"Imposibleng magkaron ako ng kapatid!" Imposible naman talaga ko nagkaroon ng kapatid pa dahil pagkapanganak samin ng mortal naming nanay ay namatay sya. Kaya nga't hindi sya kasama ng Daddy ko.
"Well, well... how sure are you?" Nakangisi pa sya. Nginisian ko lang rin sya. Alam ko namang nagsisinungaling sya eh, alam ko kaya lahat.
"Sure na sure. Kasing sure ng pagkatalo mo!" Nag-ikutan naman kami, hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanan netong babaeng to pero ang alam ko lang ay madumi syang maglaro.
"My, my.... baka nakakalimutan mong hawak ko ang lahat ng meron ka?" Hawak nya nga pala si Fille, si Skye, at yung si Pierre.
"Excuse me, pero hindi mo hawak ang buong mundo." Tinaasan ko sya ng kilay. Huminto sya sa pag galaw at isang pentagon ang lumabas. Si Skye at si Fille! Hawak sila ng nilalang na hindi ko mawari kung ano.
"Fille! Skye!" Mukang nagising naman sila. "Anju." Mahinang wika ni Fille.
Lumapit si Clarisse sa kanilang dalawa, may hawak itong dagger, pero hindi lang basta dagger. Isa yung dagger na kapag nasugatan ka ay papatayin ka sa pinakamasakit na paraan at dahan dahan pa. Ang Pandemonia.
"Kung ganon maari ko na palang patayin ang dalawang ito." susugatan na sana nya si Fille pero sinalag ko iyon.
"Ano ba talagang gusto mo!?" Inatake nya ko pero umatras lang ako.
Tumawa sya na parang pang mental hospital. "Lahat ng mayroon ka. Umpisahan natin sa Index..." Inaasahan ko na ang sagot nya. Ang index tapos papagirapan nya ko at papatayin unti unti.
"Okay.... pero pakawalan mo muna si Fille o kaya si Skye." napaasim yung mukha ko. Si Pierre bga din pala. "O kaya si Pierre." ngumisi ito.
Namalayan ko nalang na may bumagsak sa may likuran ko. Si Pierre na naka duct tape ang kamay, paa, at may busal pa. Maraming sugat ang katawan nyang kulay violet na nga ata ang skintone. Naawa tuloy ako.
"Simulan mo na." tinignan ko muna sya ng masama bago ko sinimulan ang retual.
"Datios" unti-unting lumipat sakanya ang mga rune na nakatattoo sa likod ko.
Isang tawang pang baliw nanaman yung pinakawalan nya, feeling ko nag ojt sya sa Mental dati, hindi bilang nurse or doctor pero bilang pasyente.
Tinanggal ko naman yung mga duct tape kay Pierre na halos di ko na alam kung san hahawakan dahil puro pasa. buti sa mukha konting gasgas lang, sayang din kasi ka-pogian nya pag nagkataon.
At dahil nga naawa ako sakanya, pinagaling ko na den sya. Mga ilang segundo nagising na sya.
"Where am I?" Ka loka! Inglespekenen ang lolo mo? " Basta. Hide. Magpakalayo ka dito. Dun ka sa west gate lumabas, nandun na ang lahat okay? Wag ka nang magtanong pa, sundin mo nalang ako." nginitian ko sya ng pagkatamis tamis. Huling pagkikita nanaman namin ito eh.
Tumingin muna sya sa paligid tapos ay umalis na.
"Hey, alam ko nang susunod mong gagawin kaya bilis na." lumingon sakin si Clarisse at nginisian ako, pawang nag isip pa muna sya ng gagawin nya. Pero isang matinding hampas sa likod ang bumulaga sakin. Parang nabali na nabalatan yung likod ko.
"Ramdam mo na ba?" Tumawa nanaman sya ng pang mental hospital. Namimilipit parin ako sa sakit.
"Anju!" Sigaw ni Fille yun. Dahil dun natuon ang atensyon nj Clarisse sakanya. Ibang weapon naman ang inalabas nito. Ang Thana naman sanpagkakataon na to.
Pinilit kong tumayo dahil alam kong i-tetesting nya din yun kay Fille. Nasalag ko yung atake nya kaso lang dinaplisan ako. Napapikit nalang ako ng madiin.
"Ikaw! Talagang nakakainis ka!" At gaya nga ng ina-anticipate ko. Tinesting sakin ni Clarisse lahat ng weapon. Hindi na ko makagalaw dahil mata ko nalang yata walang sugat. Hiniheal ko naman yung katawan ko kaso nauubusan na rin ako ng lakas. Marami kayang weapon ang nakalagay sa Index.
BINABASA MO ANG
Selfeide Academy II: Another Life RAW
Roman pour AdolescentsLahat po ng author's note dito ay OUT DATED, Just ignore it.
