chapter twenty-three

37K 758 79
                                        

Chapter Twenty-three:

" Weekend sleep-over part 2"

Anju's POV

Langyang Gabe to! Ginawa pa kong unan! Sabi ko gisingin nya ko hindi ko sinabing matulog din sya at gawin akong Hotdog pillow! Ambigat ng pata nya!

"HOY! GUMISING KA NGA!! BWISIT ANG SAKIT NA NG KATAWAN KO!!" bulyaw ko sakanya. Medyo nagulat pa pero pumikit ulit! Nakakaasar! Tinulak ko nga! Pero shunga ko dahil kasali akong nalaglag. Pano nakalimutan kong yakap nya ko!

Umngol sya dahil nadaganan ko sya. "ang bigat mo, piggy!" mabigat pero yakap nya parin ako! Bwisit to! Dyosa kaya ako tapos tatawagin nya lang akong PIGGY?

"He! Kung mabigat bakit yakap mo parin ako?! Bitaw na nga. Nakakaasar ka!" pilit kong tinatanggal yung braso nyang nakapulupot sa bewang ko.

"No. Ayaw ko nga." Leshe! Pati yung paa nya ipinulupot sakin.

Ang poging Sawa naman neto! Imported pa!

"HOY! Bitaw sabi eh!!" pilit parin akong nag pupumiglas.

"Ganto muna tayo Anju. Namiss ko na eh." HANU DHAW?! Na-miss?

"namiss? Hoy! Bitawan moko mapipisa ka bahala ka." Sabi ko, magwawala na ko dito!!

"Namiss ko yung unan kong Piglet sa langit eh. Ikaw muna kamuka mo naman eh." BWisit to! Ako kaya yung prinsesa nila! Headbatin ko kaya to? Kaso baka maalog nanaman yung utak ko, baliw na nga ako pano pa kaya pag naalog pa?

"piglet piglet! Hoy matanda ka na may ganun ka pa? bwiset na to! Hoy baka hinahanap na nila tayo!!" niluwagan nya naman yung yakap nya kaya nakawala na ko. Tumayo ako at tinignan sya ng nakapamewang.

"Hoy Gabriel! Unang-una-"

"malamang ngayon ka palang magsasalita eh." Nang bara pa! sinipa ko nga.

"aww! Para san yun piggy?" sinipa ko ulit sya! Piggy pala ah! Napaaray nanaman sya.

"he! Unggoy ka! Bwisit!? Makalayas na nga! Hoy kung sasama ka sa hot spring sumunog ka na kaagad sa sala." Iniwan ko na sya dun. Nakahilata parin sya dun sa sahig eh. Ewan ko ba sa unggoy na yun!

Pagdating ko sa sala ay kompleto na sila. Mixed bath dun sa hot spring, pero malaki naman yun kaya okay lang tsaka may mga malalaking bato naman dun na pwedeng divider.

"Ang tagal mo naman! Ano bang ginawa nyo ni Gabriel?" tanong ni Mikielo.

"natulog. Sabi ko gisingin ako eh, yun ginawa pa kong unan! Bwisit sumakit tuloy yung katawan ko! Ang bigat bigat ng unggoy na yun!" naka pout pa ko! Nakakainis, bali na matatanggal din to pag nag lublob ako sa hot spring na yun.

"Wa~ ang daya ni Gabriel, matagal ko nang pantasya na gawin kang unan eh~" binatukan ko nga si Shio. Nakapout pa sakin habang hinihimas yung ulo nya.

Bigla namang nag-angkla sa balikat ko si Elle at Ane.

"Tell me, may something sainyo nung Gabriel na yun. Jowa mo ba yun?" kung sabihin ko kayang Alalay ko yun maniwala kaya sila?

"Hinde ah, tuod na yun? Seryoso kayo?" matawa-tawa ko pang sabi. Seryoso lang silang dalawang nakatitig sakin.

"Seryoso? Sa gwapo nun hindi ka pa nahuhumaling? Kala ko nga si Apollo yun kanina eh!" bulong sakin ni Elle. Kasi masama na yung tingin sakanya ni Ray. Selos si kuya Red. Haha XD

"oo nga ako nga kanina dapat kukunin ko na yung vase at isasahod sa bibig ko eh! Kala ko talaga babahain ng laway ko tong mansyon mo. Nakita mo ba yung triceps? Biceps? Abses na parang nangungusap na "Come to papa~!" haru jusko!" napahawak pa sya sa temple nya tapos nag-acting na parang sumasakit yung ulo.

Selfeide Academy II: Another Life RAW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon