Kevin
Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha. Hindi mawala sa isip ko ang natatakot at nahihirapang mukha ni Amber.
Takot.
Nakaramdam ako ng takot. Takot na ba baka mawala saakin si Amber. Hindi ko ata kakayanin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may masamang nangyari sakanya. Masyado siyang mahalaga saakin
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapanatag kahit na sinabi na sakin ng nurse na ayos na siya. Hangga't hindi pa rin siya nagigising ay patuloy pa rin akong magaalala. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino ang may gawa nun. Imposibleng nakapasok lang iyon doon ng ganun karami.
Agad akong nakaramdam ng galit sa taong may gawa nito sakanya. Sisiguraduihin kong magdudusa siya. Pagsisisihan niya ang ginawa niyang ito. Ano bang problema niya at ginawa niya ito kay Amber? May pagka-baliw man si Amber ay mabait pa rin siyang tao
"K-kevin..." naputol lamang ako sa pagiisip nang marinig ko ang mahinang pagtawag niya sa pangalan ko. Agad ko naman siyang nilingon at lumapit sakanya
"May masakit ba sayo? Nahihirapan ka bang huminga? Gusto mo ng tubig? Ano?" sunod-sunod na tanong ko sakanya. Agad naman siyang umiling
"Ayos na ako" sabi niya at pinilit makatayo. Agad ko naman siyang pinigilan at sinabing magpahinga na muna
"Urgh! Di ba pwedeng sa bahay na lang?" tanong niya pa saakin.
"Oo, iuuwi din kita pero magpahinga ka lang muna diyan saglit dahil kagigising mo pa lang" napapout na lang siya sa sinabi ko. Hay nako Amber, tigil-tigilan mo ako sa kakaganyan mo at baka may magawa akong hindi mo inaasahan
Amber
Agad akong nagpasalamat nang maihatid ako ni Kevin sa bahay. Pagkaalis na pagkaalis niya ay dun ko pinakawalan ang isang impit na tili na kanina ko pa pinipigilan. Kinikilig ako. Kinikilig ako!! Inalagaan niya ako kanina at nakita ko kung gaano siya mag-alala para saakin. Kahit na alam kong pagaaalala lang iyun para sa kaibigan ay kinikilig pa rin ako. Wala eh, malakas ang tama ko.
Pagpasok ko sa bahay ay nagtaka ang mga katulong kung bakit maaga akong umuwi. Sinabi ko na lang sakanila na may masamang nangyari dahil tinatamad akong magkwento. Gusto ko ng magpahinga kaya naman pagpasok na pagpasok ko pa lang sa kwarto ko ay diretso higa na agad ako at natulog. Pero bago pa man ako makaidlip, tumunog bigla ang phone ko. Tamad ko iyong inabot at sinagot ng hindi tinitignan kung sino yun. Nanatili akong nakapikit.
"Hello?" inaantok kong sabi sa kabilang linya
"Hello?" pagtatanong ko uli nang hindi siya magsalita. Aba, ano 'to? Lokohan? Tatawag-tawag siya dyan at inistorbo ang sana'y beauty rest ko tapos di siya sasagot diyan?
Ibababa ko na sana ang tawag nang marinig ko ang boses niya
"Die, bitch.."
Ibinaba niya ang tawag pagkatapos nun. Anong ibig sabihin niya? Tinignan ko ang phone ko para sana makita kung sino iyon pero Unknown number pala ito. Grabe lang ah, nakakatakot yung boses niya. Punong puno ng galit. Ano ba ginawa ko sakanya? Sa pagkakatanda ko naman ay wala akong kaaway dahil ang dyosang tulad ko ay mababait. Gusto niya akong mamatay? Wala namang ganyanan, nagiisa na nga lang akong maganda dito tapos aalisin niya pa? Eh paano na lang ang mundo kung ganun?
Nagulat ako nang biglang magring na naman ang phone ko. Dali-dali ko iyong sinagot
"Ya! Sino ka ba?! Sa tingin mo ba natatakot ako sayo? Hindi! Wal-- Ah! Oo na nga! Sige na! Natatakot ako sayo! At anong sabi mo? Die, BITCH?! BITCH?! Seriously?! Excuse me! Dyosa ako at hindi tulad mo! Wag mo na akong tatawagan muli at lalong lalo na--" nagtaka ako ng patuloy pa rin sa pagtunog ang phone ko kaya agad ko iyong tinignan at napa-face palm na lamang. Nakakahiya! Alarm lang pala yun! Kahit na walang nakakita ay hiyang-hiya pa rin ako
Nagpagulong-gulong na lamang ako sa kwarto. I kennot! Napatigil lamang ako nang may marinig akong katok sa pinto. Mula doon ay nakasilip ang ulo ni manang
"Mam, okay lang po ba kayo?" nagaalalang tanong niya
"O-opo, manang" sabi ko. Nang makaalis na siya ay muli akong nagpagulong gulong hanggang sa mapagod ako at makatulog
BINABASA MO ANG
Childhood Love
Teen FictionMaganda? check. Sexy? check. Talented? check. Mayaman? check. Oh? Almost perfect na noh? Siya lang naman ang oh-so-famous and oh-so-fabulous na si Amber Lee. Sabi nga nila, what she wants, she gets. Pero may isang lalaki na kailan man ay hindi niya...