Chapter 7

3.5K 94 1
                                    


"MORNING MOM! Anong breakfast?"

Dahil rest day ni Chantal, nagpatanghali na talaga siya ng gising. Pasado alas-nueve na ng umaga. Nang umuwi siya sa bahay ng nagdaang gabi ay lagpas alas-onse na. Alas-dose na rin naman siya nakatulog dahil pagkapasok na pagkapasok niya ng main door ng bahay nila ay inulan na siya ng mga tanong ng kanyang ina patungkol sa date niya. Nakasanayan na yata iyon ng kanyang ina dahil gabi-gabi siyang hinihintay nito galing sa date. Wala din naman siyang nagawa kundi sagutin ang mga itinatanong ng ina hanggang sa maubusan na ito ng bala ng mga katanungan nito.

"Good morning."

Bumababa siya ng hagdanan ng matigilan. Kakaiba kasi ang boses na bumati sa kanya. Imposible namang ang daddy niya iyon gayong nasa out of town ito. Ang mga kuya naman niya ay may kanya-kanyang condo na malapit sa mga trabaho ng mga ito. Maski isa sa kanilang magkakapatid ay walang gustong humawak sa family business nila kaya't hayun, at ang kanilang ama pa din ang nagma-manage noon.

Pero kung ganoong wala naman ang mga barako sa kanilang tahanan, sino ang may baritonong boses na iyon na bumati sa kanya?

Mabilis na nagtungo si Chantal sa dining area at ganoon nalang ang pagkagulat niya ng makitang hindi nag-iisa ang kanyang ina sa dining.

"Zuriel Andreau!"

"Hey! Pinapasok na ako ni Tita. Kaya ayan, makikikain na ako ng breakfast dito sa inyo."

Maaliwalas ang mukha ni Zuriel Andreau. Parang hindi ito napuyat nang nagdaang gabi. Fresh na fresh ang mukha nito at para bang ang saya-saya ng aura ng binata. Kamakailan ay nagiging palangiti na ito sa kanya at hindi na gaanong nagsusungit. At siyempre ay ikinatutuwa niya iyon. Siguro, kaunti pang pursue at magiging mas close na sila ng binata.

Tumayo ito at naghila ng silya sa tabi nito.

'Hmm. Nagiging gentleman na din ah?'

"Ang aga mo namang magpa-interrogate kay mommy." Aniyang lumapit sa silyang hinila ng binata saka pasimpleng sinulyapan ang ina.

"Anak naman, hindi ko siya in-interrogate. Nagtanong lang ako ng kaunti." Defensive na sagot ng kanyang ina.

"Kaunti pa lang ang natatanong mo sa kanya, mommy? Meaning, hindi pa kayo tapos?"

"Anak, bakit hindi ka man lang nagsuklay?" Tumayo ang kanyang ina sa kinauupuan nito at lumapit sa kanya. "Nakakahiya kay Zuriel, ang gulo-gulo ng buhok mo!" Sinuklay ng kamay ng kanyang mommy ang kanyang buhok.

"Mommy..."

Bumaling ang ginang sa kanya. Saka ngumiti. Mukha namang nakuha na nito ang ibig sabihin ng kanyang tingin. "Okay, iiwan ko na kayo. Magsabay na kayong kumain."

"Hindi po kayo sasabay sa amin, tita?" si Zuriel Andreau.

"Tapos na ako hijo. Paalis din kasi ako. Tsaka mukhang gusto kang solohin ng anak ko. Sige na ha?"

'Tama iyan, mom! Escape ka na!'

Agad ngang nawala ang ginang sa harapan nila.

"Bakit ang aga mo yata?" tanong niya habang ipinaglalagay ito ng pagkain sa plato. "Gusto mo ng hotdog?" Inabot niya ang plato ng hotdogs.

Tiningnan lang siya ni Zuriel Andreau. Pagkuway kinuha ang plato sa kanya at siya ang ipinaglagay sa kanyang plato.

"Favorite mo 'yan di ba?"

Napabaling siyang bigla rito. "Paano mo nalaman?"

"In two years time, madalas kitang makitang kumain ng hotdog sandwich kapag nagmemeryenda o kapag umagang dumadalaw ako sa mental."

Dare To Love You (completed_published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon