tanong niya sakin. Napailing naman ako at napapout
"Cute"
"Ano?" Tanong ko sakanya nang may ibulong siya
"Wala" natawa siya at umiling din. Nagkwentuhan kami saglit hanggang sa matapos na ang break time namin
Sabay kaming naglalakad pabalik sa room nang makita ko si Kevin na nakatingin samin. Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla niya akong sinamaan ng tingin
Uhm... What?
BINABASA MO ANG
Childhood Love
Teen FictionMaganda? check. Sexy? check. Talented? check. Mayaman? check. Oh? Almost perfect na noh? Siya lang naman ang oh-so-famous and oh-so-fabulous na si Amber Lee. Sabi nga nila, what she wants, she gets. Pero may isang lalaki na kailan man ay hindi niya...