YAMOT na nagkamot ng sariling-ulo si Chantal habang walang habas sa pagpipindot sa kanyang tablet. Merienda time niya pero hayun siya sa nurse station at nakikipag-chat sa kung sinu-sinong online sa facebook account. Patatlong araw na magmula ng magsara ang kasunduan nila ni Zuriel Andreau pero magpahanggang ngayon ay wala pa din siyang nai-i-date. Kung bakit ba naman kasi napakadaming rules ang inilakip nito sa hamon sa kanya?
Unang-una na ang bawal siyang magyaya, dapat ay ang lalaki ang magyayaya sa kanya. And she should record the conversation or anything that will serves as proof. Inalis rin nito sa listahan si Drake kaya't walang silbi kung pauunlakan niya ang pabirong pagyayaya sa kanya ng huli. At ang pinakamabigat sa lahat ng rules na ipinatong nito sa kanya ay hindi niya maaaring ipaalam maski kanino ang tungkol sa dare na iyon.
Kung lalabag siya sa mga rules nito, katapusan na ng lahat. Isa lang naman ang magiging parusa, hinding-hindi na siya maaaring magpa-cute, magpapansin o harutin ito. Di bale nang matalo siya sa dare nila, huwag lang iyong lumabag siya sa rules. Kung matalo man siya, ang tanging parusa ay di niya tatanggapin si Drake bilang manliligaw dahil playboy daw iyon, pero maaari pa din niyang harutin si Zuriel Andreau maski hindi siya mai-date nito. Kung manalo naman siya ay mas lalong pabor dahil magiging consistent date niya ito for three months. Sa ganoon, maaari niyang ipagmalaki sa mga kaibigan na napa-oo niya si Zuriel Andreau.
Pero kung ganitong patatlong araw na at wala pa din siyang nai-idate, mukhang malabo nang manalo pa siya sa dalawang hamon na tinanggap niya. Hamon ng mga kaibigan niya at ang hamon ni Zuriel Andreau sa kanya.
"O, bakit sambakol ang mukha mo diyan, Chantal?" puna ng isang kasamahan niyang napadaan roon sa nurse station. Si Marcia.
Pumasok ito roon at kinuha ang mga folders ng mga pasyenteng naka-assign dito. Lahat ng mga psychiatric nurse roon ay may kanya-kanyang assigned patients. Kumbaga ang lahat ng mga na-aadmit sa ospital nila ay may dalawa o tatlong personal nurse. Hindi naman kasi mga basta-bastang tao ang nagpapa-admit roon. Karamihan sa mga iyon ay mga mayayamang negosyante na nabaliw sa pagkukwenta ng mga nawalang salapi, naging gahaman sa salipi, di kaya naman ay mga iniwan ng mga mahal sa buhay at inabuso ang kabaitan. Mayroong biktima ng karahasan na nauwi sa pagkabaliw. Mayroon ding mga anak-mayamang teenagers na may mga malalang down syndrome.
Sa kaso ng ama ni Zuriel Andreau, kabilang iyon sa iniwan ng mahal na asawa matapos limasin ang kayamanang pwedeng makuha rito sa legal na paraan nang hindi nito namamalayan. At dahil ang pag-ibig nga raw ay nakakabaliw, hayun at nauwi ang kawawang ginoo sa pagkasira ng utak. Mabuti na lamang at hindi ito pinabayaan ng mapagmahal na anak na si Zuriel Andreau.
At maigi nalang din na nasiraan ito ng bait, kung hindi ay hindi niya alam kung ano ang gagawin ni PrinceDestiny para magkatagpo ang landas nila ng gwapong negosyanteng si Zuriel Andreau.
May-ari ng isa sa pinakamalalaking call center sa bansa ang pamilya nina Zuriel Andreau. Dahil nagkandaleche-leche nga ang patakbo ng ama nito sa negosyo noong bulag na bulag pa iyon sa pag-ibig ay kamuntik na iyong bumagsak. Maigi na lamang at bumalik sa bansa si Zuriel Andreau. Ito ang nag-take over sa lahat ng naiwan ng ama. Sa pagkakaalam pa niya, nasa Amerika ang binata at piniling doon manirahan ng magpasya ang ama nito na mag-asawa muli. Maaga kasi itong nabalo sa ina ni Zuriel Andreau.
"Oy, Chantal, kanina pa akong nagsasalita rito, ni hindi mo ako pinapansin." Narinig niyang untag ni Marcia at tinapik ang braso niya.
Marahang ipinilig ni Chantal ang sariling ulo. Kung saan-saan na naman naglamyerda ang utak niya. Kaharap nga niya ang tablet pero wala naman doon ang concentration niya. Kunsabagay, sobrang tagal naman kasing mag-reply ng ka-chat niya.
"Marcia, may kilala ka ba na pwedeng i-date?" tanong niya.
"Ha?"
"Kailangan ko ng ka-date. Kahit sino. Kahit yung hardinero niyo, basta ba gwapo ha?"
BINABASA MO ANG
Dare To Love You (completed_published)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Chantal Yvonne was getting depressed on how Zuriel Andreau would be aware of her existence. Pinagtatawanan na siya ng mga kaibigan at hinamong paibigin ang binata sa loob ng tatlong buwan na duda siyang mana...