p.s. wala akong alam sa soccer.. haha kaya magulo.. whahaha..
boring ako magsulat pag tungkol sa sports. -__- lels :3
CHAPTER TEN.2
Third person's POV
Pumito na ang referee hudyat para magsimula ang laban. Ang grupo nila Santhe ang may hawak ng bola. Mahigpit ang laban ng dalawang kopunan, tho talo ang grupo nila Santhe pagdating sa pangangatawan eh maliligsi naman silang kumilos.
Si Elle ang nagdadala nang bola, medyo nahihirapan sya dahil ang higpit ng bantay ni Ran sakanya. Nakita nya si Oen kaya pinasa nya yun bola pero nakuha naman yun ni Luigi.
"oops." nakangiting sabi ni Luigi kay Oen.
Napula tuloy ung muka nya.
"Oen, FOCUS!!" sigaw ni Santhe na nasa malayo.
"Sorry." hinging paumanhin ni Oen.
patuloy ang pag takbo nila, malapit na ang bola sa goal at makakapuntos na sila Luigi.
Pero naagaw naman ni Santhe yung bola kay Luigi.
"Whaa-" gulat ang reaksyon ng binata kasi kanikanina lang nasa kabilang dulo pa si Santhe.
"WHOOOOOO!" cheer ng mga kaibigan ni Santhe. Mabilis na tumatakbo ngayon si Santhe, pinasa nya yung bola kay Nathalie na malapit sa Goal, Na goal keeper naman ay si Timothy...
Kaya sinadya ni Nathalie na itodo ang sipa sa bola.
Nasalo naman ni Timothy kaso sadyang malakas yung pwersa kaya pumasok paden.
"YES!!" sigaw ni Santhe.
Napa-smirk manam si Nat kay Timothy na kasalukuyang chine-check kung may nabali ba syang buto. Sa lakas kasi ng impact eh feeling nya nakalas yung buto nya eh.
"Amazona." bulong ni Timothy sa hangin habang naka nguso.
"Lampa." bulong din ni Nat.
"Anong sabi mo?" tumaas ang kilay ni Timothy sa sinabi ng dalaga.
"Sabi ko ang galing mong sumalo."
"Are you mocking me?" tanong ng binata na naasar na dahil feeling nya na-hurt yung ego nya.
"Am I?" nginisian lang sya ng dalaga.
Pumito naman yung referee dahil nanghingi ng time out yung grupo nila Timothy.
"Guys!!!" napalingon sila dun sa babaeng tumatakbo papunta sa kanila..
Nalukot naman yung muka ni Pierre dahil nandyan nanaman si Astrid.
"whats up?" nakangiting tanong ni Astrid.
"soccer." Ray
"oww may i join?" tanong ni Astrid.
"ah? hindi ata pwede eh, hindi ka naman namin ka block mate." sabi ni Ray
"Well, I am." astrid
"ah.. okay paalam ka muna sa referee" sabi ni Timothy.
"okay." lumapit sya dun sa referee. Ginamitan nya to ng mind minipulation kaya madali nya itong napasunod. Bumalik na sya kila Timothy.
"Im in" sabi ng dalaga. Nagtanggal sila ng isang tao kasi sobra na.
BINABASA MO ANG
Selfeide Academy II: Another Life RAW
Genç KurguLahat po ng author's note dito ay OUT DATED, Just ignore it.
