𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 16

7 4 0
                                    

Hanggang sa nabulunan si Azrael kaya naman tawa ng tawa si Sophia sa kanya.

"Wag ka ngang tumawa, saad ni Azrael.

"Sorry naman ikaw kasi e HAHAHA, saad ni Sophia.

Sabay kumuha ng pera siya sa bulsa ni Azrael.

"Te-teka ano ginagawa mo, saad ni Azrael.

"Bibili ako ng panulak wait ka lang dyan, saad ni Sophia.

saka bumili na nga siya ng inumin nila Maya maya lang ay nakabili na siya kaya naman bumalik na siya sa pwenestohan nila ni Azrael.

"Oh ayan uminom ka na masyado ka kasing matakaw, pabirong sambit ni Sophia.

Saka uminom na nga si Azrael.

"Salamat anyway tara iuuwi na kita baka hinahanap ka na sa inyo, saad ni Azrael.

"Okay, nasambit na lamang ni Sophia.

Saka umuwi na nga sila, nang malapit na sila sa bahay nila Sophia ay na kita nilang nasa labas ang mama niya kasama sila Klent.

"Ma ano pong ginagawa niyo dito sa labas mahamog na, saad ni Sophia.

"Hinihintay kita saan ka ba naman kasi galing tsaka sino yang kasama mo, saad ni Mrs. Madrigal.

"Ahm.... Kaibigan ko nga po pala si Azrael heheh, saad ni Sophia

"Kaibigan? Teka ikaw ba yung tumulong sa amin nung lamay ng lola ni klent, saad ni Mrs. Madrigal.

"Magandang gabi po, ah opo ako nga po yun pasensya na po kayo hindi ko po pinaalam sainyo ang anak niyo niyaya ko po kasi siya lumabas ng ganitong oras, saad ni Azrael.

"Sabi ko na nga ba ikaw yung gwapong lalaki na yun, naku ayos lang mukha naman mapagkakatiwalaan ka e, saad ni Mrs. Madrigal.

Napangiti naman ito sa sinambit ng mama ni Sophia.

"Oh siya mabuti pa magsiuwi na kayo't gabi na Sophia anak halika na magpahinga tayo, saad ni Mrs. Madrigal.

"Pati ikaw klent magpahinga ka na rin maaga pa kayo bukas, saad pa nito.

"Sige po tita goodnight po, saad ni Klent.

Saka pumasok na nga sa loob sila Sophia at nagpahinga.

Samantala nagpaalam na sila Thana kay Klent.

"Pano ba yan bukas na lang ulit magpahinga ka na ah, saad ni Thana.

"Sige ingat kayo see you tomorrow Thana, saad ni Klent.

Saka nagyakapan silang dalawa pagkatapos ay nagpaalam na rin siya kay Azrael.

Papasok na sana si klent sa bahay niya ng tawagin siya ni Thana.

"Ahm klent sandali, saad ni Thana.

"Bakit? May nakalimutan ka ba? Saad ni Klent.

Sabay kiniss siya sa labi ni Thana pagtapos ay naglaho na ito kasama si Azrael, samantala napangiti naman si klent sa ginawa ng dalaga saka pumasok na nga siya sa bahay niya.

Sa Underworld:

Nang makabalik na sila sa underworld ay nakita naman sila ni Hel.

"Azrael, saad ni Hel.

"Bakit may kailangan ka ba? Tanong ni Azrael.

"Ano ang misyon mo? Saad ni Hel.

"Bantayan ang Missing Soul hanggang sa dumating ang araw na maihatid ko siya sa kabilang buhay, saad ni Azrael.

"Exactly ganyan dapat ang ginagawa mo dahil yan ang misyon mo, saad ni Hel.

"Yun naman ang ginagawa ko ah, saad ni Azrael.

"Itigil mo ang pakikipagdate kay Sophia bantayan at protektahan mo lang siya yun lang! Inis na sambit ni Hel.

Saka umalis na ito.

"Anong nangyari dun? Saad ni Azrael.

"Hayaan mo na siya ganun lang talagang yun, saad ni Thana.

"Sir?! Gulat na sambit nila Thana."

"Sumunod ka sakin Thana may pag uusapan tayo, saad ni Hades.

At ganun na nga ginawa nito sumunod na nga siya sa pinakanamumuno sa kanila.

"Ano pong pag uusapan natin, saad ni Thana.

"Tumitibay na ulit ang mga sinulid na nakatali sa inyo ni Klent dahil sa sobrang pagmamahal niyo sa isa't isa, Saad ni Hades.

"Ano pong ibig sabihin nun? Tanong ni Thana.

"Ibig sabihin hindi na kayo pwedeng maghiwalay pa sa isa't isa dahil kapag nangyari yun kusang mapuputol ang tali at kapahamakan ang kapalit nun para sa lalaking mahal mo, pagpapaliwanag ni Hades.

"Hindi na ba pwedeng baguhin yun? Tanong ni Thana.

"Tanging mga puso niyo lang ang magdedekta kung babaguhin ba ito o hindi, saad ni Hades.

"Sige na makakaalis ka na, saad ni Hades.

Saka umalis na nga si Thana.

"Thana anong pinag usapan niyo ni King Hades, saad ni Azrael.

"Wala amin na lang yun sige na magpapahinga na ako, saad ni Thana

Saka umalis na nga ito at ganun din naman si Azrael.

Kinabukasan:

Maagang nagising si Sophia at nagasikaso dahil ngayon ang araw ng exam nila paglabas niya ng bahay ay nagulat siya sapagkat nakatayo sa harap ng bahay nila si Azrael habang nakasandal ito sa kotse niya.

"Azrael?! Gulat na sambit ni Sophia.

"Hi Sophia let's go na, saad ni Klent habang nasa loob siya ng kotse ni Azrael.

"Halika na ihahatid ko na kayo baka malate pa kayo sa exam niyo, saad ni Azrael.

Saka sumakay na nga sila sa kotse ni azrael at sa harap siya umupo.

Sa loob ng kotse:

Habang nagmamaneho si Azrael ay bigla naman nagtanong sa kanya si Sophia.

"BTW Azrael tanong ko lang bakit mo nga ba ako binuhay noon?, Tanong ni Sophia.

"Bakit naman bigla mong naitanong yan, saad ni Azrael.

"Wala lang curious lang ako, saad ni Sophia.

"Alam mo ako din na cucurious din ako dun bakit nga ba Azrael? Anong rason mo, sabay naman ni Klent.

"Hindi ko rin alam e, saad ni Azrael.

"Huh? Pwede ba naman yun oh sige ganito na lang assignment ko yan sayo ha take your time gusto ko sa susunod na itanong ko ulit sayo yan may sagot ka na ha, saad ni Sophia.

Napatango naman si Azrael.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa ekswelahan.

"Salamat sa paghatid samin ha, saad ni Sophia.

"Walang anuman, saad ni Azrael.

"Hanggang sa nakita sila ng mga kaibigan ni Sophia kaya naman nilapitan sila nito.

"Sissy wow impernes hinatid siya ni Mr. Handsome heheh, saad ni Beverly.

Napangiti na lang ito.

"Ahm sino yang magandang babaeng kasama niyo, saad ni Janine.

"Ako si Thana isa akong Grim Reaper, sabat ni Thana.

"Huh? Grim Reaper? Takang sambit nila Beverly.

"Luh nakadrugs ka ba miss?, saad naman ni Bille.

"Ah pasensya na mali lang kayo ng dinig ibig niyang sabihin Girlfriend, girlfriend ko siya, saad ni Klent.

The Missing Soul(Exo Chanyeol)Completed✔Where stories live. Discover now