Childhood 11- Bato

104 6 1
                                    

Kevin

"A-a-aray! Ano b- ARAY! ANO BA?! KANINA KA PA AH!"

"Tss. Ang kulet mo kasi eh. Yan tuloy." Pinagpatuloy ko lang ang paggamot kay Ber. Nadapa kasi kanina eh.

"Pwede mo naman kasing dahan-dahanin, diba?! Urgh! This guy!" umirap-irap pa siya. Pfft! Ang cute niyang tignan!

"Oh? Tapos ngayon ngingiti-ngiti ka? Bipolar ka ba? Nakuu! Sabi ko na nga ba! Kaya pala-- ARAY! HUHU!" sinamaan niya ako ng tingin. Ingay kasi eh. "Pasalamat ka mahal kita eh! Hmp!" napatigil naman ako sa paggamot ng sugat niya. A-ang puso ko... Ba't ganito?

Kinakabahan ako. Imposible- Paano?




May sakit ba ako sa puso?

Amber

Oops! Did I just said it out loud? Myghad! Nakakahiya!

Napatingin ako sakanya... Nakatulala lang siya.

Eotteoke? Eotteoke? (What to do)

"U-uhmm, H-hey! Para kang tanga dyan!" sigaw ko sakanya. Tama yan, Amber. Sigawan mo lang siya!

"H-huh? Ay, o-oo." sabi niya at ipinagpatuloy na ang paggamot sa sugat ko. Huhu! Ang makinis kong legs! Nadungisan na! Nakakaasar naman kasi yung batong yun eh! Paharang-harang! Tsk.

Bigla naman may nakunat ng nakakunot kong noo. "Oh, nakakunot na naman iyang noo mo! Wag mo ng sisihin yung bato!" Napapout na lang ako.

"Hmp! Eh kasalanan naman talaga nung bato!"

"Tss, iba ka talaga. Sinisi pa ang bato. tsk tsk. Kawawang bato, tinapakan na nga siya pa ang nasisi." sinamaan ko siya ng tingin. Mas kinakampihan niya pa ang bato?

"Ab--" may sasabihin pa sana ako ng bumukas ang pinto sa Clinic. Oo, nasa clinic ako!

"Bessyyyyyyy! Sinong may gawa niyan sayo? Nasaan?! Dali! Tara na at reresbakan natin!" Amethyst

"Bessy! Huhu! Buti na lang at dumating ka! Yung bato! Yung bato yung may gawa sakin nito!" pagsusumbong ko sakanya. Kumunot ang noo niya.

"Eh? Sinong tanga, yung bato o ikaw? Tss, akala ko pa naman..."sabi niya at umupo na sa may upuan malapit kay Kevin. "Hi Kevin! Ba't ikaw ang gumagawa niyan? May nurse naman dito ah! Gwapo pa!"

"Tss, di ko kayang ipagkatiwala sa mokong na yun si Amber. Mukhang may pagnanasa eh." kunot noo niyang sabi. Napangisi naman ako.

"Hah! Di ka pa nasanay! Iba talaga ang ganda ko!-- Aray!" pinitik niya ang noo ko! Aba! Masakit yun ah!

"Ano ba! Kanina ka pa!" nginitian niya lang ako. O-okay? Kumalma ka muna, Hearty. Alam ko ang gwapo niya pero wag kang ganyan! Easy lang po muna, ah? Maoobvious ako eh!

Tumahimik na lang ako at natapos na siyang gamutin ang sugat ko. Hoy! Hindi lang to basta-basta sugat ah! Malaki siya kaya dapat ko talagang murderin yang batong yan! Dahil sakanya nasugatan ang maganda kong legs! Ang sakit nga eh, Sobraaa! Huhu! Makalakad pa kaya ako ng diretso nito? Parang ang hirap nga eh.

Tumayo na ako at sinubukang maglakad. Huhu! Ang hirap! Napaupo ulit tuloy ako.

"Tignan mo, di tuloy ako makalakad ng dahil sa batong yan!"

"Ikaw naman kasi eh. Ang tigas ng ulo mo. Halika nga" lumapit siya saakin at inalalayan akong maglakad. Ang lapit lapit namin sa isa't isa kaya amoy na amoy ko siya. *sniff sniff! Hmm! Ang bango niya! Bwahaha! Heaven ito! Patuloy lang ako sa pagsinghot sakanya at hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng sasakyan namin.

"Oh, itigil mo na ang pagamoy-amoy saakin at kailangan mo ng umuwi. Magpahinga ka." a-ano? Alam niya? Uwaaa! Nakakahiya!

"A-ano?! Hindi kaya! S-sige na! Uuwi na ako! Bye! Assuming!" pumasok ako sa sasakyan pero rinig na rinig ko pa rin ang malakas niyang tawa! Uwaah! Nakahiya talagaaa!


Childhood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon