PROLOGUE
"WHAT did you say?"
Gustong maghurumentado ng utak ni Zuriel Andreau. Tatlong araw pa lamang ang lumipas magmula ng makumpirma niya ang pagtatraydor sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Jake at kasosyo sa negosyo na isang Computer and Service company doon sa New York-na mabilis nilang napalago. Wala siyang kamalay-malay na unti-unti na palang ninanakaw noon ang pinaghirapan niyang kompanya. Ibinigay niya roon ang buong tiwala niya. Ni hindi siya nagdalawang isip na bigyan iyon ng power of attorney at access sa lahat ng bagay para sa mga panahong ipinagtutulakan siya ng kaibigan na magliwaliw at ipasyal ang kanyang girlfriend. Subalit hindi niya akalain na ang lahat pala ng iyon ay parte lamang ng planong agawin sa kanya ang lahat ng pinaghirapan niya sa loob ng apat na taon. Hindi niya lubos akalain na ganoon kagahaman sa salapi si Jake.
Oo nga't noon pa man ay alam na niyang mataas ang ambisyon nito sa buhay subalit dahil masyado siyang tiwala sa pagkakaibigan nila ay ni hindi sumagi sa isip niya na magtatraydor iyon sa kanya.
At ngayon, heto naman si Eunice sa kanyang harapan, sa loob ng kanyang opisinang malapit na ring mawala sa kanya. She was claiming her freedom!
"I said I need space." Ani Eunice sa tonong hindi nababagabag.
"I don't understand! Was this relationship choked you up?" Naihampas niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.
The woman just rolled her eyes. Tila wala itong balak magpaliwanag. At taliwas iyon sa nakasanayan na niyang attitude nito.
Matagal na ang relasyon nila. Almost three years. Kaya't alam na alam na niya ang timpla ng kasintahan. Pero ang ipinapakita nito sa kanyang kawalang pakialam at ka-insensitive sa mga inilalabas ng bibig nito ay talagang bago sa kanya.
Nang umalis siya ng Pilipinas, apat na taon na ang lumipas, dala ng matinding sama ng loob sa kanyang German father ay nagdesisyon siyang mamuhay na mag-isa. Hindi kasi niya matanggap na hindi siya pinakinggan ng kanyang ama sa pagtutol na mag-asawa itong muli.
Oo nga't matagal ng namayapa ang kanyang ina. Elementary pa lamang siya ay sila na lamang ng kanyang ama ang magkasama. Hindi rin naman niya sana binabalak na humadlang sa kaligayahan ng kanyang ama kung nagkataon lamang na tamang babae ang pinili nito. Oo nga't Pilipina rin iyon, tulad ng kanyang namayapang ina-isa sa mga criteria ng babaeng nais makasama ng kanyang ama sa pang-habambuhay-subalit taglay ng babaeng iyon ang ugali na kailanman ay hindi niya magugustuhan. Ang pagiging oportunista. Hindi sa hinuhusgahan niya ang madrasta pero iyon ang napupuna niya sa napakaluhong babae na wala ng ginawa kundi humingi ng kung anu-ano sa kanyang ama. Araw-araw nalang iyon kung mag-shopping maski hindi naman kailangan. Halos doon na yata iyon sa salon at spa tumitira dahil sa pagpapaganda at pagliligo ng luho sa sarili.
At dahil nagmana siya ng katigasan ng ulo sa kanyang ama, sa edad na bente-kwatro, pinili niyang mamuhay mag-isa roon sa New York. Nagtayo siya ng sariling business at nakisosyo sa kanya ang kanyang bestfriend noong highschool na aksidenteng natagpuan niyang naroroon din pala sa bansa. Naging napakaganda ng kanilang team work until Jake introduced Eunice to him.
Canadian-Filipina ang dalaga at siya naman ay German-Filipino. Magkalahi sila kaya naging magaan kaagad ang loob niya rito. Sikat na modelo ito doon din sa New York. Agad na nagpakita ng interes sa kanya ang dalaga sa una pa lamang nilang pagkikita.
Hindi lang career niya ang naging masigla kundi maski ang kanyang lovelife. Eunice is gorgeous, very sweet and loving. Kaya naman hindi naging mahirap sa kanya na mahulog at umibig rito. Ang dating bahay-trabaho na ruta niya ay nadagdagan at naging napakakulay sa loob ng tatlong taon. Pero bakit ngayon, ang lahat ng magagandang bagay ay tila nagiging bangungot?
BINABASA MO ANG
Dare To Love You (completed_published)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Chantal Yvonne was getting depressed on how Zuriel Andreau would be aware of her existence. Pinagtatawanan na siya ng mga kaibigan at hinamong paibigin ang binata sa loob ng tatlong buwan na duda siyang mana...