Chapter 6

3.7K 104 0
                                    


"PARANG dinilaan ng pusa, ah?"

Nakatingin si Zuriel Andreau sa plato ni Chantal habang walang pakialam na nagpupunas siya ng nguso gamit ang table napkin. Tapos na silang kumain at gayon nalang ang pagkabigla ni Zuriel Andreau sa kanya. Kung kaninang sinundo siya nito sa bahay nila para sa date nila ay napanganga ito habang bumababa siya sa hagdanan sa labis na paghanga, ngayo'y napanganga ito sa pagkabigla sa kanyang katakawan.

Hindi raw siya nito nakilala kaninang mabungaran siya nitong naka-small dress at nakaayos habang bumababa ng hagdanan. Talaga naman kasing pinaghandaan niya ang gabing iyon. Pinauwi muna niya ito para makapag-ayos siya ng hindi nape-pressure. Gusto niyang magbagong bihis dahil sa tuwing makikita siya ng binata, tanging ang red, blue, white at cartoon print na nurse uniform niya lang ang suot niya.

Nang malaman ng mommy niya na may date siya ay mabilis na ipinatawag nito ang fashion consultant at make up artist nito. Kandaugaga iyon sa pagpili ng susuotin niya. Paano'y iyon ang unang beses na makikipag-date siya. Hindi man sabihin ng ina, pero alam niyang mas excited pa iyon kesa sa kanya. Hindi na rin siya magtataka kung hihintayin siya ng ina sa pag-uwi at uuriratin sa kung anong nangyari.

And if Zuriel admired her hour ago, malamang na pagka-turn off naman ang nararamdaman nito ngayon base sa pagtingin nito sa plato niya.

"Sorry. Gutom na kasi ako. 3pm pa ako huling kumain at biscuit lang yun. 9pm na kaya. Hindi pa naman ako sanay ng ginugutom." Defensive na saad niya.

Nilingon siya ni Zuriel Andreau. "It's okay. Nagulat lang ako na kinaya mong ibara ang lahat ng inorder nating pagkain, to think na slim naman ang katawan mo." Masaya siyang marinig iyon. Hindi man kasi derekta pero para na rin siyang pinuri ni Zuriel Andreau. "Karamihan sa mga naka-date ko, sinasayang ang pagkain dahil tinitikman lang." pagkukwento nito.

At ang kaligayahan ay napalitan ng pagkaimbyerna.

Nainis siyang maski sa date nila ay magkukuwento pa ito ng patungkol sa mga nagdaang babae sa buhay nito kaya't idinaan nalang niya iyon sa pagsimangot.

"Ayaw ni mommy ng nagsasayang nang pagkain. Kaya kung kukuha daw kami, dapat, kaya naming ubusin. Pinapagalitan niya kaming magkakapatid kapag may tira kami sa plato. Marami raw nagugutom sa mundo at maswerte kaming kumakain ng tama sa oras o higit pa. Kaya nasanay na din kaming magkakapatid na malinis ang plato bago umalis ng mesa. Ang swerte nga ng mga maid namin, kaunti nalang ang lilinisin nila."

Napangiti si Zuriel Andreau. "Ang daldal mo talaga kahit kailan." Komento nito.

"Maganda naman ako. Kasing ganda ako ng mommy ko di ba?"

"Oo na." pag-ayon ni Zuriel Andreau sa kanya. "Ganyan din si mommy. Ayaw niya ng nagsasayang ng pagkain." Sabi pa nito.

Nagulat si Chantal na nagbahagi si Zuriel Andreau ng maski kaunting detalye patungkol sa personal na buhay nito. Ayon kasi sa mga nakaka-date nitong mga nurse na katrabaho niya, hindi daw makuwentong tao ang binata. Ang mga iyon lamang ang nagpu-push ng usapan. At madalas pa, patungkol lamang sa mga buhay ng mga iyon ang napag-uusapan. Hindi raw ito nagbabahagi ng sariling kwento.

"Do you miss her?"

Saglit na lumamlam ang mukha ni Zuriel Andreau ngunit ngumiti rin naman ang binata. Yun nga lang, hindi makikita sa mga mata nito ang kaligayahang gustong iparating ng mga labi nito.

"Ilan nga pala kayong magkakapatid?"

Halatang hindi nito gustong pag-usapan ang ina kaya't agad na nag-segue. Hinayaan nalang niya ito kesa naman sa masira pa ang gabi nila.

"Four. Ako lang ang babae at bunso pa."

Tumango-tango si Zuriel Andreau. "Masarap siguro ang may kapatid ano?"

Dare To Love You (completed_published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon