Chapter 12

33.5K 699 102
                                    

A/N: Maikli lang po to... hayy kakapagod hahaha :)) happy new year po sainyong lahat..
yan na ah may malalaman nanaman kayo sa mga sekreto.. hihi :'> malapit na talaga lumabas si Anju. :))

***********

CHAPTER 12: Revelation

Someone's POV

Days...........Months...........Years...... Yes, it's been a thousand Years since the second great wizard war happen. It's been so long....No.... too long, too long that make us forget what really happen. Does it even happen? Am I really me? I still can't believe it....sa dinamidami ng tao ikaw pa? Bakit? Totoo talaga yung kasabihang yung mga taong malapit sayo, sila pa ang makakasakit sayo ng sobra.

5..........................

4.....................

3............

2.......

1...

Goodbye Annessa Juno Warlock........Good bye me......Good bye memories....till that day happen.. the day that I will be awaken again.

Nararamdaman ko ang pag agos ng aking luha. Nagpangiti ako ng mapait.

Ganto ba talaga kahirap maging itinakda? Ni-hindi ko nga to pinili, Bakit ko kailangan isakripisyo lahat ng meron ako para lang sa mga taong ni hindi ko ka ano-ano?

Tama....kailangan kong magsimula muli... sana sa susunod kong buhay mahalin mo na ako? O si Skye parin?

Sana.......sana....Fille....

Sa oras na ipikit ko ang mga mata ko, sa oras na yun... Makakalimutan ko ang lahat......

**

"Bata...Uy bata... bat jan ka natutulog? Malamig kaya ngayon dahil winter.. tsaka why are you crying?" Pinunasan ng bata yung luha ko. Nakatulog ako? Teka nasan ba ko? Sino ba ko? Bakit wala akong naaalala kung anong ginawa ko sa buhay ko, sino ba ko? Sino ba yung batang to?

"sino ka?" Mas matanda sya sakin. Sa tingin ko nasa walong taong gulang na sya. May kulay tsokolateng buhok at kulay hazel na mata. Pamilyar? Parte kaya sya ng nakaraan ko?

"Hi! Ako si Timothy Jae Choon!" masiglang pagpapakilala nung bata. Bakit? Bakit pagtinitigan ko sya para bang napakainit, it feels like home.

Do I even have home?

"Bata, bakit andito ka sa labas natutulog? ang lamig lamig lamig kaya dito. Buti nalang talaga pinakuha ni mommy sakin yung bag nya sa car." Hinubad nya yung scarf nya at sinuot sakin.

"H-hindi ko alam. Wala akong maalala."

"Hala! Pwede ba yun?" napakamot sya sa ulo nya.

"may kasama ka ba? Kasi kung wala let's go inside. Papakilala kita sa maraming bata at sa Mommy ko." Hinawakan nya yung kamay ko....it feels warm.

May kasama ba ko?

"wala."

Hinatak ako nung bata papasok dun sa may bahay.

"Mom!! Look I found a new friend!!" Magandang babae yung nanay nya.

Nanay? Meron ba ko nun?

"really? Bakit mo sya hinatak? Baka hinahanap na sya ng parents nya.

" eh sabi nya wala daw po syang kasama eh! Diba?Ano nga ulit pangalan mo?" Pangalan ko? Hindi ko alam.

"Hindi ko po alam, wala po akong maalala." Umpisa nanaman tumulo ang luha ko. Bakit ako naiiyak?

"Mom, pwede ko po ba syang maging sister?" tanong nung bata.

"anak its very complicated eh... we can't."

"What?! We can! I want a sister!! I want her to be my sister!!" pag rururmentedo ni Timothy.

"Look son, it's not easy to-"

"I wont come home. Not until we adopt her!!" naiwan nalang kami ng nanay nya dun.

**

Timothy's POV

"Bro your idling, kanina pa ko salita ng salita ditto parang wala naman akong kausap." Luigi.

"Sorry, ano ba kase yung sinasabi mo ulet." Tanong ko kay Luigi. Naalala ko lang kasi yung unang beses na Makita ko nun si Santhe dun sa bahay ampunan, Winter pa nun tapos dun sya sa swing natutulog.. umiiyak pa nga eh... Nakakamiss lang, halos half a year na simula nung dalhin sya nila mommy sa London.

"Sabi ko active nanaman yung Fire Empress sa Underground battle. Isipin mo bro tatlong taon din syang nawala."

Underground battle? Matagal tagal na din akong hindi nakakapunta dun. Dun nagaganap yung mga duel. Iligal yun, kung gusto mong sukatin kung gaano ka kalakas dun ka pumunta. May mga level-level kasi yung Underground battle at pang level 60 pa lang ako -_- . si Pierre mga 80 na sya.. yun kasi pag naiinis sya dun sa bahay nila dun sya pumupunta para maglabas ng galit.. ayos noh? Tapos pag umabot ka daw sa pinakahuling level may isang item ka daw na makukuha.....ewan ko nalang kung ano yun, pero sabi nila mahalaga daw yun eh?

Si Fire Empress nga pala isa sya sa limang babae na may ranggo na 70 pataas. Natalo nya din ako -_-...

Aishh!! Pero wag kayo, crush ko yun. Muntik ko na ngang makita yung muka nun dati eh... maganda sya kaso isang segundo lang ata yun kaya hindi ko parin masasabi. Oo nga pala we wear mask dun to cover our idedntity... delikado kaya, kasama pa naman kami sa mga blue bloods..

"Bisita tayo dun minsan, dahil magiging masaya dun.... Lalo na isa-isa na silang lumalabas." Isang nakakalokong ngiti ang nag form sa labi ni Luigi.

Pag mga ganyang yung ngitian nyan may binabalak yan eh.... Sabagay masa nga naman unti-unti nang nagiging active ulit ang Magi.  Ang Magi ay isang kilalang grupo sa Underground battle. Lahat sila malalakas, hindi ko lang sigurado kung ilan talaga ang myembro nila at kung kasama rin ba sila sa mga Blue bloods. Ang kilala ko pa lang sa kanila ay si Fire empress at yung illusionist.

Tumunog yung cellphone ni Luigi.

"Hello? Oo kasama ko si Tim, ge punta na kami jan." malamang si Pierre yan.

"Bro pinapapunta tayo sa HQ, Mukang aaksyon na tayo ah... matagal tagal na den." Naginat-inat pa sya.

"tss.. sakit nanaman ng ulo to. Tara na nga." Yung huling mission namin nun ay talagang masakit sa ulo, muntik na kaya ako kunin nung evil fairy na yun at gawing asawa.. tskk!! #pogiproblems.

***************

Selfeide Academy II: Another Life RAW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon