Chapter thirteen: She's back!!
[Thrid person's point of view]
1 year after Santhe's accident.........
Abalang abala ang lahat para sa isa sa pinaka malaking event ng Vladd Intergrated school. Ang ika-isandaang taon nito.
"Mas maganda yung Red!" - pagtatalon ni Nathalie at Timothy.
"Hindi Blue nga sabi eh!!". kanina pa sila nagtatalo kung anong kulay dapat ang ilagay sa theme ng Ball room na gagamitin.
"Hep! hep! hep! tumigil muna kayo! mabuti pa magbotohan nalang tayo kung anong kulay ang pipiliing theme." sabi Oen. Sya kasi ang nagsisilbing referree pag may nag tatalo gaya nalang nito.
Ang Kings plus Astrid kasi ang na-asign tumulong sa section 1 dahil may kalokohan nanaman silang nagawa.
"Psh! Green nalang kaya! malamig pa sa mata!" sabi naman ni Luigi na may hawak na crepe paper.
"Hoy! wag ka na ngang makisali dadagdag kapa eh!" saway ni Ane
"paki mo ba?" pagsusungit ni Luigi.
"Epal ka!" ganti ni Ane
"Ooops!! mga bata tama na yan!" sawsaw naman ni Ray.
"Hoy! matanda na ko!" sabay na sagot ni Ane at Luigi.
"Okay! okay! kalma lang" tinaas pa niya ang kamay nya na parang sumusuko.
"So shall we start the the voting instead of arguing?" sabi ni Ran na kanina pa nananahimik at nag babasa lang ng libro sa gilid. Kumbaga wala syang itinutulong.
"Pa-english-english ka pa jan eh wala ka namang naitutulong!" padabog na bulong ni Elle na kanina pa masama ang tingin kay Ran.
"I heard that." kalmado pero naiinis na sabi ni Ran.
"So?" sabay irap ni Elle.
"So? ako lang ba? Sila Pierre din kaya." umirap din si Ran.
Oo nga naman, si Astrid at si Pierre ay naglalandian lang dun sa sulok. Kanina pa ito nag-susubuan ng hindi maubos-ubos na tsitsirya.
"So gagaya ka pa sa mga higad na yun?" tumaas na ang kilay ni Elle.
Nagtinginan sila ng masama.
Biglang may pumasok sa pinto ng Ballroom nakuha naman nun ang atensyon nilang lahat pati sila Pierre na nagsusubuan ng hindi maubosubos na tsitsirya.
Isang lalaking mukang executive ang pumasok kasama ang apat na tao, si Anthony, dalawang lalake at isang babaeng naka bull cup na natatakpan ang mukha.
"I knew you guys wont have a unity." pasimula nung lalaking mukang executive.
Lahat sila nagulat dahil nasa harapan mismo nila ang head master ng school nila, eh sa tagal tagal nilang nag-aral dito ngayon lang nila to nakita eh. Plus the fact na isa din itong Misnister of Magic sa Magic Realm kaya maii-star struck ka talaga.
"Minister este! head master? what brings you here?" tanong ni Pierre na naka lapit na pala kasama si Astrid dahil ayaw talaga netong humiwalay sakanya.
"Wala naman, mapag isip-isip ko lang na baka hindi kayo magkasundu-sundo at isa pa napaka laki netong ball room para sa inyo kaya nagdala ko ng extrang mga tao." nakangiting banggit ng Head Master.
BINABASA MO ANG
Selfeide Academy II: Another Life RAW
Teen FictionLahat po ng author's note dito ay OUT DATED, Just ignore it.
