Chapter 9

4.1K 87 2
                                    



NANLALAKI ang mga mata ni Chantal sa natunghayan roon sa loob ng garden. May malapad na picnic blanket na nakalatag sa malawak na bermuda grass. May isang picnic basket rin sa isang tabi , wine at wine glasses for two. Ang buong paligid ay napapaligiran at naiilawan ng iba't-ibang uri ng scented candles.

Napaka-elegante ng pagkakaayos. Kahit sinong babae ay mai-impress sa effort ng kung sinong naghanda noon. Subalit sa halip na maging masaya siya sa mga nakikita, parang mas gusto niyang himatayin! May ka-date ba si Zuriel? Dapat pa ba niyang ituloy ang kanyang pakay sa binata kung ganitong maliwanag na wala iyong pakialam sa kanya? Kung talagang mahal siya ng binata, bakit nagagawa pa noong mag-set up ng isang romantic date para sa ibang babae?

"What are you doing here?"

Napaigtad si Chantal sa kinatatayuan matapos marinig ang paasik na saad na iyon ni Zuriel Andreau. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses ay natagpuan niya ang binata sa harap ng fountain na naroroon rin sa isang bahagi ng garden. Nakaupo ito sa isang tabi hawak ang isang bote ng hard liquior. Kung hindi siya nagkakamali, doon na nito deretsong iniinom ang alak at hindi na gumagamit ng baso.

"Kasi... gusto sana kitang makausap. Pero mukhang hindi pwede. Mukhang... may importante kang gagawin." Nalilito at nababahag ang buntot na nilingon niya ang paligid.

"Meron sana..." mahinang sabi nito. Lumagok ito ng inumin mula sa bote. Saka siya tinitigan ng matiim. "Meron sana akong importanteng gagawin. Kaya lang, hindi na matutuloy. Meron kasing isang napakaimportanteng babae para sa akin na pinangakuan kong babawian ko, pero hindi naman ako binigyan ng pagkakataon. Ni ayaw niya akong kausapin ng matino at ni hindi ako pinayagang mag-explain. Sinayang niya lang ito..." Isang kamay na itinuro nito ang paligid. "Mas gusto niya pang maka-date ang gwapo raw na doktor na—"

"Zuriel..." Agad na na-absorb ng kanyang isip ang tinutukoy ng binata. Naluluhang patakbong niyakap niya ito. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Hindi niya lubos akalain na ang bagay na gusto niyang ikasama ng loob ay para naman pala sa kanya. Na hindi ito nagsinungaling ng sabihin nitong babawi ito sa kanya. "Zuriel, I'm sorry... Sorry na! Sorry na talaga!"

Naramdaman niya ang marahang pagbaklas ni Zuriel Andreau sa kamay niyang nakayakap sa leeg nito.

"Ano ba iyong kailangan mong ipakipag-usap sa akin?"

Nabagabag si Chantal sa kalamigang ipinapakita ni Zuriel Andreau. Pero hindi siya nagpatalo sa matinding kaba at takot sa maaaring maging resulta ng gagawin niya.

Kung tatanungin niya ang sarili kung bakit siya nakatayo sa harapan ni Zuriel Andreau ngayon, hindi niya alam. Siguro, kalahati ng puso niya ang naniwala sa mga sinabi ni Drake. She was still hoping and wishing that Drake might be right. Mas lamang man ang takot na baka hindi magtagumpay ang gagawin niya, sumugal pa din niya. Kailangan na niyang gawin ngayon ang dapat sanay dati pa niyang ginawa.

"This will be the last time that I will proclaim myself. Nasa sayo na kung maniniwala ka o hindi. Ayoko na din namang palaging nagpapapansin at naghahabol sayo. I feel so cheap doing it but what can I do? Iyon lang ang alam kong paraan para ipaalam sayo ang damdamin ko na binabalewala mo. Hindi mo ako pinapansin pero ang mga babae sa paligid ko, halos magkandapunit ang mga labi mo sa pagngiti sa kanila. Ano bang wala sa akin na nasa kanila? Zuriel, kung ako ang mamahalin mo, I promise you won't regret loving me. Hindi ako katulad ng stepmom mo."

"Because you are rich enough, para maghangad ng pera? Ganon ba Yvonne?" sarkastikong tanong nito. "Akala mo ba, pera lang ang pinahahalagahan ko kaya hindi ako mag-commit sa isang relasyon?"

Dare To Love You (completed_published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon