Lumipas ang buong maghapon nila Sophia ay uwian na nila, pare pareho lang ang lugar ng dadaan nila pauwi kaya naman nagsabay sabay na sila.
Habang naglalabasan ang mga estudyante ay nag aabang naman sa labas ng school si Azrael.
"Hay nasaan na ba yun? tagal naman nun lumabas, saad ni Azrael.
"Sino ba kasing hinihintay mo, biglang sulpot ni Thana.
"Ano ka ba thana nakakagulat ka, anong ginagawa mo dito sinusundan mo ba ako, saad ni Azrael..
"Assuming ka bakit naman kita susundan, saad ni Thana.
hanggang sa lumabas na ng school si Sophia kasama sila Klent.
"Ah kaya pala hinihintay mo si klent ano, saad ni Azrael.
Hindi siya kinibo ni Thana.
"Alam mo Thana kung ako sayo magpapakita nako sa kanya para di na ako nagmumukhang tanga. kakasulyap sa kanya ng palihim, Pang asar ni Azrael.
Sabay tinignan naman siya ng masama nito hanggang sa sasakalin na sana siya ng bigla siyang naglaho.
"Hay bwesit ka talaga Azrael sakit mo sa ulo, inis na sambit ni Thana.
saka naglaho na lang din si Thana.
Samantala sinundan na ni Azrael si Sophia.
Naunang nakauwi sila Janine, Xander at Beverly dahil mas malapit ang mga Bahay nila, mga ilang Kilometrong lakad lang ay makakarating na sila sa kani kanilang mga bahay samantala si Billie ay mas naunang nakauwi sa kanila dahil naka kotse ito at sila Sophia at Klent naman ay naglalakad pa rin pauwi.
Habang naglalakad silang dalawa ay patingin tingin si Sophia sa likod niya.
"Sophia bakit okay ka lang ba, saad ni Klent.
"Ha ah oo, para kasing may sumusunod satin, saad ni Sophia.
"Sumusunod? wala naman ah, saad ni Klent.
"Nevermind wag mo na lang pansinin ang sinabi ko, saad ni Sophia.
saka nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa biglang nagpakita sa kanila si Azrael.
"Hi Sophia kamusta ka? Long time no see ha, saad ni Azrael.
"Ikaw?! gulat na sambit ni Sophia.
"Grabe muntik na kitang hindi makilala nawala na kasi yung buhok mo sa noo mo, mukhang nagpa new hairstyle ka, saad ni Azrael.
"Huh? Buhok sa noo? hayyy Bangs kasi yun haystt di ba uso sa inyo ang bangs, ang taray na sambit ni Sophia.
"Wala kong pakialam kung anong tawag dun, alam mo nagbago nga itsura mo pero yung ugali mo ganun pa din masungit ka pa rin,pabirong saad ni Azrael.
"Wala kang pake, Taray na sambit ni Sophia.
"Teka Grim Reaper ka di ba? kundi ako nagkakamali, saad ni Klent.
"Mismo Klent, saad ni Azrael.
"Wait Klent naniniwala ka sa Grim Reaper? saad ni Sophia.
"Oo meron akong kakilalang Grim reaper kaso matagal na siyang di nagpapakita sakin, saad ni Klent.
"Si Thana tinutukoy mo ano, saad ni Azrael.
"Oo siya nga kamusta na ba siya? nagkikita ba kayong dalawa, saad ni Klent.
"Sa tingin ko hindi siya okay at sa tingin ko namimiss ka na nun, ahm minsan nagkikita kami, saad ni Azrael.
"Ganun ba? pwede bang pag nagkita ulit kayo paki sabi naman sa kanya na magpakita na siya ulit sakin sobrang namimiss ko na siya e, saad ni Klent.
"Gustuhin ko man mahihirapan akong kumbinsihin siya, saad ni Azrael.
sabay nalungkot naman si Klent.
"Pero hayaan mo susubukan kong kausapin siya, saad ni Azrael.
"Talaga? maraming salamat ha, saad ni Klent.
"Teka sino ba yung Thana? saad ni Sophia.
"Siya lang naman ang kaisa isang babaeng minahal ko, saad ni Klent.
napatango naman si Sophia.
"Anyway bakit ka nga nandito Azrael ano na naman kailangan mo, saad ni Sophia.
"Tinutuloy ko lang ang Misyon ko, saad ni Azrael.
"Hay ewan dyan ka na nga, saad ni Sophia.
saka umalis na sila ni Klent.
Di nagtagal ay nakauwi na sila sa kani kanilang mga bahay.
Sa Bahay nila Sophia:
"Mama, Papa nandito na po ako, saad ni Sophia.
"Oh anak mabuti naman ang nakauwi ka na, saad ni Mrs. Madrigal.
"Nag Miryenda ka na ba anak? mabuti pa mag bihis ka na naghanda ng miryenda ang mama mo, saad ni Mr. Madrigal.
Tumango naman si Sophia maya maya lang nakapagpalit na siya ng damit kaya naman nag miryenda na siya.
habang kumakain siya ay napansin niya na umuubo ang papa niya.
"Pa ayos lang po kayo? bakit kaya dipo kayo magpacheck para kasing hindi na normal na ubo yan e, saad ni Sophia.
"Ayos lang ako anak wag mo na akong alalahanin, saad ni Mr. Madrigal.
"Paano po ako di mag aalala parang pinapabayaan mo po ang health mo e, saad ni Sophia.
sabay nilapitan siya ng papa niya.
"Ikaw talaga anak napaka maalalahanin mo kaya love na love kita e, saad ni Mr. Madrigal.
"Love na love ko rin po kayo, saad ni Sophia.
saka nag ngitian sila.
"Hay paano napakatigas ng ulo ng tatay mong yan, ilang beses ko ng sinasabihan na itigil na ang kaka sigarilyo pero ayan hindi talaga nakikinig sakin, saad ni Mrs. Madrigal.
"Papa wag pong matigas ang ulo wala pong masama sa sinasabi ni mama para din po sa inyo yan, saad ni Sophia.
"Hay naku dalawa na ang nanenermon saken, pabirong sambit ni Mr. Madrigal.
"Kung ganap na doctor na po ako baka araw araw ko kayong mapagalitan sa kakasigarilyo niyo hindi po kaya maganda sa health yan, saad ni Sophia.
"Nakita mo na Med student pa lang yan anak natin e napagsasabihan kana pano pa kaya pag ganap na doctor na yan, saad ni Mrs. Madrigal.
sabay napatawa naman sila Sophia hanggang sa biglang nahirapan makahinga ang papa niya.
"Pa ano pong nangyayari sayo, pag aalala ni Sophia.
"Ma!! hindi makahinga si papa!, sigaw ni Sophia.
"Naku mahal halika ka na dalhin na natin sa hospital ang papa mo, saad ni Sophia.
saka nagdali dali silang umalis paglabas nila ay saktong nasa labas si Klent at nakita naman sila kaya nilapitan sila nito.
"Sophia anong nangyari kay Mr. Ramon, saad ni Klent.
"Hindi makahinga si papa e kailangan na namin siyang dalhin sa hospital, saad ni Sophia.
"Teka samahan ko na kayo tatawag lang ako ng taxi, saad ni Klent.
saka tumawag na nga ito ng taxi, maya maya lang ay nakatawag na siya kaya naman isinakay na nila ito ito at saka nagpunta na sila sa hospital.
YOU ARE READING
The Missing Soul(Exo Chanyeol)Completed✔
FantasiSi Sophia ay namatay noong ipinanganak siya at kapalit ng buhay ng kanyang ina ay nabigyan siya ng pagkakataong mabuhay muli. Until she meets Azrael the grim reaper who fulfills the second life her mother asked for, but that life is not forever beca...