Chapter Twenty-six

31.7K 722 47
                                        

Sorry po kung mag dadalawang bwan nang walang UD. Wala as in wala talagang eksena na pumapasok sa utak ko tsaka may mga inasikaso din po akong bagay. College na kasi. Ill try my best na matapos to.. mukang ten chapters pa eh.

Enjoy reading! God Bless!!!

_____

Chapter twnety-six:

Anju's Pov

Things go smoothly these past few days, last day ko na ngayong maging ST. So far, ayos nanaman yung skills nila pagdating sa mga pisikal na bagay kailangan ko nalang ay ihanda sila mentally at emotionally.

"Aga ah!" bati sakin ni Toshi. Kailangan kong pumasok ngayon ng maaga kasi ihahandako pa yung mga kailangan para sa final test nila sakin, lalo na wala naman si Ren.

Nasa summit si Ren para sa nalalapit na Academy olympics. Mga tatlong araw na sya dun, tas ewan ko kung kailan sya uuwi.

"May ihahanda pa ko sa school para mamaya kaya mauuna na akong umalis." sabi ko. Nauna na akong kumain ng breakfast sa kanila. Tulog pa yata yung tatlo eh.

"Ganun ba? nag almusal ka na ba?" tanong nya sakin habang tumitingin ng makakain sa Fridge.

"oo, tapos na ko." sabi ko.

"sige, dadalhan nalang ulit kita ng pagkain pagpasok namin. Sigurado gutom ka nanaman." Sometimes I wonder, sino kaya sila sa past life.

"sige salamat, aalis nako. Paki nalang yung tatlong kumag." bilin ko sa kanya bago umalis.

Nakarating ako sa school within 10 minutes.  Napaka payapa talaga ng school na to pag walang tao, malamig yung simoy ng hangin pero para sakin  sakto lang. Gantong -ganto yung scene ng unang salta palang ako dito, tapos nakita  ko si Trey. Nakakamiss. Ano na kayang nangyari sakanila?

Humikab ako, bukod sa nakakaantok yung simoy ng hangin, tatlong araw na rin akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa panaginip.

May dalawang tao pero maliwanag  kaya yung korte lang ng katawan nila yung kita. Isang babae at isang lalake. Mula sa maliwanang nagiging madilim, nakakakilabot yung mga sumunod na pangyayare dahil maraming dugo, hindi ko alam kung nasan ako dun. Alam ko lang nangyayare.

Bothers me big time, kaya medyo droggy pa ko ngayon.

Nang makarating ako sa field nag gawa kaagad ako ng barrier para walang makakita ng gagawin ko sa loob. Isang emotional and mental test ang mangyayare mamaya pero kala nila totoong nangyayari ito. Lahat ay ilusyon lamang, dito itetest ko kung sino ang karapatdapat bigyan ng prize.

Mga isang oras din akong nag gawa ng mga kakailanganin. Grabe nakakaubos parin pala ng lakas.

Huminga ako ng malalim at ni relax ko muna yung sarili ko. Malamig parin ang simoy ng hangin dahil hindi pa tuluyang sumisikat ang araw.

Ipinikit ko yung mga mata ko at nakinig sa tunog ng kapaligiran, sa gantong paraan kasi ako narerelax eh.

'Prim, mag-iingat ka. Good luck.'

Biglang umihip ang malakas na hangin. Sabi ko na nga ba may mangyayari nanaman na mukang hindi ko magugustuhan, sa panaginip pa lang eh.

Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Si Fille ba, yung kaluluwa ni Skye o ang aish!! Nakaka-stress tlaga!

Umupo muna ko sa bench dun. Mga ilang minuto may eagle na dumating, may dala yung mensahe galing kay Ren.

Dear High-Queen Anju,

Selfeide Academy II: Another Life RAW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon