First part of ending

29.6K 812 239
                                        

LAST CHAPTER- LOVE, FRIENDSHIP, AND SACRIFICE. (beginning of end)

"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else."
― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven

(_*_*_*_)

Habang nagkakasiyahan ang lahat dahil naibalik na ang kanilang memorya, biglang may naramdaman si Anju.

"Guys, I think...we are trapped." Dahandahan nyapang sabi. Habang mukang alam naman na nila ang susunod na mangyayari, isang labanan nanaman ang magaganap at sinisigurado nilang malaki nanaman ang magiging pinsala nito dahil knowing what Anju can do, paniguradong may magaganap nanaman na makakapagpabago sa lahat.

"Gera nanaman! Ow come on!" reklamo ni Sabrina na katabi ni Red at Ane na katabi din si Ciel.

"Don't worry you won't be involve this time. It's between me and her." Parang dragon na nag aapoy ang mata ni Anju(not literally) . Napaghandaan nya na ito, pero may isang problema. Ang mga estudyante ng Scarlann na walang nalalaman sa mga nangyayari.

"Ay! Eh ano pala kami audience ganun?! Wala pa naman akong popcorn!" Komento ni Ane na binatukan naman ni Sabrina. Natutuwa sya dahil bumalik na ang dating Ane at Sabrina na nakilala nya, pero alam nyang ang simula ay ang huli na din. Nararamdaman nyang magkakahiwalay nanaman silang lahat.

"Congelare timp selectivă" Natigil ang lahat. Nakahinto ang lahat pwera lang sa piling tao.

"Woah! Cool anong spell to Anju?" Tanong ni Red na tinusok tusok pa yung pisngi ng mga taong naka freeze. Napansin naman nila si Anju na nakayuko at hindi umiimik. Nilapitan ito ni Sabrina at Ally.

"Huy anyare sayo?" kinalabit ni Ally kay Anju. Nag angat ito ng ulo at isang Gintong mata ang bumungad sa kanila. Her eyes is glowing, prang gintong araw at pag tumitig ka ay may kakatwang sensasyon kang mararamdaman, parang ang gaan sa pakiramdam, parang nakakarelax. Parang walanghanggang buhay.

"WOW!! Ganda! Anong klaseng contact lense yan, maka bili nga ren!! Yung Neon Red para mukang vampire!!" nilapitan at in-examin pa ni Ran ang mga mata ni Anju, pero hindi nagbago ang ekspression nito. Seriyoso parin kaya nagseryoso na rin sya.

"Makinig kayo. Seriyoso na. Kuya- I mean Ysir, alam kong misyon mo rin na bantayan ako kagaya ni Mikielo, at alam mo rin na mangyayari to kaya inaasahan ko na kayo ang bahalang mag-guide sa iba. Dalhin nyo sila sa safe na lugar." Bakas sa muka nila Sabrina ang pagkalito, hindi nila masyadong maintindihan ang koneksyon na meron sila Anju at yung dalawa, samantalang tumungo naman si Mikielo at Ysir sa kanya, alam nila ang ibig sabihin ni Anju.

Ngumiti si Anju sa kanila, yung ngiting nagraradiate. "Sabrina pati kuya Red! Magkaaminan na kayo ha!! Alam nyo naman sa isa't isa na mahal nyo ang isa't isa. Wag nyo nang pagselosin ang isa't isa pwede ba! Utang na loob sama mo na dugo!! HAHA" nagkatinginan naman si Sab at Red at sabay nagblush. "Sya kasi eh! Babaero!" tinuro pa ni Sabrina si Red, yung parang batang nagsusumbong. "Anong ako! Ikaw kaya!" depensa ni Red.

Napakamot nalang ng ulo si Anju. Alam naman nyang magiging si Red at Sabrina hanggang sa huli. Sunod naman nyang binalingan sys i Ane at Ciel. "Oh kayong dalawa, nagkaaminan na ba kayo? Mukang di pa den ha?"

Mukang nagtataka si Ciel sa sinabi ni Anju. Si Ane naman ay pulangpula na.

"O sige ikaw na ang magsabi." Sabi ni Anju kay Ane, pero mukang walang balak umamin si Ane.

Selfeide Academy II: Another Life RAW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon