Chapter twenty-seven: Departing, Promises, and kisses
Anju's POV
Dala ng sobrang pagkahilo ko kagabi dahil dun sa sumpa, nakatulog ako ng hindi ko alam. Ang gulo-gulo talaga!
Napabangon ako ng kama ng ma-realize ko na ngayon nga pala ang punta ko sa Scarlann University. Base sa impormasyon na nakalap ko, hindi katulad ng Selfeide Academy ang Scarlann University. Ang Selfeide Academy kasi ay puro mage and wizards lang ang nakakapag-aral, sa Scarlann naman ay mixed pero syempre mas mataas parin ang tingin nila sa mga wizards. Ang sistema kasi ditto ay parang Caste. Pag Royal blood na mage ka, sobrang taas ng tingin sayo ng mga nilalang. Nakakainis yun kasi yung iba ay umaabuso na, masyadong nagiging arogante eh titulo lang naman yun. As if namang may nagawa silang mahusay bagay na naka ambag sa mundo diba?
"ANJUUU!! GISING KANA DAW!" Sigaw ni Shio. I felt disappointed. Nasanay nakong si Gabe yung gumigising sakin tuwing umaga. Hindi ko naman sya masisisi. Actually hindi naman ramdam ng katawan ko yung epekto ng sumpa, yun nga lang humina yung resistensya ko dahil gumamit ako ng excessive magic.
Yung epekto kasi ng sumpa ay tuwing maglalapit kami-lalo na kung may skin contact, maaaring mahilo o kung ano pa mang sakit ng katawan ang mararamdaman ko. Yun ay kung gumamit ako ng madaming magic, pero kung wala naman masyado, di ko ramdam.
"OO! GISING NA NGA!!" sigaw ko. Mayamaya may mga galabog at boses akong narinig. Bumukas yung pinto, niluwa nun yung two musketeers namely Mikielo and Shio with Toshi the tuod number 2. Base kasi sa obserbasyon ko, Rank 1 ay si Ran-Poor Ane, Rank 3 ay si Gabe/Fille at obviously si Toshi yung 2.
"problema nyo? Bat ganyan suot nyo? Nasan si Gabriel?" naka suot kasi sila ng pang rockstar tas naka shades pa eh ang dilim-dilim ditto sa kwarto ko. Muka silang rockstar na bulag.
"UYY~ hinahanap si Gabriel~ yung totoo, maynamamagitan na ba?" Nagbulungan pa ang mga abno na to. Para silang bulag na nagchichismisan, with matching acting pa na parang mga babae sa kanto. May pahampas effect pa.
" Hindi ka binasted?" sinamaan ko nalang ng tingin si Mikielo.
"Nagluluto na sya ng breakfast sa baba. He insisted cooking your breakfast. Siguro puro damo yung ihahain sayo nun." Si Toshi lang yung matinong kausap sa kanilang tatlo. Pero shemay na shomai! Kendra is it real? Is it real? He insisted on cooking my breakfast?! WAHHH! Bibitayin na ba ko? Nauna na yung puso kong mamatay eh! Patay na patay kay Fille. Boom corny :3 pag umaga talaga kung ano ano naiisip ko.
"Si Joker kaba?" tanong ni Shio?
"Si Anju ako." Basag!
"Ay! Porket pinagluto ng breakfast ni Gabriella, nang wawarak na ng pick-up line?!" Gabriella? Si Gabe? mga loko talaga to!
"tse-"
"nelilyn! Sipot na nga tayo baka maging psychotic pa si Joker sa sobrang tuwa. You'll never know pa naman. She is so hindi mabasa. Nakaka nose blood din pala yung kahit konting English no?" Hay! Aywan! Mga abnormal! Lumayas na sila sa kwarto ko. Yung dalawang yun talaga sobrang magkasundo, magkakabit yung kaluluwa nila yata.
Bat naman kaya Joker yung tawag ng mga abnong yun sakin? Hindi naman ako nag patawa ah.
Bumangon na ko bago pa ko tamarin ulit at mag extend ng tulog.
Makaligo na nga muna.
Mamaya nako mag-eempake ng mga gamit tutal may dalawang oras pa naman bago ako sunduin nung susundo sakin.
**
"JUNOOOOOOO!" sa gulat ko at naibato ko yung mga damit na ilalagay ko sa maleta.
"Ano ba? Makasigaw lang? me ano?" sabi ko kay Shio. Teka sinong nagbigay ng karapatan na tawagin nya kong Juno?
BINABASA MO ANG
Selfeide Academy II: Another Life RAW
TeenfikceLahat po ng author's note dito ay OUT DATED, Just ignore it.
