AmberIto kaya? hmm, ok pwede naman siya. Kaso hindi! Hindi pwede ang 'pwede na' saakin ngayon! Itinapon ko yung dress. Kailangan ko ng damit na mapapansin talaga niya. Yung makikita niya ako bilang babae. Yung tipong... magugustuhan niya ako.
Patuloy lang ako sa paghahalungkat ng mga damit sa walk in closet ko. Sobrang kalat na nga eh pero hindi pa rin ako makapili.
"Ano ba yan! Kakabili ko pa lang ng mga damit nung nakaraang araw ah? Bakit parang wa-- Ayun!" sa wakas! May nakita na rin ako. Ha! Humanda ka Kevin, tignan natin kung hindi pa lumuwa yang mga mata.
As soon as I entered the academy, nagbulungan na agad sila. Sanay naman na ako diyan pero mas lalong lumakas. Napangisi na lang ako. Lahat sila ay lalong namangha sa kagandahan ko. Lalo tuloy ako na-excite sa magiging reaksyon ni Kevin. Binilisan ko ang pagrampa ko at pumasok sa room with poise!
"Hello Guys!" naagaw ko ang lahat ng attention nila. Syempre, expected na yun. Pero wala akong pakialam sakanila. Isang attention lang naman ang gusto kong makuha eh. At sisiguraduhin kong maa-attract talaga siya saakin. Hinanap ng mga mata ko si Kevin. Pero wala siya. Nasaan na yung kwagong yun?
Napasimangot na lang ako. Tss. Bakit ba wala siya. Urgh! Just smile, Amber. Di dapat mawala ang poise mo! Para tuloy akong timang dito sa harap ng pinto. Todo titig pa rin sila pero nakahinto pa rin ako dito sa tapat. Bw-- !!
"Excuse me, miss" agad akong napalingon nang marinig ko ang pamilyar niyang boses
Kevin
"Excuse me, miss" sabi ko sa babaeng nakaharang sa may pinto. Agad naman siyang napalingon
"A-amber?" napalunok ako ng makita ko siya. B-bakit.. B-bakit ang.. BAKIT ANG IKLI NG SUOT NIYA?! Napalingon ako sa paligid at nakita kong pinagnanasaan na siya ng mga lalaki dito. Agad naman nag-init ang ulo ko. Kahit malapit na magsimula ang klase, hinila ko siya palabas. Hinila ko palayo sa mga manyak! Bakit ba kailangan maging ganto siya kaganda?! May pinagpapagandahan ba siya?! Sino naman yun?
"Hey! H-he-- HEY! Where are we going?!" patuloy pa siya sa pagrereklamo. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paghila sakanya.
"May extra kang damit?" tanong ko sakanya at patuloy pa rin sa paghila
"Oo! Bakit ba kasi?!" dumeretso kami sa locker niya. Tinignan niya lang ako "Ano gagawin natin dito?" Takang tanong niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay
"Kunin mo yung damit mo. Yung MAAYOS" bigla na lang siyang nag-pout at nagsimula ng kunin ang damit niya
"Tss. Hindi pa ba siya na-attract saakin? Tae yan" bulong niya
So ina-attract niya ako? Dahil ba sa sinabi ko nung nakaraan? Pambihirang babae 'to. Hindi niya ba alam kung gaano siya kaganda kahit na ano ang suot niya? Kahit nga ata pagsuotin mo yan ng pambasahan eh magmumukha pa ring 'in' ang suot niya.
Nang makuha niya na ay agad ko yung inagaw at tinignan kung maayos nga talaga yun. Isang fitted jeans at blouse. Pwede na. Hinila ko ulit siya at nagpunta sa may comfort room ng girls. Syempre, sa labas lang ako at naghintay sakanya.
Ilang minuto na ang lumipas at wala pa ring lumalabas na Amber. Ganito ba talaga ang mga babae? Ang tagal--
"AAAAHHHHH! WHAT THE H-- AHHHHH!!!!" agad akong naalarma nang marinig kong sumigaw si Amber. Patakbo na sana ako sa loob pero naalala ko na pambabae pala 'to pero mas pumaibabaw ang pagaalala ko kay Amber
Agad akong pumasok at nakita ko si Amber na nasa gilid ng banyo. Para siyang hindi makagalaw at umiiyak. Para siyang takot na takot. Pagtingin ko sa baba niya ay puro palaka! Bakit naman nagkaroon ng palaka dito?! Lalapitan ko na sana siya ng maalala ko na... Takot din pala ako sa palaka. Nakatingin lang ako kay Amber at nagiisip kung ano ang dapat kong gawin. Pero nung makita ko na nahihirapan na si Amber huminga ay walang ano-ano ay binugaw ko ang mga palaka. Kahit na natatakot ako ay nagawa ko pa rin silang ibugaw! Napapasigaw pa nga ako minsan kapag may tumatalon saakin. Nakakahiya man pero, oo, napasigaw ako. Syete! Sumigaw ako! Nawala ang swag ko!
Nang mapalayo ko yung mga palaka kay Amber ay agad akong lumapit at niyakap siya. Nanginginig siya at hirap na hirap huminga. Hindi na siya makapagsalita. Meron nga palang phobia si Amber sa mga palaka at... Oh shet! May hika nga pala 'tong si Amber! Dali-dali ay hinanap ko ang bag niya at naghalungkat pero hinawakan niya ang kamay ko kahit hirap na hirap. Dahan dahan siyang umiling. Na-gets ko naman ang gusto niyang ipahiwatig kaya agad-agad ko siyang binuhat at dinala sa clinic. May humarang pa nga saaming mga palaka pero agad ko iyong sinipa. Wala na akong panahon para matakot pa sa palaka. Natatakot ako ngayon na baka may mangyaring masama kay Amber.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Emeghed!!! Saan nanggaling ang mga palaka??
Vote and Comment mga 'tol!
BINABASA MO ANG
Childhood Love
Teen FictionMaganda? check. Sexy? check. Talented? check. Mayaman? check. Oh? Almost perfect na noh? Siya lang naman ang oh-so-famous and oh-so-fabulous na si Amber Lee. Sabi nga nila, what she wants, she gets. Pero may isang lalaki na kailan man ay hindi niya...