Finale

6.8K 189 14
                                    


LAKAD-TAKBO ang ginawa Chantal na paghabol kay Zuriel Andreau dahil sa taas ng heels ng stiletto niya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siyang pahabulin nito at magkunwaring hindi siya naririnig. Hindi niya rin maunawaan kung bakit pati sa kanya ay nagagalit ito. Pumasok si Zuriel Andreau sa elevator at hindi na niya ito naabutan dahil sumarado na ang pinto bago pa man siya makalapit roon. Naghanap siya ng iba pang elevator na pwedeng masakyan pero sa malas ay wala namang ibang available.

She doesn't have any choice but to use the stairs. And she did. Hinubad na niya ang suot na sapatos at patakbong bumaba ng hagdanan. Hinihingal na siya pero hindi siya maaaring mamahinga. Sa eight floor gaganapin ang engagement party nina Lilith at Quinn at ang ibig sabihin noon ay eight floors din ang kailangan niyang takbuhin pababa.

Kamuntik na pala siyang hindi umabot dahil kasalukuyan ng lumalabas ng hotel entrance si Zuriel Andreau. Sa parking area na niya ito inabutan.

"Zuriel... ano... ba?!" humihingal na pigil niya rito sa tangka nitong pagsakay ng sariling kotse.

"How much Yvonne?!" mapait at nangangalit na tanong nito sa kanya.

"What?" Hindi niya ito maintindihan. Ano bang itinatanong nito?

"How much did you win from your friends?"

Pakiramdam ni Chantal ay napawing bigla ang pagod at pagkauhaw niya dala ng pagtakbo pababa ng eight floor. Napalitan iyon ng pagkagimbal. Pakiwari pa nga niya'y lumulobo ang ulo niya sa pagkabigla.

"Na... narinig mo kami?" kandautal na tanong niya.

"You..." wala sa loob na naihilamos nito ang mga kamay sa sariling mukha.

"Let me explain." Gusto niyang maiyak. Natatakot siya. Doble pa sa takot na naramdaman niya noong nagtatapat siya rito. Pakiramdam niya kasi, nanganganib na naman itong mawala sa kanya, na anumang sandali ay iiwan siya nito. Kailangan niyang magpaliwanag!

"Hindi ko akalain na maski ang nakakaangat na sa buhay na katulad mo ay maghahangad pa din ng salapi. Ano pa bang gusto mo, Yvonne? Nasa sayo na ang lahat! Bakit nagagawa mo pang manakit ng damdamin ng iba para sa pera?" Masamang-masama ang loob nito. Ramdam na ramdam niya iyon sa bawat salitang inilalabas ng bibig nito.

"Zuriel, no! Hindi naman kita gustong saktan. Believe me!" Pakiusap niya.

"Believe you? Should I still belive you? Sabi mo, huwag kong lahatin ang mga tao dahil hindi lahat ng tao ay hindi mapagkakatiwalaan. Pero ano bang ginawa mo? Ginawa mo lang akong parang isang bagay na pinagpupustahan. I can't believe I trusted you, and I even loved you."

Gusto niyang magpaliwanag pero ng makita niyang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ni Zuriel Andreau ay wala nang ibang isinigaw ang dibdib niya kundi ang yakapin ito. Subalit bago pa man niya iyon magawa ay itinulak na siya ni Zuriel Andreau palayo.

"Huwag kang lumapit sa akin, hindi kita kilala! And I hate you. I hate you more than I hate those people who betrayed, left and hurt me. I hate you up to heaven!" pagkawika noon ay mabilis na lumulan ito sa sasakyan at pinaharurot iyon.

Nanlulumong napaupo siya sa sementadong sahig ng parking space na iyon. Daig pa niya ang sinaksak ng isanlibong patalim dahil sa sinabi ni Zuriel Andreau. Nauunawaan naman niya ang nararamdaman nito. Hindi niya ito masisisi kung ganoon nalang ang maging galit nito sa kanya matapos nitong marinig ang usapan nila ng mga kaibigan. Dahil sigurado siyang hindi nito narinig iyon ng buo. Kung narinig nito ang lahat, hindi ito magagalit sa kanya ng ganoon.

Dare To Love You (completed_published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon