NAKAKAAWA ang mga pasyente ni Chantal kina Lunes-san dahil maski dumaan na ang isang magdamag ay dala-dala pa din niya ang sama ng loob niya kay Zuriel Andreau. At ang masama pa ay nadadamay ang lahat ng mga nasa paligid niya. Lahat ng mga nakakaharap niya ay napapagtarayan niya. Sa mga pasyente naman ay napaka-cold ng treatment niya. Hindi katulad ng karaniwan na lagi siyang nakangiti. Kaya't naging ilag tuloy sa kanya ang mga kasamahan.
"Chantal, may topak ka na naman yata ah." Nakangiting bati sa kanya ni Drake kinahapunan. "Sige ka, matakot sayo ang boyfriend mo."
Sa lahat yata ng mga naroroon, ito lamang ang may lakas ng loob na kausapin siya maski wala siya sa mood.
"Kelan ba ako nagka-boyfriend?" nakasimangot na sabi niya.
Hinagip niya ang isang folder na nakalimutang ilagay sa rack kanina. Mga files iyon na naglalaman ng mga test results ng mga pasyente.
"Kailan mo ba sinagot or rather kailan ka sinagot ni Zuriel?"
Pinukol niya ito ng masamang tingin. Humalakhak naman ito. Ang lakas lang talaga nitong mang-asar.
"Hindi kami. Nagde-date lang kami pero hindi kami."
Drake make a 'tsk'sound. "Meaning nasa denial stage pa din pala talaga siya."
"Ha?"
Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Imposible namang tama ang pagkakaintindi niya na iniisip nitong gusto din siya ni Zuriel Andreau pero itinatanggi lang ng huli. Napakaimposible dahil kung talagang gusto rin siya ng binata at nagde-deny lang iyon, bakit nakikipag-date pa iyon sa ibang babae? Sinabi pa nga nito na hanggang date lang ang kayang ibigay sa kanya ng binata dahil hindi nito kayang makipagrelasyon sa kanya. Isa lang ang ibigsabihin noon. Kahelera lamang siya ng mga flings nito.
Dapat ba niyang ipagpasalamat iyon? Dapat ba niyang ikatuwa na sa wakas, nakamit na niya ang matagal na niyang inaasam, ang i-date siya ni Zuriel Andreau? Kaya lang ay hindi naman niya magawang maging masaya ngayon. Mas na nasasaktan pa nga siya lalo't hantaran niyang nakita kung sino pa ang babaeng kasabay niyang ka-date nito.
She was his consistent date but he's dating somebody else also. What a crap! Masakit pala iyon, daig pa niya ang binugbog sa kaalamang iyon.
"Kain tayo sa labas after ng duty mo. Pa-out ka na, di ba? Nag-turn over ka na kay Lindsy." sabi pa ni Drake na sa relo naman nakatingin. Ang tinutukoy nito ay ang night duty psychiatric nurse.
"Ahm..." tatanggi sana siya ngunit nahagip ng paningin niya ang papasok na si Zuriel Andreau.
May kung anong masamang ispiritu ang pumasok sa kanyang kukote at nginitian si Drake na ipinagtaka ng huli. "Are you asking me on a date? Sure, Drake. Sandali at mag-a-out lang ako." Sinadya niyang laksan ang boses. Tama lang para makaabot sa pandinig ng paparating. Tumalikod siya saglit para mag-log out.
"Totoo? Sasama ka?" nagtatakang tanong ni Drake.
"Come on, Drake, don't give me that face." Para namang hindi tayo lumalabas." Kunway nagtatawa at naglalambing na saad niya. Ngunit ang totoo ay ngali-ngali niyang pukpukin ang sarili. Paano kung hindi makasakay si Drake sa gusto niyang palabasin?
"Oh well, baka kasi—"
Mabilis na iniharang ni Chantal ang hintuturo sa labi ni Drake saka ito nginitian ng ubod-tamis. "Let's go." She said sweetly.
Naiiling na sumabay naman sa kanya si Drake.
"Yvonne..."
Nilagpasan ni Chantal si Zuriel Andreau na animo isang hangin lamang ang dinaanan. Kung kaya nitong hantarang ipakita sa kanya na may inilalabas itong iba, pwes, siya rin!
BINABASA MO ANG
Dare To Love You (completed_published)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Chantal Yvonne was getting depressed on how Zuriel Andreau would be aware of her existence. Pinagtatawanan na siya ng mga kaibigan at hinamong paibigin ang binata sa loob ng tatlong buwan na duda siyang mana...